Napabalikwas ako ng bangon. Kinapa ko rin ang reading glass ko na nakapatong sa side table ng kama. Agad ko hinawakan ang alarm clock, 3:45 a.m. Naramdaman ko biglang kumirot ang ulo ko dahil bigla ako nagising. Narinig ko umiiyak si baby. Tama, Kagabi lang kasama ko na siya. Nataranta ako kargahin siya at patahanin.
"Sshh.. baby, tahan ka na. Saglit ha? Titimplahan kita ng gatas." Hinalikan ko siya sa noo at inilapag sa kama ko.
Nag init ako ng tubig para gamitin sa gatas. Hindi naman ito ang first time ko mag alaga ng bata. Bigla ko tuloy naalaa ang bunso kong kapatid. Nilinis ko ang feeding bottle at itinimpla sa baso ang gatas bago isalin sa bote.
"Baby, tahan na." Agad ko sinubo ang bote sa kanya. Mukhang gutom ito. Kaso, naloko na. Ang lakas pala nito dumede. Kinapa ko 'yung bag niya. Isang timplahan na lang pala 'yung gatas. Lagot na, sana umabot kahit mamayang umaga.
Hindi ko maiwasan mapabuntong hininga. Iniisip ko kasi kung paano ko bubuhayin ang bata? Saan ko ito iiwanan? Kahit paano narelax ang isip ko pagmasdan si baby. Napapangiti ako habang pinapanood siyang ubusin ang tinimpla kong gatas.
Naisip ko, alamin ang pangalan niya, inalis ko lahat ng laman ng bag nito. Isaisa ko rin tiningnan kung may burda ng pangalan nito sa lampin o kahit sa mga laylayan ng damit. Pero, wala at mayro'ng maliit na papel na nakaipit sa gilid ng bag.
"Isabel Asuncion". 'Yun lang nakasulat ngunit walang address.
Ngumiti ako sa bata. "Oh, Ayan, may pangalan ka pala e, hello Isabel." Kinikiliti ko siya at natuwa naman ito. Siguro, hindi na ito matutulog. Ang aga pa, gusto ko pa sana maidlip. Naisip ko na lang tumabi sa gilid niya. Iniayos ko 'yung mga gamit na kinalkal ko sa bag.
"Tutal, gising ka at naglalaro, maiidlip muna ako ha?"
+++++
"Hoy, bruha. Buksan mo nga 'yung pinto?" Narinig ko si Carl. Kumakatok ito mula sa labas.
"Mabuti at nagising ka? Umayos ka na nga, ano oras na?" Naupo siya sa gilid ng kama ko, habang ako naman dumapa. Ayaw ko pa talagang bumangon.
"Loka, anong plano mo dito sa bata? Balak mo magtayo ng orphanage?" As usual nagtataray na naman ito.
"A-anong orphanage? Sira ka talaga, hindi siyempre. Isabel pala pangalan ni baby e." Pag-iiba ko ng usapan at naupo narin ako.
Nangunot noo naman si Carl at tinaasan ako ng kilay. "Oh, tapos? Ano gagawin ko mag celebrate? Alam mo bang hindi ako pinatulog ng konsensya ko?"
Ngumiti ako sa kanya at hinampas ng unan. "Ewan ko sa'yo Carlito. Ang laki ng galit mo dito sa bata, tingnan mo ang cute. Ako nga dapat magsabi niyan dahil madaling araw pa ako gising."
"Tse, wala kaba plano mag ayos? Hello, may pasok pa tayo, bilisan mo baka sipain pa kita." Biro niya sa'kin at hinila ako patayo.
Ang bigat talaga ng katawan ko ngayon. Tinatamad ako dahil putol putol ang tulog ko. Agad na akong gumayak para magbihis. Iniwan ko muna si Isay sa kapitbahay namin. Nag-iwan narin ako pambili ng gatas. Nalimas tuloy ang ibang barya at ipon ko. Matagal pa naman sahod.
*
"Naku, Late na kayo." Bungad ni Jen. "Ano pa ba aasahan mo diyan sa dalawa? Si Carl model, tapos si Sabrina naman Maria Clara. Kaya mabagal." Biro ni Tere at sabay sila natawa.
"Manahimik nga kayo mga hipon at higad na namemera sa mga sugar daddy na senior-citizens." Pagtataray ni Carl. Ganito sila palagi buti walang pikon.