Chapter | Eleven

8K 126 8
                                    

3 months later..

"Bakit hindi ka pa mag-pahinga?" Natinag si Darius nang mag-salita si Aling Sonia mula sa kanyang likuran. Nadatnan kasi siya nitong nasa garden at malalim ang iniisip. Bahagya siyang ngumiti at humarap sa may edad na ginang. Lumakad si Darius palapit sa garden set at naupo doon. Alas diyes na ng gabi pero hindi parin siya makatulog. Agad siyang nagsalin ng wine sa kanyang baso at ininom rin iyon. "Masobrahan ka naman sa alak iho, hindi kita makakayang akayin sa kwarto mo. Alam mo naman kapag may eded na, hirap na kumilos."

Natawa si Darius. "'Nay Sonia, ayos lang po ako. Isa pa, hindi naman ako tinatablan sa wine. Gusto ko lang mag-palipas ng oras." Nangiti rin naman si Aling Sonia at naupo sa bakanteng upuan. Sa tagal na nga naman ng paninilbihan ng matanda sa kanya, alam na nito ang mga galaw ni Darius. Kung masaya ito at may problema, kahit ilihim pa iyon, kabisado narin ni Aling Sonia. 10 years narin ang tagal ng kanyang serbisyo.

"Siya nga po pala, tulog napo si Isabel at si--" Tila natigilan mag tanong si Darius tungkol kay Sabrina. Tumango naman si Aling Sonia. Naintindihan nito ang ibig sabihin ng kausap. Isa rin na gumugulo sa kanyang isipan ay ang dalaga. Ilan buwan narin ito sa poder niya bilang baby sitter nI Isabel. Noong una'y ayos naman sila pero ngayon, unti-unti niyang nararamdaman ang pag-iwas ni Sabrina sa kanya.

Napasandal na lamang si Darius sa inuupuan nito at marahang pumikit. Agad naman iyon napansin ni Aling Sonia. "Darius, tungkol ba ito kay Sabrina? Alam mo, malungkot parin siya. Umiiyak. Kapag mag-isa lang siya sa kwarto, kahit kausap ayaw. Pero nagagampanan niya naman ang pagiging yaya sa anak mo. Siguro---" Hindi na natapos ni Aling Sonia ang huling sasabihin nang magsalita si Darius.

"Nay, paano ba? Gusto kong bumawi kay Sabrina. Alam ko, hindi madaling tanggapin ang lahat. Iniwan na siya ng bunso niyang kapatid, si Steven. Naaawa ako e, hindi ko alam kung paanong ilapit sa kanya ang sarili ko para maging magkaibigan kami. Ayokong bigyan ng laman ang lahat ng naitulong ko Ayokong isipin niya, sinasamantala ko ang pagkakataon."

"Kung wala naman talagang rason ang pakay mo, bakit hindi Darius? Mas mainam nga kung gano'n, malaman ni Sabrina hindi parin siya nag-iisa. Mahirap talagang mawalay sa taong malapit sa'yo. Pero may panahon, hihilom din 'yung sakit na nararamdaman niya. Ano nga kaya kung mag-usap kayo? Kausapin mo siya Darius."

Marahan minulat ni Darius ang kanyang mata at naupo ng maayos. Napahinga siya ng malalim at ininom ang huling wine na nasa baso. Tila natauhan siya sa payo ng matanda. Ito na marahil ang simula na magkaroon din sila ng pang-unawa sa isa't-isa. Ramdam niya ang bigat sa dibdib ni Sabrina mula pumanaw ang kapatid nito. Anim na buwan ayon sa taning ng doktor ay binawian rin ito ng buhay sa loob lamang ng dalawang buwan.

Lahat ng pwedeng maitulong ni Darius, ibinigay niya para mapabuti ang lagay ng kapatid ni Sabrina. Pero kahit siya, walang nagawa. Kusa narin iyon sumuko sa sakit na leukemia. Ano nga ba naman ang magagawa niya? Kung sa kamay mismo ng Diyos, naroon narin ang kapasyahang mawala ang kapatid ng dalaga? Kahit sa mismong asawa niyang si Thea, wala rin siyang nagawa? Tinanggap niya parin kahit hirap siyang mag-adjust.

Buwan ng Enero. Taong kasalukyan.

"Sabrina?!" Gulat na sambit ni Darius nang buksan niya ang pinto ng kwarto kung saan naka-confine ang kapatid ni Sabrina. Kitang-kita niya kung paano umiyak ang dalaga, habang kipkip nito ang may swerong kamay ng kapatid. Awang-awa siya at hindi alam ang susunod na sasabihin. Marahan niyang pinisil ang balikat ni Sabrina at pilit niya rin pinapakalma.

"Darius, hindi ko kaya! Bakit? Bakit ang kapatid ko pa?" Giit ng dalaga habang nakasubsob ito sa higaan ng kapatid. Pigil man ang bawat hikbi pero ramdam sa boses nito ang dalamhati. Bahagyang may kumurot sa puso ni Darius. Ayaw niya ng gano'ng eksena. Ayaw niyang may nakikitang binawian ng buhay sa kanyang harapan.

Love Takes Time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon