Chapter | Thirty-eight

3.9K 73 7
                                    

"Sir, good morning po. May gusto--" Halos matapilok ang isa mga mga sekretarya ni Darius ng kabigin ito ng nagmamadaling babae na gustong kumausap sa kanya.

Mabilis siyang tumindig at diretso ang tingin batay sa naging reaksyon ng kaharap; si Mrs. Ingrid.

Ito nga ba ang pahiwatig ng mga sinabi noon ni Sabrina sa kanya? Ang panghihimasok at pangingialam ng in-laws niya.

Mainit ang mga matang tutok ni Mrs. Ingrid para kay Darius. Sandali nitong pinagmasdan ang lalaking kaharap. Galit ang mukha nito ayon sa kanyang isipan.

"Iwanan mo na kami, Gwen." Malamig na boses ni Darius sa nakayukong sekretarya niya. Tumango na lamang ito at mabilis na isinara ang pinto ng private office.

"Ano ho ang pag-uusapan natin ngayon?" Kalmadong niyang hinarap ang kausap bilang respeto. Muling naupo si Darius sa swivel chair, gano'n din si Mrs. Ingrid sa harapan ng desk.

"Marami, maraming-marami tayong pag-uusapan Darius."

"T-tungkol ho saan?" Kaswal parin ang kanyang boses.

Tipid na sumilay ang mga ngiti mula kay Mrs. Ingrid. Pakiramdam niya'y madali para kay Darius ang mga isasagot nito dahil sa formality na hitura ng lalaki. Awtomatikong tumaas ang kaliwang kilay ni Mrs. Ingrid batay sa kanyang mga naiisip, nagawa rin nitong mamaypay sa sobrang tensyon.

"Nakabukas naman ho ang aircon." Ngingisi-ngising biro ni Darius.

"Ayokong makipaglokohan. Hindi ako nagsadya dito para ngisihan mo Darius, importanteng gawan ko ng aksyon ang tungkol kay Isabel."

Natawa ng mahina si Darius. "Aksyon? Sigurado ho kayo? Bakit, nasa panganib ba ang bata? Wala naman diba?"

"Pwedeng manganib." Makahulugang sambit ni Mrs. Ingrid.

Alam ni Darius ang ibig sabihin sa kanya. Pinaalalahanan siya ng kausap. Palihim na nag ngit-ngit ang kanyang kalooban dahil sa insulto. Ramdam niya ngayon ang pang-iinsulto para kay Sabrina.

Umusbong ang munting galit sa dibdib ng makisig na lalaki. Kung maari nga'y paalisin na lamang nito ang babaeng kaharap niya ngayon. Sadyang inuudyukan siya ng pagkainis, bagay na pilit ang pagtitimpi at pagpigil sa pwedeng mangyari.

"Kung tungkol ho ito kay Sabrina, wala kayong dapat ipag-alala. Ang buhay ni Isabel ay nasa maayos, iniisip niyo bang walang potensyal ang babaeng maaring pumalit, bilang ina para sa anak ko? Ngayon pa lang sinisiguro ko sa inyong mali kayo."

"Hindi ito pwedeng mangyari, naiintindihan mo?!" Napatayo si Mrs. Ingrid at nagawang hampasin ang desk. Kasabay ng pamumula ng mukha nito sa galit.

Napailing si Darius at sa halip na patulan ang galit ng kaharap, nagawa niyang lumakad paharap sa bintana. Namulsa ito at humugot ng malalim na paghinga. Saglit na sinulyapan ang suot na wrist watch, pasado alas-onse narin ng tanghali.

Wala sa loob na pag-ukulan ng panahon ang usaping alam niyang walang patutunguhan. Nais niya'y maging payapa ang kanyang pag-iisip, isang kalokohan ang pakialaman ng kanyang in-laws ang tahimik na buhay kasama ang kanyang anak at si Sabrina.

"Walang karapatan maging ina para kay Isabel si Sabrina. Hindi ako papayag Darius. Kukunin ko ang bata, ilalayo sa iyo. Ang katulad ni Sabrina ay isang opurtunusta! Manggagamit! Ayokong kamulatan ng aking apo ang isang tulad niya para maging ina sa bata."

"Hindi siya opurtunista! Mas lalong hindi masamang tao si Sabrina. Bakit ba hindi niyo nalang kami hayaan? Ilang beses niyo nang ininsulto ang pagkatao niya! Sa ngayon, hindi ko na ito maaring palampasin."

"How could you say that! Ako pa ba ang mali dito? Hindi ba't totoo naman ang lahat? Sinadya ni Sabrina mapalapit ang loob mo, gano'n din kay Isabel. Magbabago rin siya! Sa una'y mabait, sa una'y santa ang kanyang ugali. Kalauna'y magbabago iyon, lalabas rin ang tunay niyang kulay."

Love Takes Time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon