Chapter | Twenty-two

6.1K 103 6
                                    

2:00 p.m

Lunes. Isang linggo narin ang lumipas mula nang magbakasyon kami. Habang tulog si Isabel naisipan ko maglinis sa office-library. Masyadong makalat ang ibang gamit ni Darius kaya inayos ko narin. Kahit ang bookshelf, wala sa ayos ang mga libro.

Sandali akong nag-stay sa harap ng desk. Iniisip ko kung paanong ayos ang gagawin ko. Mukhang mabigat 'yung desk dahil yari sa narra-wood pero mas okay kung malapit sa bintana para presko. Pilit ko 'yon hinila malapit sa bintana kahit mabigat.

Matapos ang halos isa't kalahating oras na paglilinis, nagpasya narin akong lumabas ng office-library. Hindi pa man ako nakakailang hakbang at may naapakan akong hindi inaasahan. Madali ko 'yon pinulot mula sa sahig. Pinagmasdan. Tinitigan. Inusisa. Kinilala. Isa lang ang alam ko, kay Darius ang sing-sing na naapakan ko. Ano naman kaya ang dahilan at sinadya niyang iwanan dito ang sing-sing?

Naisip ko, ibalik sa kanya. Pero ewan at may pumipigil sa'kin. Para bang natukso pa akong itago ang sing-sing sa bulsa ko. Wedding ring niya 'yon sa nasira niyang asawa. Bakit kasi parang ang sakit? Heto na naman ba ako? Mag-mahal ba naman kasi ng single pero daddy naman! Tapos ngayon? Ngayon pa ako mag-iinarte?

*

Ano pa nga bang magagawa ko? Nagmahal lang naman ako. Pero bakit nakakaramdam parin ako ng insecurities sa katawan ko? Oo, wala talagang masama, hindi masamang magmahal. Ang masakit lang, nagagawa mong mag-selos parin kahit wala naman dapat pagselosan.

Napatinag ako nang may kumatok sa pinto ng kwarto, kasabay no'n ang pag-pasok ni Nanay Sonia. Karga niya si Isabel at halatang bagong gising ang bata.

"Iha... nagising si Isabel, kinuha ko narin siya at dinala dito sa kwarto." Iniabot niya sa'kin 'yung bata. Ngumiti ako pero tipid lang. "May problema ba?" Usisa niya sa'kin

"Wala po 'nay. May iniisip lang po." Pilit na naman akong ngumiti.

Naupo si Nanay Sonia sa tabi ko. Hinawi niya 'yung buhok ko at hinaplos iyon. "Parang anak ko narin kayo ni Darius. Sa totoo lang, ayaw kong siya lang nag-oopen sa'kin ng problema. Gusto ko kahit ikaw, Sabrina? Pwede mo akong sabihan. Meron nga ba?" Sabi niya.

Una, hindi muna ako umimik. Siguro nga nahalata niya rin may kinikimkim ako. May tinatago. Nag-aalangan akong i-kwento ang tungkol sa sing-sing ni Darius. 'Yung nakuha ko doon sa office niya? Actually, tinago ko na lang din 'yon sa maliit na pocket ko sa drawer. Ibibigay ko na lang kapag hinanap niya.

Nilingon ko si Nanay Sonia, ngumiti lang siya. "Nay. Tungkol po sana kay Darius."

Hindi na ako nag-pabitin. Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik pero ang sabihin nalimutan isuot? Parang awkward. Hindi dapat gano'n e, 'yun parin lumabas sa bibig ko. Tsk, Kainis... Ayoko naman pahalata kay nanay, baka isipin ang arte ko.

"Nasaan 'yung sing-sing?" Tanong niya.

"Nakatago po sa drawer ko. Pero 'nay... 'wag niyo muna sabihin ito kay Darius. May plano po ako."

"O, sige kung ano man 'yan. Siguraduhin mong hindi kayo mag-aaway. Kung sabagay, mahaba ang pasensya ni Sir. Mabait talaga siya. Wala akong masabi, hindi ko siya nakitang nagalit ng husto. 'Yung panahon lang siguro nang mawala ang bata." Paliwanag niya.

Nagtaka ako. "Bakit 'nay? G-gusto ko rin sana malaman ang nangyari sa kanya no'ng mawala si Isabel."

"Nakakaawa siya. Mararamdaman mo sa kanya ang nawalan ng lahat. Asawa? Anak? Gano'n. Ni kahit kumain dati, ayaw. Puro inom. Uuwi lasing, matutulog sandali tapos iinom ulit. Sa alak tumakbo ang buhay niya no'ng mangulila siya. Kung minsan--"

Naging interesado ako sa kwento ni Nanay Sonia pero nagtataka ako kung bakit siya napahinto. Lumakad siya palapit at hinawakan ako sa magkabilang palad. Nanatili siya sa gano'n at parang maiiyak.

Love Takes Time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon