Kapag tinamaan nga naman ng lintik, hindi na magagawang tumanggi.
Hindi na ako nakapalag nang umpisa niya akong halikan. Bakit ganito? Mukhang mauuwi na naman kami sa-- "Darius, s-sandali nga... alis, baka maipit si baby." Sambit ko nang sandaling makawala ang labi ko. Ang totoo'y, nasisiksik narin ako sa gilid ng ding-ding.
Agad niyang hinawakan ang pisngi ko gamit ang kanan niyang kamay. Sakop na sakop ng buong palad niya ang mukha ko dahilan para muling siilin ako ng halik. Mas marahas ngayon, parang hindi niya ako naririnig. Ano bang nangyayari sa kanya? Oo, alam ko, ayos na kami pero 'di ibig sabihin mauuwi na naman kami sa kung saan.
Kahit anong iwas ko, 'di ko magawa. Hindi naman ako makasigaw ng malakas dahil narito kami sa bahay namin sa Antipolo. Ayoko namang mag-isip sa amin si Mama, nakakahiya!
Paulit-ulit kong tinutulak si Darius at halos mapunit ko narin ang suot niyang polo dahil sa higpit ng hawak ko. Pero hindi. Mas lalo siyang ginanahan sa paghalik. Agresibong nakapasok ang kamay niya mula sa laylayan ng t-shirt ko, medyo loose iyon kaya hindi siya nahirapang mahawakan ang kaliwang dibdib ko.
Napasinghap ako.
Napasabunot ako sa kanya nang malipat ang halik niya sa leeg ko.
Hindi na ako makatanggi. Unti-unti na akong natatangay ng mapanukso niyang init. Nakakapaso, daig niya pa ngayon may trangkaso. Mabilis niyang hinubad ang suot niyang polo at nagpatuloy sa ginagawa niya habang tinatangay ang buong katinuan ko.
"Darius, tama na..." Impit ang lahat maging bulong ko sa kanya.
Napahinto siya sa ginagawa niyang paghalik. Matagal niya akong pinagmasdan sa mga mata. Pakiramdam ko, doon lang ako nakahinga ng maayos. Pilit kong inayos ang sarili ko dahil nalihis ang suot kong t-shirt. Napamura ako sa loob ko dahil kahit ang hook ng suot kong bra, natanggal niya nang hindi ko namamalayan.
Aalis na sana ako sa harapan niya pero natigilan ako. Lumunok ako nang masulyapan ko siya. Alam ko ang ibig niyang ipahiwatig sa'kin kahit hindi siya magsalita. Nanlamig ako at mabilis na kumabog ang puso ko.
Sinundan ko siya ng tingin pero sa ngayon, hindi ko masasabing mukha parin siyang may sapi. Nanatili siyang nakatitig sa'kin bagay na unti-unti akong napaatras. Maliit ang kwarto kaya madali kong naramdaman ang lamig ng ding-ding. Ako narin ang unang umiwas ng tingin sa kanya pero muli kaming bumalik sa umpisa.
"Pagbigyan mo ako...Sabrina." Mainit niyang bulong sa'kin.
Mariin na lamang akong pumikit. Hindi pa naman ako bingi para hindi marinig ang sinabi niya sa'kin. Sinadya niyang halikan ako sa kaliwang tainga, para akong kinukuryente sa ginagawa niya. Marahan niyang inilagay ang kamay ko paikot sa batok niya habang patuloy na kumakalat sa leeg ko ang mga halik sa'kin. Nanlalambot ang mga tuhod ko, anumang oras bibigay na ako.
Aminadong suko na naman ako sa kanya.
Naiinis ako, sa tuwing nagkakaayos kami palaging ganito siya sa'kin. Inis na gustong-gusto ko. Inis na para bang sinasabayan ko rin ang bawat galaw niya. Doon ako inis na inis... Hindi ko magawang tumutol.
Nagpatuloy kami hanggang sa buhatin niya ako pahiga sa kama. Paulit-ulit akong napapasinghap habang 'di ko narin mabilang ang ginagawa niyang halik sa akin. Malayang naglalakabay ang dila niya sa loob ng bibig ko. Pakiramdam ko, nasugat narin ang labi ko sa diin niyang humalik.
Ito na naman ba kami?
Malayang inaangkin ang isa't-isa.
Walang alinlangan at bahid ng pagdududa.
May pagmamahal.
May respeto.
Ayoko narin isipin ang mga pagkakamali niya sa'kin dahil alam ko sa ngayon, mas minahal ko ang kaisa-isang lalaki ng buhay ko. Maligaya parin ako sa kung anong sitwasyon ang mayroon kami. Masasabi kong, mas magaan sa kalooban kung bukal sa loob mo ang magpatawad.