Chapter | Forty-four

4.5K 72 6
                                    

*THREE MONTHS LATER*

Matagal kong pinag-isipan ang mga bagay tungkol sa pag-asikaso ng business na pansamantalang iniwan ni Darius. Wala akong alam sa pagma-manage ng negosyo pero ginampanan ko para sa kanya. Kamakailan, nagsadya si Gwen sa bahay. Isa sa mga sekretarya ni Darius at kailangan nila ng pansamantalang boss kaya pinursige ko narin ang sarili ko.

Sa una, mahirap. Pero madaling mag-adjust dahil sa tulong ni Gwen at John. Silang dalawa ang katuwang ko sa office, medyo stress at mas lalong stress kapag pumapasok sa isipan ko ang kalagayan ni Darius. Sa loob ng three months tulog parin siya. 'Di ko na matiis, gusto ko na siyang sampalin ng sobrang lakas para lang sana magising. Nakakainip. Naiinip ako sa mga panahong nasasayang dahil 'di ko siya magawang kausapin.

*

Naupo ako sa swivel chair matapos kong dumalo sa meeting. Nakahinga ako ng maluwag dahil natapos ang meeting na walang aberya. Naisip ko, hindi talaga madaling pumapel sa posisyon ni Darius. Pakiramdam ko, bawat meeting na pinupuntahan ko mapapaanak ako ng 'di oras. Sobrang pressured pero atleast, naranasan ko narin maging part-time boss.

"Hi, good afternoon." Napahinto ako sa pag-revised ng mga reports nang marinig ko si John. Naupo siya sa isang bakanteng couch at may dalang merienda. Cassava cake na nasa malapad na box. Excited akong kainin, pinabili ko iyon sa kanya.

"Kanina lang seryoso ka pero ngayon para kang bata."

"Nagugutom narin ako, 'di ko matiis tingnan 'yung binili mo. Thank you."

"Tss, it's okay wala si Darius para bilhan ka niyan at sa ngayon ako muna substitute para maging utusan mo."

"Oo na, hanggang utusan lang ha?"

Tumayo si John mula sa couch na inuupuan niya at marahang lumapit sa'kin. Kung noon, umiiwas ako sa mga tingin niya. Sa ngayon, hindi na. Nasa balat parin niya ang pagiging maloko pero hindi na malala tulad noon. We're friends at hanggang doon lang.

"Anong plano mo mamaya? Hindi mo ba pupuntahan si Darius?" Tanong niya sa'kin habang kumukuha ng sliced cassava cake. Pakiramdam ko, nalungkot ako sa sinabi niya.

"John, alam mo naman ang sagot, diba? Kailan ko ba siya hindi pinuntahan? Kahit pagod ako from office, diretso Ospital parin ako."

"Ako, substitute driver mo narin."

"Sus, 'di na! Mamaya ano pang isipin ni Beatrice." Muli kong hinawakan ang papel para i-revised. "Safe naman ako kay Mang Ben, maayos siyang mag-drive."

"Please, wala naman problema kay Beatrice kahit ipag-drive kita. Isa pa, maayos din naman ako magmaneho, 'di ako kaskasero. Mas malala pa nga si Darius kaysa sa'kin."

I sigh, tumango na lamang ako bilang sagot kay John. Sobrang kulit niya. Ngayon ko lang siya pinagbigyan ulit, ayokong may pag-ugatan na naman ang awayan nila ng asawa niya. Sa ngayon, excited akong magtungo ulit sa Ospital. Walang araw na hindi ako excited kahit madaratnan kong tulog si Darius.

Palihim akong napahaplos sa tiyan ko, sobrang likot ngayon ni baby. Eight months narin siya ngayon. Next month, pwede na akong manganak. Natatakot ako pero gusto ko narin makita si baby, masyado narin akong nabibigatan sa kanya. Sana, baby boy at hindi mali ang ultrasound result.

*

Pasado alas-kwatro inaya ko narin si John magtungo sa Ospital. Hindi ko alam at parang may kakaiba sa mga kilos niya ngayon. Una, gustong-gusto niya ihatid ako sa Ospital. Pangalawa, hindi siya mapakali kakatawag sa phone. Pangatlo, masayang-masaya ang aura niya.

Kung sana, makita ko narin ang masayang ngiti ng asawa ko.

Kung sana, madatnan ko naman siyang gising.

Love Takes Time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon