Ang mali ay nagiging tama sa isip ng tao kung inuutusan siya ng makapangyarihang puso. Simpatya, awa, paghanga... maaring pag-ibig narin ang sumibol nang hindi namamalayan ni Sabrina.
Nang gabing magtapat sa kanya si Darius ay hinayaan na lamang pagbigyan ito ayon sa mga salitang binitiwan para sa kanya. Ano man siguro ang kahinatnan, nakahanda siya. Masaktan. Magmahal. Tumanggap. Para sa taong tapat sa nararamdaman.
Tatlong araw ang lumipas, pinadama ni Darius kay Sabrina ang lahat ng ipinangako niya dito. Nanligaw siya. Sinuyo niya ang dalaga at halos walang palya ang pagbigay niya dito ng bulaklak. Tulad ng isang matiyagang 'suitor' araw-araw din siyang naghihintay sa magiging tugon ni Sabrina.
'Back to zero' ang lahat para sa kanya. Unti-unting nilimot ang lahat ng ala-ala ng kanyang asawa dahil iyon parin ang dapat. Marahil panahon na talaga para simulan ang bagong pag-ibig para sa puso niya.
Kinabukasan...
Nagtungo si Darius kung nasaan ang kwarto ni Isabel. Gusto niya itong makita at sandaling mabuhat ng sabik niyang mga bisig. Hindi pa man nakakalapit sa crib ng kanyang anak ay nadatnan niyang nakahiga sa single bed si Sabrina.
Ewan kung bakit mas naunang lapitan niya ang dalaga. Sandali niya ito pinagmasdan. Tahimik siyang naupo sa gilid ng kama at hinawi ang ilang strands ng buhok nito. Bahagya man itong gumalaw, nanatili parin ito sa payapang tulog.
Nakadama siya ng kasiyahan dahil nakikita niya ito ng malapitan. Walang make-up. Walang kahit anong arte dahil sa suot na pajama set. Ramdam niya kung gaano kaingat ang dalaga sa sarili nitong katawan. Mabilis niyang kinuha ang comforter para ikumot iyon kay Sabrina.
Hindi narin naglikha ng ingay si Darius dahil malalim parin ang tulog ni Sabrina. Naisip niyang napuyat din ito sa pag-alaga ng kanyang anak. Maswerte parin siya dahil kilalang-kilala niya ang dalaga at hindi ito naging pabaya. Marahan siyang lumabas at muling bumalik sa sariling kwarto.
Pakiramdam niya tuluyan na siyang nakalaya sa nakaraan. Mabilis niyang inayos ang lahat ng gamit at uniform para sa opisina. Nasanay narin siyang asikasuhin ang sarili mula maranasan niyang mamuhay mag-isa. Walang katuwang. Walang asawa.
+++
Marahan nagmulat ng mata si Sabrina. Tila nagulat pa ito dahil sa kwarto siya ni Isabel nakatulog. Agad siyang napabangon at sumulyap sa wall clock pasado alas-siyete 'y media narin ng umaga. Nagtungo siya sa crib at gising narin si Isabel. Ngumiti ito sa kanya at gustong magpakarga. Hindi naman siya nag-alangan at binuhat niya ito.
"Good morning baby, kanina ka pa ba gising? Sorry, ang sarap kasi matulog dito sa kwarto mo, hindi ko na nagawang bumalik sa guest room." Nakuha niya pang kausapin ang walang malay na paslit.
Wala sa loob niyang makatulog sa kwarto ni Isabel. Naalala niya ang dahilan kung bakit hindi na muling nagawang bumalik sa guest-room. Naging abala siyang tingnan ang mga photo albums ni Isabel maging ang wedding albums ni Darius at Thea.
Aywan kung bakit hanggang ngayon, nakakadama parin siya ng selos. 'Normal nga bang mag-selos?' Sabi ng kanyang isip. Tipid na lamang siyang napangiti at huminga ng malalim. Muli niyang binuklat ang wedding albums. Sobrang kapal no'n at parang sinadyang gawin.
Hindi niya maiwasan humanga sa ganda ni Thea. Bilugan ang mukha nito at bumagay ang pagka-mestisahin sa pula at manipis na labi. Maging ang buhok straight iyon at hanggang balikat ang haba. Parang kahit sa picture na lamang buhay na buhay parin ang mga mata nito at nangungusap. Tila masayang masaya ito dahil nakasal sila ni Darius.
Sino nga ba naman hindi magiging masaya? Ikinasal ka sa taong mahal mo at mahal ka rin? No doubts. No regrets. Doon niya maihahambing ang hitsura ni Darius sa pictures habang nakayapos ito sa bewang ni Thea. Parang fairy tale sa buhay nila na tila natupad pero walang ending dahil sa namatay ito ng wala sa panahon.