Chapter | Twenty-one

5.5K 106 5
                                    

Matapos ang isang oras na pag-iimpake ko sa gamit namin, sa wakas... natapos rin ako. Gusto sanang tumulong sa'kin ni Darius pero hindi ko na pinayagan. Sabi ko bantayan na lang niya si Isabel.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at huminga ng malalim. Sobrang marami akong mamimiss sa lugar na ito. Naupo ako sa gilid ng kama, hinaplos ko ang bed-sheet. Naalala kong bigla ang nangyari sa'min ni Darius kagabi. Hindi parin kasi ako makapaniwala hindi pa kami nagtatagal sa relasyon pero may nangyari na agad sa pagitan namin.

Ewan ko, hindi ko narin mapigil ang sarili ko. Alam ko mali pero gano'n nga ba talaga kapag mahal mo ang isang tao? O'di naman kaya ako lang 'yung babaeng madaling bumigay?

Napailing ako sa iniisip ko. Ayoko man pero naganap parin. Buo naman ang pasya kong ibigay ang sarili ko sa kanya. Nasa edad na ako. Kahit nga hindi niya ako panagutan ayos lang. Kaya ko naman ang sarili ko... kung sakali.

Lumakad ako palapit sa harap ng bintana. Sandali kong tinuon ang atensyon ko sa labas. Mula kasi sa kwarto tanaw doon ang garden. Pinagmamasdan ko si Darius, inaalalayan niyang lumakad si Isabel kasama si Darlene. Napangiti ako habang pinapanood ko sila.

Lumipas ang ilan minuto napansin ko na may kinokontak si Darius. Nangunot-noo ako. Naisip ko tungkol siguro 'yon trabaho niya. Magbakasyon ba naman ng isang linggo? Tambak na naman siya ng sari-saring reports at presentations.

Bigla kong na-miss ang trabaho ko sa opisina. 'Yung panahon na kasa-kasama ko sila Carl at Jen? Tere? at Chen. Gusto ko narin sila makita. Kahit si John, naalala ko rin.

Todo effort maghatid-sundo sa'kin. Nanligaw rin siya pero hindi ko siya sinagot. Kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. Ewan ko, tandang-tanda ko pa no'ng huli kaming magkausap. Tatlong araw lumipas bago ako tumira sa poder ni Darius.

Pauwi na ako noon galing sa opisina at naghihintay ng masasakyan...

May kulay gray na accent na huminto sa harapan ko. Gusto ko kilalanin kung sino 'yung driver no'n at laking gulat ko: si John. Nagtataka parin ako habang pinagmamasdan ko siyang palapit sa'kin.

"Bree." Sigaw ni John sa'kin.

Tipid akong ngumiti sa kanya pero siya? Kitang-kita ko kung gaano parin siya kasaya. Excited na siyang malaman kung ano talaga ang sagot ko sa panliligaw niya sa'kin.

"Let's go? Hatid na kita." Masaya niyang sabi at inalalayan akong makasakay sa kotse niya.

Ayoko na sana pero palagay ko, dapat na niyang malaman kung ano talaga ang feelings ko para sa kanya. Gwapo rin naman si John, tulad ni Darius ma-appeal din siya. Kaso, mahangin parin talaga ang appearance niya kahit simpleng damit ang suot.

Binabagtas na namin ang daan pauwi sa apartment ko pero laking gulat ko nang ideretso iyon ni John. Wala akong idea kung saan kami pupunta. Kinabahan ako at gusto kong magalit sa kanya.

"John! A-anong ginagawa mo? Saan mo ako dadalhin?" Giit ko sa kanya.

Natawa lang siya. "Relax! Okay? May pupuntahan tayo." Sabi niya sabay kindat sa'kin.

Napasuklay ako ng mariin. "Loko-loko ka pala e, relax pa gusto mo?!" Singhal ko. Hinawakan ko siya sa braso. "Ihinto mo 'yung kotse, bababa ako!" Sabi ko.

Mas lalo niyang binilisan ang pag-drive. Lumingon ako sa bintana at nasa expressway na kami. Hindi siya natinag at bwisit na bwisit narin ako sa kanya. Ano bang tumatakbo sa isip niya? Nasisiraan na siya ng bait. Mas lalo akong nakadama ng nerbiyos dahil kilala ko siya bilang playboy, bed-warmer, kahit sino pwede niyang ikama. Pwes, sa'kin hindi 'yon uubra.

Hindi na ako umimik at hinayaan ko siya. Hindi ito pwedeng gawin sa'kin ni John. Umiling ako. Sinusumpa ko, kung anoman ang balak niya sa'kin. Hindi ko talaga siya mapapatawad! Tinatandaan ko ang bawat lugar na madaanan namin. Kung sakali may gawin siya sa'kin, makakauwi parin ako ng buhay at mag-commute nalang sa jeep.

Love Takes Time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon