Chapter | Twenty-five

5K 99 10
                                    

Naging malaking tanong ang pagiging mailap ni Sabrina para kay Darius. Maaga pa lang umuwi na siya mula sa opisina. Sabik siyang makita ang dalawang babae sa buhay niya. Ang kanyang anak at si Sabrina. Mahal niya ang mga ito.

Sa sobrang katuwaan, nagawa niyang tawagan ang dalaga pero nanatiling naka-off ang phone nito. Wala siyang idea kung anong pinagkaka-abalahan ni Sabrina. Pakiramdam na lang niya hindi siya nito gustong maka-usap. Pinag-kibit balikat ni Darius ang pakiramdam na iyon. Malaki parin ang tiwala niya kay Sabrina.

Pasado alas-sais nang makauwi siya ng bahay. Mas lalo siyang nasabik nang maka-park narin ang kanyang kotse. Parang miss na miss niyang makita ang dalaga kahit araw-araw din niya iyong nakikita. Pag bungad niya sa pinto, walang ibang sumalubong sa kanya liban kay Nanay Sonia. Karga nito si Isabel.

"Iho, kamusta?" Halos mapangiwi lamang ang may edad na babae sa kanyang harapan. Kinuha niya ang anak mula sa bisig nito saka hinagkan.

"Si Sabrina po? Bakit wala siya?" Agad niyang tanong. Nanatiling tikom naman ang bibig ni Nanay Sonia. Hindi siya kuntento sa pag sawalang-kibo nito kaya agad siyang pumanhik kung nasaan ang kwarto nila.

Wala doon si Sabrina. Wala rin ito kahit sa kwarto ni Isabel maging sa guest-room.

Napalunok si Darius. Biglang kinabahan kung saan ngayon ang dalaga. Wala siyang alam sa plano nitong pag-alis o kung saan lupalop man ito nagpunta. Mabilis niyang nilapag ang bata sa kulay pink nitong crib.

Balisa siya at nag-aalala kung nasaan si Sabrina. Naisipan niyang kontakin ito, nag-ring ang phone pero muling nag-off. Napahinga siya ng malalim at pilit na kinakalma ang sarili. Muli siyang nakadama ng pagkainis at irita. Nagawa niyang ma-meywang at magpalakad-lakad. Napahagod siya ng mariin sa kanyang batok at inalis ang ilan botones ng kanyang polo. Pakiramdam niya anuman oras pwede siyang magwala.

Ewan sa sarili kung bakit sa gano'ng paraan, nagagawa niyang pag-isipan ng hindi maganda ang dalaga. Kahit sa panahon na inaangkin niya ito, sadyang nagiging mailap ito pagkatapos. Pakiramdam niya iniiwasan siya nito. Naglilihim ang mahal niyang si Sabrina. Bagay na paulit-ulit rin naman tinatanggi nito sa kanya.

Nagawa niyang mamulsa at pagmasdan ang tahimik niyang anak sa crib. Naglalaro ito at tumingin din sa kanya. Ngumiti iyon at pilit siyang inaabutan ng stuff-toy. Nakadama siya ng panatag sumandali. Nilapitan niya ang anak at kinakausap. Nagawa niyang haplusin ang pisngi nito at pisilin. Ano nga bang habag ng isang ama para sa kanyang anak na wala itong kagisnang ina? Awa ang kanyang unang naramdaman.

Muli niya itong binuhat. Sandaling niyakap. "Baby, mahal na mahal ka ni daddy." Bulong niya dito. Naisip niyang bumaba sa sala's at doon na lang hintayin si Sabrina. Muli rin niya itong kinontak. Pero wala. Nanatili parin naka-off ang phone nito. Ewan sa kanyang pakiramdam at nagawang ihakbang patungo sa labas ang kanyang paa.

"Nay, sa inyo po muna si Isabel. Wala po talaga kayong alam kung nasaan si Sabrina?" Muling tanong niya pero umiling lamang din ito sa kanya.

Nagpalakad-lakad siya sa garden at muling kinalma ang sarili. Walang alam si Sabrina sa sobrang pag-aalala ni Darius. Naging malaking isipin sa kanya ang kinaroroonan ng dalaga. Muli siyang nakadama ng takot. Handa nga ba siyang harapain ang totoo kung sakaling iwanan siya nito? Handa nga bang magparaya siya kung...kailangan? Ang puso nga ba niyang tapat na nagmamahal ay muli na naman masasaktan?

Lumipas ang halos dalawang oras-mahigit. Naagaw ng kanyang pansin ang kulay gray na kotse ilang hakbang, mula sa kinatatayuan niya. Laking gulat niya nang bumaba mula doon si Sabrina. Nag-ngitngit ang kanyang kalooban. Alam niya kung sino ang nagmamay-ari no'n. Ang dating kaibigang si John.

Nangunot-noo siya at nakadama ng selos para dito. Palihim na kumuyom ang palad ni Darius. Apektado siya. Inaamin niya iyon at hindi niya pwedeng itanggi. Hinintay niyang maka-alis ang kotse ni John bago niya salubungin sa labas si Sabrina. Sinadya niyang diliman ang kanyang awra. Bagay na alam niyang natakot ang dalaga sa kanya.

Love Takes Time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon