**FINAL CHAPTER**
HINDI mapakali ang mga paa ko habang palakad-lakad sa harapan ng salamin. Punong-puno ng nerbiyos ang dibdib ko. Kahit ang kamay ko, ramdam ko ang panlalamig may suot man akong manipis na gwantes. Ito na... para bang hindi parin ako makapaniwala. After three years magaganap narin sa buhay ko ang matagal naming pinakahihintay.
"Sab, ano ba? Maupo ka muna dito. Hindi pa kita tapos ayusan." Nilingon ko si Carl doon lang ako natauhan. Naka-krus ang mga braso niya habang nakaarko ang kaliwang kilay. Maaga palang nagsadya na siya dito dahil nagpresinta siyang aayusan ako. Wala akong nagawa kundi huminga ng malalim at muling umupo sa harapan ng salamin.
"So, bakit ba palakad-lakad ka? Daig mo pa manganganak e, kasal ang pupuntahan mo...hindi delivery room." Sinamaan ko siya ng tingin mula sa repleksyon niya sa salamin. "Joke, sis! Ito naman hindi mabiro, excited ka 'no?"
"Uhm, oo pero slight lang..."
"Slight? Baket? Dedma kaba ngayon sa hitsura ng gwapong groom na naghihitay sa'yo? Diyos ko! 'Di ko maiwasan magkasala dahil kay Darius." Halos maging kamatis ang mukha ni Carl kakatawa, kahit ang balikat ko lamog narin kakatapik niya.
"Sis, masakit naman 'yung pagtapik mo e, hindi naman porque slight ang kaba, dedma ko na? Siyempre, ano-- uhm, ewan ko basta." Ayoko sabihin sa kanya kung ano talaga ang nararamdaman ko. Sinabi ko na lang 'slight' para matigil narin siya pero lumala yata dahil kilig na kilig siya kaka-imagine.
Patuloy si Carl sa pag-asikaso sa'kin. "Sis, kung anuman ang 'basta' na 'yan well, all I can say is... goodluck! I'm pretty sure, 'di ka makakawala sa honeymoon ninyong dalawa. Kitang-kita ko kanina sa mga tingin ni Darius, nagmumurang kalamay sa lagkit."
"Carl, hindi kana talaga nagbago." Napapahagikgik ako sa mga pinagsasabi niya, bukod kasi sa mga salita, sinasabayan niya iyon ng actions. "Sis, hindi uubra kung anuman ang balak niya sa honeymoon, may family-planning rules kaming dalawa."
Nangunot-noo si Carl at nameywang. "Gaga, kapag nasa kama kana...'di na uso ang family-planning. Kahit nga ang sarili mo baka 'di mo narin makilala kaka-ungol. My God! Iniisip ko palang, ewan ko...pero kung ayaw mo, pwedeng ako na lang, substitute sa honeymoon?"
Nailing ako habang si Carl, rinig na rinig sa apat na sulok ng kwarto ang paghalakhak niya. Hindi masakit sa tenga ng tawa niya, parang si Papa Jack sa radio, 'di ko nga lang alam kung anong station no'n. 'Di ko maiwasan sabayan ang mga tawa niya dahil nadadala ako. Masaya kung masaya, gano'n si Carl bagay na gustong-gusto ko sa kanya at hindi iyon nabago.
"Sis, wish ko sa inyong dalawa... maging makulay ang relasyon ninyong mag-asawa. Siyempre, magkaroon din kayo ng maraming chikiting bukod sa bunso ninyong si Samuel. Pwede na siyang sundan, three years old narin 'yung bata." Suhestiyon niya.
"Iniisip ko narin 'yan, pero ang hirap kase manganak. Sobrang nahirapan ako kay Samuel."
"E'di mag-CS section ka... kaysa naman normal birth? Tapos, magrereklamo kang nahirapan ka. Atleast, iyon walang hirap."
"Bakit sis, nasubukan mo na ba 'yon?"
"Ay! Tingin mo may matres ako? Kung meron lang e, bakit hindi? Pero palagay ko lang naman...malay mo, diba?"
"Ewan, bahala na sis. Okay lang naman kung sundan si Samuel, kaso gusto ni Darius, yearly? Ano ako? Ayoko pang masira ng husto ang figure ko."
"Tse, ikaw lang yata ang nanay na maarte." Nagtama ang paningin naming dalawa sa repleksyon ng salamin. "Sab, once maging nanay kana...'di mo na kailangan ng seksing katawan! May iba nga diyan, parang drum na ang figure tapos ikaw ayaw mong masira ang katawan mo? Sige, baka naman matukso sa iba ang asawa mo."
![](https://img.wattpad.com/cover/19204541-288-k883528.jpg)