Chapter | Thirty-four

4.3K 78 18
                                    

Hindi ko na kailangan hanapin ang sagot sa mga tanong na gumugulo sa'kin. Pakiramdam ko, sapat narin ang mag-desisyon ako ng tama. Mag-isip ako ng positibo at maging masaya sa bawat pagkakataon na ksama ko siya; si Darius.

Matagal nabalot ng katahimikan ang namagitan sa'ming dalawa. Wala akong ibang naririnig kundi ang malalim niyang paghinga kasabay ng paglukso ng puso ko. Gusto ko nang simulan sabihin, gusto kong matapos narin ito.

Sandali akong nakiramdam, iniisip ko kasi kung paano simulan. In that way na hindi ko siya masaktan. Tipong, mauunawaan niya ako at magkaroon siya ng malawak na kaisipan tungkol sa nais kong malaman niya.

Lumunok ako nang magtama ang paningin namin. Ito na naman siya sa mga titig niya, unti-unti na naman akong pinapatay ng makahulugan niyang tingin sa'kin. Hirap akong isabay ang hininga ko sa bilis ng pintig ng puso ko.

Hanggang sa...

Maramdaman kong muli ang mainit niyang halik sa'kin. Nanatili akong mulat habang pinagmamasdan ko ang marahang pagpikit ng mga mata niya. Pakiramdam ko, may gumuhit sa gitna ng sikmura ko at ginapangan ako ng maraming kuryente sa katawan.

Ito ang isa sa mga weakness ko.

Ang halik niya sa'kin na kusang nagpapasuko ng sistema ko.

Isang dahilan para mawala ako sa sibilisadong takbo ng mundo.

Sa pagkakataon na ito, ayokong maging bulag sa katotohanan. Maging manhid ulit sa pinaparamdam niya sa'kin. Kung ako lang din ang masusunod, ayokong matapos kami sa ganitong eksena. Kahit araw-araw ko itong nararamdaman mula sa kanya para bang bago ulit ang lahat? Nagbalik kami sa nakaraan, masaya lang at walang problema.

"Good morning."

Hindi namin namalayan ang pagsulpot ng doktora mula sa pinto. Pareho kaming napalingon ni Darius sa kinatatayuan nito. Agad akong umiwas at nakadama ng hiya. Tipid akong ngumiti habang mabilis naman siyang kumilos para tumayo.

"Sorry, sandali lang ito. Monitor ko lang 'yung blood pressure ni mommy." Masayang sambit ng doktora habang palapit sa pwesto ko.

Napasulyap ako kay Darius at gano'n din siya sa'kin. Gusto kong matawa sa hitsura niya dahil kulang na lang din, mag-walk out siya. Mabilis niyang nilapitan si Isabel, habang tulog ito sa malaking sofa. Mas lalo tuloy ako nanlamig at bumilis ang tibok ng puso ko, bagay na maka-ilan ulit akong kinuhanan ng BP ng doktora.

"Misis, 'wag kang kabahan. Relax okay? Sorry talaga sa istorbo. Hindi ko sinasadyang maputol ang moment niyong mag-asawa." Nakuha nitong tumawa ng mahina at patuloy sa kanyang ginagawa.

Hindi na ako umimik, gano'n pa man nahihiya parin ako sa mga sinasabi ng doktora. Kung bakit kasi hindi nagawang i-locked ni Darius ang pinto? Private room naman ito at sariling kwarto kung saan din ako naka-confine. Pakiramdam ko, nag-init ang pisngi ko dahil sa pagkahiya.

"Okay, normal naman lahat ng findings. Pwede narin kayong umuwi ngayon, basta next time ingatan niyo si baby. Hindi kasi pwedeng palagi tayong panatag kahit okay ang results ng check-up niyo." Paliwanag sa'min ng doktora.

Paulit-ulit na lang din akong tumango bilang sagot. Hindi rin naman nagtagal at umalis narin ang doktora. Nagawa pa nitong mag-biro tungkol sa nasaksihan nang biglaan bumukas ang pinto. Tulad ko, walang naitugon si Darius. Hanggang ngiti na lang din siya samantalang ako hiyang-hiya para pag-usapan ang halikan naming dalawa.

*

"Nakakahiya. Hindi mo kasi ni-locked 'yung door knob." Impit kong bulong sa kanya nang lumapit sa'kin. Ngumiti lang siya at nilipat sa kanlungan ko si Isabel.

"Sa bahay na lang natin ituloy." Sarkastiko niyang sabi bagay na agad akong napalingon sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin. "I mean... sa bahay na lang tayo mag-usap? Usap diba? May sasabihin ka sa'kin?" Depensa niya.

Love Takes Time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon