Ten-minutes before 5:00 p.m nang marating namin ang bahay ng pamilya ni Darius sa Tagaytay. Expect ko pa naman medyo terror din ang mama niya. Pero hindi...
Mababait silang lahat sobra. Welcome na welcome ako sa pamilya nila. Maliban siguro sa isa niyang kapatid. Si Darlene. Sabi ni Darius, medyo masungit daw 'yon pero hindi ako naniniwala. Kung magiging close kami, sigurado ako makakasundo niya rin ako.
"Darius, kumusta?" Masaya kaming sinalubong ng mama ni Darius. Ang higpit ng yakap niya parang sobrang miss na miss niya ito. Natawa pa ako sa loob ko dahil pa-charming kasi yumakap ang mama niya.
Biglang nabaling naman ang tingin ko sa dalagitang parating. May yellow ribbon ang buhok nito at yellow din na bestida. Palagay ko nasa 15 years old lang siya. Agad rin yumakap kay Darius. Mukhang mas close silang dalawa. Iyon na siguro si Darlene.
"Kuya! ang tagal mong hindi nagpunta dito, sobrang na-miss kita." Maluha-luhang sabi ng kapatid niya. Hindi naman nag-alangan si Darius at yumakap din siya.
Masaya akong panuorin ang eksena nila. Karga ko si Isabel habang si Nanay Sonia, pumasok narin sa loob ng bahay. Tahimik lang ako sa gilid ni Darius. Hanggang sa...
"Iha, ikaw si Sabrina. Tama ba?" Marahan akong hinaplos ng mama ni Darius sa magkabilang pisngi ko. Parang hindi siya makapaniwala at bigla akong niyakap. "Salamat naman at magkakaroon ulit ako ng apo maliban kay Isabel." Kinikilig niyang sabi.
"Po? A-apo?" Nauutal pa ako. Pakiramdam ko may kung ano na naman naikwento si Darius dito sa mama niya. Tuwang-tuwa parin siya sa'kin at tinapik pa ako sa balikat.
"Oo, apo! Malinaw naman siguro ang sinabi ko, diba? Anyway, ako nga pala si Carmi. You can call me Tita or mama narin para mas okay." Nakangiti niyang sabi.
Napalunok ako. "O-opo... m-mama."
"Halika, Sabrina." Hinawakan niya ako sa kaliwang braso.
Kahit dumadaldal si Mama Carmi, parang wala sa loob ko ang mga sinabi niya. Puro 'opo' ang sagot ko. Nilingon ko si Darius ngumiti lang siya sa'kin habang karga niya si Isabel. Tumango lang siya na parang sinasabing 'okay lang 'yan.'
Pag-pasok namin sa loob ng bahay, sobrang maaliwalas. Kulay puti ang walls at mataas 'yung ceiling. Katwiran ni mama, para daw hindi mainit. Pakiramdam ko pareho lang halos 'yung bahay ni Darius sa Manila. Mas malaki nga lang 'yon.
Nilibot ko 'yung paningin ko, mayroon silang malapad na t.v sa may sala. Family pictures. Halos mapuno ng picture frames ang pader nila. Tiles ang sahig pero carpeted. Malaking sofa. Dinning area at Kitchen sa dulo. Basta, maganda. Hindi aakalain sa labas ganito kaganda sa loob ng bahay.
Naupo kaming dalawa ni Mama Carmi sa may sofa at sandaling nag-usap.
"So? Wala na pala tayong dapat aksayahin, engage na pala kayo ng anak ko? Kailan ang kasal? Sure ka ba? Wala pa kayong baby? Gusto ko ng maraming apo!" Halos ipagsigawan iyon ni Mama Carmi with actions habang nagsasalita siya.
Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano uunahin kong sagutin sa tanong ni Mama Carmi. Sobrang kulit niya. Ngayon, alam ko na kung kanino talaga nagmana si Darius. Nakakatuwa dahil confident siyang magsuot ng pangkaraniwang damit. Spaghetti strap and shorts mayroon din ribbon sa buhok pero kulay pink.
"Ma, hindi po ako nagmamadali sa mga bagay na 'yan. Tiyak ko naman, may panahon para doon. Hayaan po natin si Darius. Ayoko naman masabi niyang napilitan siyang magpakasal. Mahalaga parin ang... alaala ni Thea."
"Kung sa bagay tama ka, siyempre hindi rin madaling lumagay sa katayuan niya. Mabait rin naman si Thea. Mahal na mahal siya ni Darius. Palagi rin silang dumadalaw dito. Mas close din sila ni Darlene. Tapos, nangyari na nga---" Parang may bumara sa lalamunan niya habang nagku-kwento.