Chapter | Four

10.5K 157 12
                                    

Kusang nagpaubaya si Darius para kay Sabrina. Ano nga bang desisyon ang kanyang naisipan upang iwanan sa poder ng dalaga ang kanyang anak? Tila nabaliktad ang lahat ayon sa nauna niyang plano: ang bawiin ang anak tulad ng hangad niyang mangyari.

Matagal siyang nanatili sa parking lot, bago mag-pasyang lisanin ang naturang Ospital. Sandali siyang nag-relax upang mapanatag. Nais niyang alisin sa kanyang sarili ang negatibong pananaw na nagiging hadlang sa kanyang mga pasya.

Kaduwagan nga bang maituring? Ang kanyang puso at damdamin ay kusang sumusuko para sa dalaga. Pakiramdam niya'y nabulag siya nito sa katotohanan at maaring magmahal ulit sa huli at pangalawang pagkakataon.

Ngunit, hindi. Hati parin ang kanyang kaisipan at ayaw niyang samantalahin ang nangyayari sa kasalukuyan. Alam niya sa kanyang sarili ang salitang limitasyon. Hindi siya maaring maging apektado. Wala sa hinagap niyang dayain ang sarili para lamang mapalapit kay Sabrina.

*

MEMORIAL PARK.

Sinadya ni Darius magtungo sa lugar na ito. Pakiramdam niya'y narito ang buong panatag ng kanyang isipan sa tuwing dinadalaw niya ang nasirang asawa. Madalas niya itong gawin bagay na mas lalong nagkakaroon ng takot sa kanyang kalooban upang magmahal muli.

Malaki parin ang lugar ni Thea sa kanyang puso.

Aminin man iyon ni Darius at sa hindi, hirap parin siyang kumawala sa kanyang nakaraan. Patuloy parin iyon humahadlang sa kanyang pag-usad. Hindi niya masimulan, takot at pangamba parin ang nangingibabaw sa sarili hanggang sa kasalukuyan.

Mapait siyang ngumiti habang naglaan ng sandaling panahon sa puntod ng kanyang asawa. Nagawa niyang linisin ito at iwanan ng bulaklak. Kung minsa'y nagagawa niyang kausapin ang sarili sa tuwing hirap ang kanyang damdamin upang makapag-isip ng normal.

"Babe, tulungan mo naman ako. Naguguluhan akong mag-isip. Hindi ko alam kung tama ang naging pasya ko? Iniwan ko ang anak natin sa poder ni Sabrina. Wala akong nagawa. Naging duwag ako para aminin kay Sabrina ang lahat. Isa lang naman ang gusto ko e, mabawi parin si Isabel at hindi iyon magdulot ng gulo at kumplikadong sitwasyon."

Nagbalik ang magandang samahan nila ni Thea sa kanyang isip. Noong nabubuhay pa ito at nakakausap. Anuman ang kahiligan ng kanyang asawa ay gusto niya rin. Wala siyang matandaan na nag-away sila kahit noong magkasintahan pa lamang sila hanggang sa magsama sa iisang bubong at maikasal. Mahal na mahal nila ang isa't-isa.

Pero namatay ito sa hindi inaasahang panahon. Iniwan siya ni Thea at 'yon ang hindi niya napaghandaan. Pakiramdam niya'y gumuho ang kanyang mundo. Nasira ang kanilang pangarap at maging manhid narin ang kanyang damdamin upang magmahal muli.

Muling natuon ang isip ni Darius sa kasalukuyan nang marinig niya ang isang pamilyar na boses. Nagawa niyang kilalanin ito mula sa 'di kalayuan at nginitian habang unti-unting lumapit sa kinaroroonan niya. Ang mommy ni Thea; si Mrs. Ingrid Fuentes.

"Darius, kumusta? Hindi ka parin nagbabago, palagi mo parin dinadalaw ang anak kong si Thea. Sigurado ako masaya siya sa ginagawa mo. Anyway, kumusta si Isabel?" Ani Mrs. Ingrid habang inilapag nito ang dalang bulaklak.

Natigilan naman si Darius nang banggitin sa kanya ang kalagayan ng anak. Nag-iba ang mga ikinilos niya sa naramdamang nerbiyos. Nanlamig siya at parang hindi maniwala.

"May problema ba kay Isabel? Namimiss ko narin siya, maari ko bang madalaw? Or else ipasyal ko rin siya." Nakangiting sambit ni Mrs. Ingrid.

"Ma, kailangan natin mag-usap." Ani Darius at inalalayan ang kausap nito patungo sa kotse. Wari'y nanlaki naman ang mga mata ni Mrs. Ingrid sa kakaibang sagot sa kanya.

Love Takes Time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon