Chapter | Twenty

7.8K 114 9
                                    

Pasado alas-nueve ng gabi nang makauwi sina Darius at Sabrina. Nag-usap man sila ng mga seryosong bagay, hindi parin nawawala kay Darius ang mga gumugulo sa kanya. Nauna narin pumanhik sa kwarto si Sabrina. Samantalang siya, nag-paiwan sandali at nag-punta sa garden.

"Sab, mauna kana sa kwarto." Sambit ni Darius.

Tumango naman si Sabrina at sinundan na lamang niya ng tingin ang dalaga habang paakyat sa hagdan. Siniguro niya pa itong nakapasok na sa loob ng kwarto bago siya nagtungo sa garden.

Mula sa pagkakasandal sa upuan, nagawa niyang itungkod ang kanyang siko sa dalawang hita. Balisa siya. Nakuha niya pang hilutin ang noo pahagod sa batok at napahilamos. Gustong lumabas ng pag-aalala sa puso niya. Para bang malaking takot parin ang nasa puso niya.

Mag let-go? Oo, mahirap pero kung hindi mo sisismulan, hindi karin makakawala. Hindi mo masasabing masaya ka parin dahil sa puso mo, nakakulong parin ang ala-ala ng nasirang kahapon mo.

Nangusap siya sandali sa kanyang sarili. Heto nga, hanggang ngayon... suot niya parin ang pares ng sing-sing mula ng ikasal siya sa pumanaw niyang asawa. Ito ba ang sinasabing nakapagmove-on na? Sandali niyang pinagmasdan at hinubad mula sa kanyang daliri.

Ramdam ang lungkot sa kanyang puso. Ang lungkot ng nakaraan ang siyang nagpaparupok sa kanyang kahinaan. Mas lalo siyang nakakadama ng maliit na tiyansa para bumangon ulit.

Nagsalin siya ng inuming alak sa maliit na baso at ininom niya 'yon. Ganito ang ginagawa niya sa tuwing nakakadama ng pagkalito at balisa. Mas panatag siya sa paraang tulad nito.

"Darius? Ikaw ba 'yan?" Nagtataka naman nilapitan siya ni Carmi. Ang mama niya.

Nagmamadali itong lumakad palapit sa kanya habang hawak ang sumasayad nitong pantulog. Nang makarating si Carmi sa kinaroronan ni Darius, naupo ito sa isang bakanteng upuan. Hindi naman umiimik si Darius, mas pinili pa nitong uminom ulit.

"Nak, ano bang problema? Tungkol ba ito kay Sabrina? Nag-away ba kayo?" Nag-aalalang tanong kay Darius.

Umiling siya. "M-may iniisip lang ako sa ngayon." Muli siyang uminom at sumandal sa upuan. Tutok lang ang mga mata ni Darius sa madilim na langit.

"Ano naman 'yon? Nag-aalala ako sa'yo, baka mapasobra ka sa alak! Magalit sa'yo si Sabrina." May halong concern parin sa boses ng mama niya.

"G-gusto ko nang umpisahan ulit. Iniisip ko, tingin niyo ba tamang mag-mahal ako muli? May takot parin sa puso ko, hindi para kay Sabrina. Kundi para sa sitwasyon na iwanan niya din ako. Mawala siya sa buhay ko."

Nagsimulang maging duwag ang puso ni Darius. Magpapatalo nga lang ba siya? Bakit nga ba may pag-aalangan hanggang sa kasalukuyan ang nararamdaman niya? Ito ang isa sa mga kahinaan niya. Gano'n pa man nanatiling matatag ang salitang binitiwan niya para kay Sabrina! Mga pangako na handa niyang tuparin.

"Paano? Bakit mo iisipin ang takot, kung hindi mo subukan? Mahal mo si Sabrina diba? Pakasalan mo siya. Kung nag-aalangan ang puso mo, sigurado akong mawawala 'yan sa oras na mag-asawa ka ulit. Hindi masama kung mag-umpisa Darius, alam mo kung ano ang masama? 'Yung sirain mo ang pangako na binitiwan mo. Pag-isipan mong mabuti, anak. Magpakalalaki ka para kay Sabrina. Alisin mo ang takot, hindi 'yan makakatulong sa'yo."

Sandaling natahimik si Darius. Ang kaninag pinanghihinaan ng loob ay nabuhayan. Nagawa niyang maglakad-lakad na tila nag-iisip ng susunod niyang gagawin. Napatigil siya sa harap ni Carmi. Niyakap niya ito. Bilang ina para sa kanya pinalakas nito ang kanyang loob. Pakiramdam niya, first time lang niya ulit ma-inlove.

Bakit nga ba hindi niya sundin ang mga advices nito sa kanya? Walang masama kung subukan. Mas mainam kung haluan niya ng aksyon ang mga plano niya. Hindi maipapadama ng mga salita lamang ang pagmamahal na mayroon siya para kay Sabrina.

Love Takes Time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon