Chapter | Two

9.6K 159 8
                                    

Kasalukuyan ko parin akong narito sa ospital para bantayan si baby Isay. Kailangan siyang mai-confine sa loob ng days. Naaawa ako para sa kanya, kahit naman kasi nurse din ako hindi rin matatag ang loob ko lalo sa ganitong sistema.

Minsan narin ako nakapag OJT sa mga ospital at hindi na ito iba sa'kin. Basta, ayaw ko lang nakakakita ng ganitong batang nahihirapan. Sana gumaling na siya para maipasyal ko naman. Gusto kong bumawi sa kanya.

Naupo ako sa gilid ng kama, tulog siya ngayon at napagod sa pag-iyak. Tahimik kong pinagmasdan ang kamay ng bata habang may swero iyon. Nakadama ako ng awa at naluha ako nang hindi ko namalayan, sbrang napalapit na ako ng husto sa bata.

"Baby, pagaling kana ha? Promise ko sa'yo papasyal tayo basta gumaling ka." Bulong ko sa kanya, wari'y ngumiti naman ito sa'kin na akala mo'y gising at naiintindihan ako.

Natinag ako nang mag-vibrate ang cellphone at mabilis ko iyon kinuha sa loob ng bag.

Sandali kong pinag-isipan kung sasagutin ang tawag ni Carl.

"Good morning, nasaan ka ngayon? Bakit sarado ang bahay mo?"

"Narito ako sa ospital, na-confine ang bata." Sagot ko sa kanya.

"A-ano? Ano daw ang sakit niya?" Nag-aalala niyang sabi. "Hindi ka ba papasok?"

"Hindi siguro, walang magbabantay kay baby e. Kung gusto mo, pag-out mo mamaya puntahan mo ako dito." Sinabi ko sa kanya ang pangalan ng ospital.

Nang matapos kami mag-usap, binalik ko ulit ang atensyon ko sa bata. Nagising ito at muling umiyak. Maingat ko siyang kinarga dahil may swero siya sa kamay.

"Miss, heto ang bill at resibo ng gamot ninyo." Iniabot sa'kin ng nurse ang papel. Nabigla ako sa laki ng bill namin, nasa thirty thousand ito mahigit.

Habang abala ang nurse sa pag monitor kay Isabel, sandali akong napaisip kung saan kukuha ng gano'ng kalaking pera. Pakiramdam ko, biglang nanlumo ang katawan ko pero ayokong maging mahina para sa ganitong sitwasyon.

"Sabrina kumusta?" Bungad ni Carl sa akin. Marahan niyang ibinukas ang pinto kasama sina Jen at Chen. Natuwa ako dahil sa hindi inasahang pagdalaw nila. Kahit paano'y gumaan ang loob ko at nalimutan ang sandaling problema.

"Hello, ayan ba si Isabel?" Tanong ni Chen.

"Ano? Okay na ba si Isay?" Tanong naman ni Carl habang abala ito sa pag-ayos ng dalang pasalubong.

"Okay naman kaso, three days dapat ma-confine." Sagot ko.

"Girl, blessing 'yan sa'yo at naging nanay ka bigla. Alam mo, mhirap kapag napamahal ka, darating sa point na malulungkot ka dahil binawi sa iyo ang bata. Pero 'wag mo na lang sigurong dibdibin kung mangyari 'yon." Saad ni Jen.

Naisip ko narin iyon pero wala akong magagawa kung sakaling kunin sa'kin si Isabel ng tunay niyang mga magulang. Hindi ko naman anak ang bata, marahil naikwento narin ni Carl sa kanila kung paano ito napunta sa akin.

Love Takes Time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon