Masakit parin ang mga mata ko dahil sa antok at puyat. Hindi ko namalayan ang pagsulpot ng nurse sa tabi ko. Inalam ko narin kung kumusta ang lagay ng bata. Halos lumapad ang mga ngiti ko dahil nasa ayos narin ang lagay nito.
Makakauwi narin kaming dalawa ni Isabel.
Hindi parin ako makapaniwala. Gusto kong tumalon sa sobrang kasiyahan. Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik at gumaan ang loob ko dahil sa balitang natanggap ko. Sa mga sandaling nag-uusap kami ng nurse, naging kampante parin ako. Hindi maalis sa akin ang malapad kong ngiti. Hanggang sa iniabot niya sa'kin ang records at discharged papers.
Nagulat pa ako at matagal natuon ang atensyon ko sa papel. Bakit discharged papers? Hindi pa naman ako nakakabayad. Baka nagkamali ang nurse? Sa dami ba naman ng pasyente, hindi malayong magkapalit-palit ng forms.
"Nurse, sure kayong discharged papers namin ito? Hindi pa naman kami nakakabayad ng thirty thousand bill." Curious ako habang hawak ko parin ang papel.
"Oo, may nagbayad ng bills ninyo pero hindi narin siya nagpakilala. Kailangan ko narin bumalik sa station namin, maiwan na kita." Nakangiti niyang sagot sabay tapik sa balikat ko.
Hindi na ako nakaimik. Parang sandali akong nabingi sa mga sinabi ng nurse sa akin. Wala akong nagawa kundi sundan siya ng tingin habang palabas ng kwarto namin. Iniisip ko kung totoo lahat, may nagbayad ng bill namin at iyon ang hindi ko mapaniwalaan.
Parang hindi naman ito naiiba sa mga napapanuod ko sa tv. Wala akong idea kung sino ang mabait na samaritan na nagbayad ng bill namin. Hindi sinasadyang mahagip ng isip ko ang lalaking nakilala ko kahapon; si Darius.
Pero bakit bigla akong kinabahan? Kusang nagpalpitate ang mga ugat-ugat ko sa katawan. Nanginig ako sa hindi malamang rason nang maalala ko ang mukha niya. Hindi siya gaanong kaputian, matangos ng ilong, medyo singkit ang mga mata niya at bumagay iyon sa kanya. Kahit ang ngipin niya nasa tamang alignment no'ng ngumiti siya sa'kin.
Ano na bang nangyayari sa'kin? Natuwa akong i-describe ang hitsura niya sa isip ko. Pakiramdam ko, kinilig ako sa kanya. 'No, hindi dapat Sabrina. Hindi mo na siya ulit makikita. Sa lawak ba naman ng Manila? Kailangan isîpin mo siya? Magising ka nga.'
*
Sinadya kong abalahin ang sarili ko para ayusin ang gamit namin. Mas mainam kung makauwi narin kami nang bahay. Ayoko narin magtagal dito sa Ospital. Hindi ko alam na aabot sa trenta mil ang magiging bill namin. Halos three days palang kami dito pero umabot sa gano'n? Pambayad ko na 'yon sa limang buwan kong renta sa apartment.
Nang matapos kong maisara ang zipper ng bag namin, agad namang sumulpot si Carl sa pintuan. Nakangiti siya sa'kin habang palapit sa pwesto ko. Mayroon siyang dalang paper bag at mukhang galing iyon sa kilalang fastfood. Isa-isa niyang inalis ang laman ng paper bag.
"Sabrina, hindi mo na-receive ang text ko sa iyo? Bakit mo nga pala ibabalik ang pera? Ayaw mo ba? Kulang?" Tanong sa'kin ni Carl.
"Hindi, okay na. I mean, may nagbayad ng bill namin."
"Ano? M-may nagbayad? Sino? Kilala mo? Nagpakilala ba?"
Umiling ako. "Hindi nga e, ang kwento sa'kin ng nurse, ayaw ipaalam kung sino at anong pangalan nang mabait na nagbayad ng bill namin. Mysterious effect?"
"Sis, kung sino man 'yan sigurado akong mabait siya and hundred percent kilala ka niyan."
Nagkibit balikat ako sa huling sinabi sa'kin ni Carl. Maaring tama siya pero wala naman akong kilalang super galante pag dating sa pera. Ewan ko, ayoko narin alamin dahil paulit-ulit lang naman si Darius ang naiisip ko at 'yon ang malaking tanong sa'kin. Hindi bale, malalaman ko rin naman 'yon balang araw.