Mabilis parin ang pagkabog ng puso ni Sabrina habang paakyat sa hagdan. Pakiramdam niya hindi lang ito ang ibang consequences na mangyayari. Masusundan pa ito na ilang beses at paulit-ulit. Ang luhang kanyang pinalis ay patuloy parin sa pag-agos sa kanyang pisngi.
Hindi pa man nagkakaroon ng lebel sa pagitan nilang dalawa ni Darius may naganap nang hindi inaasahan. Si John. Ang dahilan ng lahat, hindi rin ito magagawang magpatalo, hangga't gusto nito dapat mangyari.
Pasado alas-diyes, hindi parin nag-uusap sina Sabrina at Darius. Matagal nabalot ng katahimikan sa pagitan nila. Narito sila sa office-library. Parang kawawa ang hitsura ng dalaga dahil nanatili itong nakatayo mula sa harapan ng desk. Abala naman si Darius sa pag-ayos ng reports habang tutok parin ang atensyon sa laptop.
Pasimpleng humagod ang tingin ng dalaga sa mukha ni Darius. Wala na ang bahid ng galit nito at maaliwalas ulit nag mukha. Ngayon lang niya ito nakitang naka-suot ng reading glass. Napalunok siya. Mas lalong nakadagdag ng appeal iyon para kay Darius.
Kalahating oras na silang tahimik. Ganoon din katagal ang pagtayo ni Sabrina at nakadama na ito ng pagkangawit sa pangalawang pagkakataon. Huminga siya ng malalim bago magsalita. Mukhang walang plano si Darius para basagin ang katahimikan.
"Darius, mag-?" Hindi na naituloy ni Sabrina ang sasabihin. Agad iyon pinutol ni Darius at tinapunan niya ng malamig na tingin ang dalaga.
"Maupo ka." Automatikong nag-uutos ang lalaki na parang estranghero para sa kanya. Naging unreachable ito kay Sabrina. Ang mga mata ay walang emosyon.
Nahihiya at nanaliliit man sa sitwasyon, naupo ang dalaga sa bakanteng upuan. Parang business-like portion ang magiging usapan nilang dalawa. Maaring may kundisyon. May kabayaran. Tama nga ba? Tulad sa kanyang iniisip, maaring pareho lahat.
Sa pagkakataon na 'yon nagawa munang isawalang bahala ni Darius ang ginagawang reports. Sandali niyang iginilid ang laptop sa desk at nilipat ang tingin kay Sabrina.
"Hindi na natin patatagalin ang usapan Sabrina. Alam mo naman siguro ang pag-uusapan natin." Huminga ng malalim si Darius at tumayo mula sa swivel chair na inuupuan nito.
"I'm sorry, kung tungkol ito kay John? Sorry..." Muling nangilid ang luha ni Sabrina. Ang mga luhang naipon sa kanyang mata ay nais ulit dumaloy sa kanyang pisngi.
Sobrang pagsisisi ang pahiwatig ng boses ng dalaga. Hindi niya alam na ganito ang mangyayari. Kung bakit nagawa ni John ang mga bagay na hindi dapat. Hinalikan nito si Sabrina sa harapan ni Darius. Kahit sino man maipit sa gano'ng sitwasyon galit at inis ang mararamdaman.
Nanatiling nakatayo si Darius malapit sa glass-door ng terrace. Huminga ng malalim at inalis ang ilang botones ng suot niyang polo. Hindi pa niya nagagawang magpalit mula sa opisina. Pakiramdam niya masikip ang kanyang paghinga. Nagawa niyang palihim na ikuyom ang kanang kamay. Nag ngingit-ngit parin ang loob sa galit dahil kay John.
"Sabrina, inaamin kong... natutunan na kitang mahalin. Marahil noon pa. No'ng magkita tayo sa Ospital. Pero pinigilan ko dahil kay John. Nagtiis ako sa nararamdaman ko dahil sa kanya. Mula nang aminin niya sa'kin mahal karin niya doon ako nagparaya at 'yun ang mali. Maling-mali ako dahil hindi ko pinaglaban ang nararamdaman ko para sa'yo."
Tila nabunutan ng tinik si Darius mula sa kinikimkim ng kanyang puso. Helpless ang boses niya habang nagpapaliwanag sa dalaga. Parang nais kumawala lahat ng hinanakit sa kanya. Lahat ng pakiramdam ng isang talunan ay nararamdaman niya.
Mabilis na pinahid ni Sabrina ang kanyang mga luha. Napatinag siya. Nag-angat siya ng tingin at nabigla sa pagsulpot ng lalaki sa kanyang harapan. Wala na siyang nagawa kundi yakapin si Darius. Ang maskulado nitong dibdib ay naging sandigan niya sa muling pagluha.