**TEN YEARS LATER**
Maraming pangyayari sa buhay naming mag-asawa for almost ten years. Kung minsan, 'di maiwasan magkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan sa isa't-isa. Tampuhan, away pero agad din naman iyon naaayos. Sabi nga nila; walang timpla ang relasyon ng mag-asawa kung hindi ninyo nararanasan magtalo. Normal iyon pero kapag nagkakasakitan na... pwede ka nang magreklamo sa mga pulis.
Anyway, hindi lang buhay naming dalawa ang tumatakbo sa ngayon. Maging ang mga anak namin, dalaga at binata narin. Si Isabel, she's 15 years old and sweet. Kahit alam niyang hindi ako ang tunay niyang mommy, naging madali parin sa kanyang tanggapin ang lahat. Mabait siya at maaasahan narin sa bahay. Pero may panahon na nagiging malihim narin siya. Siguro, dala narin iyon ng pagiging teens.
"Hi, mommy... wow! Pastries." Tinapik ko ang kamay ni Samuel nang hawakan niya ang bagong gawa kong pastries, basta na lang susunggab. "Bakit, ma? Malinis naman ang kamay ko."
"Maghugas ka do'n. 'Di kana nagbago, para kay daddy ninyo ang ginagawa kong pastries."
"Tsk, palagi na lang si daddy. Paano naman ako, ma?"
"Ah, basta. Maghugas muna."
Pinagtulakan ko narin ang anak ko para maghugas ng kamay. Ugaling tamad kasi itong si Samuel. Pero mabait siya tulad ni Isabel. 'Wag nga lang paglalapitin ng panahon dahil para silang aso't pusa. Malaki narin ang nagbago kay Samuel, he's 13 years old. Matangkad siya sa'kin, nagmana kay Darius. Mula sa features ng mukha, pareho sila.
Hindi rin madaling unawain ang pagiging teens ng mga anak ko. Sobrang moderno na talaga ang mundo ngayon, minsan inuumaga kakalaro ng mga online games. DOTA? Mga gano'n? Ewan ko, hinahayaan ko nalang si Darius kumausap sa anak niya. Mas magkakaintindihan dahil pareho silang lalake.
"Ma, pwedeng magpaalam?" Tanong ni Samuel. Naupo ako sa harapan ng mesa. Magkaharap kami.
"Ano na naman ang ipapaalam mo? Hindi umubra sa daddy mo, ako ngayon ang kukulitin mo."
Nagkamot siya ng batok. "Ma, hindi. Pero parang gano'n e."
"Ano nga? Sabihin mo na sa'kin." Nagtungo ako sa ref at kumuha ng tubig. Pakiramdam ko, may sasabihin na naman siya para mag-alala ako.
"Birthday ni Edward. 'Yung team mate ko po sa basketball? G-gusto ko sana--"
Nasamid ako. "Nak, hinde. 'No' ako diyan sa paalam mo."
"Sige na, please. Hindi po ako magpapaabot ng gabi. Bago dumating si daddy mamaya, dito narin ako." Pakiusap niya sa'kin. Nagawa niyang tumayo para yakapin ako at halikan sa pisngi. Naglalambing.
"Nak, 'di ko alam... pag-iisipan ko muna kung papayag ako, okay?" Sagot ko sa kanya.
"Mommy, mamaya na gaganapin ang birthday."
"Anong oras?"
"Uhm, 2 p.m po. Sharp."
Hinagis ko sa mukha niya ang face towel. "No, kay daddy ka magpaalam 'wag sa'kin."
"Ma, please... please... payagan mo na ako."
I sighed, 'di ko natiis ang pakiusap ng anak ko sa'kin at pumayag narin ako. Never kong matiis si Samuel at ito rin ang madalas naming pagtalunan ni Darius. Ini-spoiled ko raw. Sinundan ko nang tingin si Samuel paakyat ng hagdan. Binata na talaga siya. Parang kailan nga lang pinapalitan ko pa siya ng diapers at ako rin ang kasama niya no'ng magpatuli siya. 'Di ko makalimutan ang gano'ng eksena, halos mapangiwi siya sa sakit.
Gusto ko nalang tawanan ang mga nagdaang moments sa amin. Naupo ako sandali pero hindi pa man nag-iinit ang pwetan ko sa upuan, umiiyak naman ang bunsong si Clyde. Agad akong tumayo para lapitan siya at linisan dahil ang dumi niya tingnan. She's 5 years old at sobrang kulit narin.