Chapter | Thirty-five

4.1K 66 11
                                    

Maluwag kong tinanggap sa sarili ko ang lahat bagay na hanggang ngayon, hindi ko parin mapaniwalaan. Masaya ako, halos wala na ngang mapaglagyan ang kaligayahan ko e, ikaw ba naman mag-propose sa'yo ang taong mahal na mahal mo, hindi ka matutuwa? Kahit na buntis na ako't lahat, hindi parin maalis ang kilig ko sa katawan.

Sandali ko rin pinagmasdan ang wedding ring na nasa daliri ko, ngayon ko lang napansin na may nakaukit na pangalan niya do'n. Napangiti ako. Umiling ako habang sinisipat ang sing-sing na hawak ko. Muli ko rin iyon isinuot sa daliri ko 'pag tapos. Naisip ko lang, ganito pala ang pakiramdam ng taong in-love araw-araw. Bukod sa masaya ka na, parang wala ring problema. Sana nga hindi na ito magbago, tipong tumagal ng husto ang relasyon na meron kami.

Naupo ako sa bakanteng garden set, sandaling nag-relax. Marahan akong pumikit at isa-isang nagbalik sa alaala ko ang nakaraang napag-usapan namin ni Darius. Kung paano niya rin pinaliwanag sa'kin ang set-up ng kasal namin. Katunayan, wala pa iyong exact date. Wala naman akong magagawa e, maghihintay parin ako kung kailangan.

"Hon, sinadya kong gawin ang proposal ko sa'yo but, I'm sorry kung wala pang sapat na panahon para ikasal tayo. Sana, hindi masama ang loob mo sa'kin."

Hindi ko alam sa sarili ko, sa tuwing humihingi siya ng sorry sa akin lumalambot agad ang puso ko. Pinagmasdan ko ang mga kamay niya habang hawak rin ang mga kamay ko. Ayoko siya tingnan at pakiramdam ko, ilang kurap na lang ng mga mata ko dadaloy na naman ang mga luha ko. Huminga ako ng malalim at nanatiling walang imik.

Siguro nga, kailangan ko ngayon sapat na pang-unawa't pag-intindi sa mga sinabi niya. Kahit naman sumama ang loob ko at umiyak ako, wala rin akong magagawa. Paulit-ulit ko na lang sinabi sa sarili ko, makasal man kami o hindi, mananatili parin ako sa kanya.

*

"Hi, natagalan ka ba sa paghihintay?" Namulat ako nang marinig ko ang boses ni Darius habang marahan niyang minamasahe ang noo ko.

Umiling ako. "Hindi naman, ano ba kasing ginawa mo?"

Wala siyang naisagot maliban sa matamis niyang ngiti. Nangunot-noo naman ako at hindi maiwasan mag-isip. Sinundan ko siya nang tingin habang mabilis rin siyang naupo sa may bakanteng upuan. "Gusto lang kitang kantahan." Sinimulan niyang kunin ang gitara at laruin ang strings no'n. Palihim akong napangiti habang pinagmamasdan ko siya.

"Marunong ka ba naman kumanta?"

"Oo, baka nga lalo kang ma-inlove 'pag narinig mo ang boses ko."

"Sus, sige na. Umpisahan mo na 'yan."

Umayos ako nang pag-upo habang hinihintay ko siyang magsimula. Ilang segundo lang, nagawa niyang kumanta kasabay sa tugtog ng gitara. Napahagikgik ako at gusto ko nang mangisay sa kilig. "One and Only" by Parokya ni Edgar. Gayang-gaya niya ang boses.

***

"It took one look then forever laid out in front of me. One smile then I died, Only to be revived by you."

"There I was thought I had everything figured out, goes to show just how much I know 'bout the way life plays out."

"I take one step away, then I find my self coming back to you... my one and only you... ooh."

"Now I know, that I know not a thing at all. Except the fact that I am yours and that you are mine... ooh...

"They told me that this wouldn't be easy, and no... I'm not one to complain."

"I take one step away, then I find my self coming back to you... my one and only, one and only..."

"I take one step away, then I find my self coming back to you... my one and only you..."

Love Takes Time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon