"Hindi ako aalis kung hindi kita kasama, Sabrina."
Napaawang ang labi ko nang marinig ko iyon kay Darius. Wala akong idea para sa gusto niyang mangyari. Alam ko, tama lang maging concern siya sa'kin pero nasa tama rin ba siyang pag-iisip para isama ako pauwi? Ano nga bang plano niya?
Nasa gitna parin kami ng masinsinan at seryosong pag-uusap. Nabanggit niya sa'kin ang ginawa niyang pag-alis. Inayos niya ang gusot na nangyari habang nasa poder ko ang bata. Ayon sa pagkakatanda ko sa mga sinabi niya, may nais akong makulong at kasuhan ng kidnapping. Gusto kong matawa pero mas lalo akong kinutuban ng masama.
Alam ko, hindi madali para sa kanila tanggapin ang anumang rason na mayroon ako. Paano nga ba ako lalaban, kung sakaling may ebidensya rin silang hawak laban sa'kin? Sa ngayon, mas gusto niyang malaman ang kaligtasan ko, dahilan para isama niya ako pauwi sa kanila.
"Pero bakit? Ikaw narin nagsabing safe na ako diba? Nakausap mo narin ang in-laws mo upang iatras ang kaso laban sa'kin." Sagot ko sa kanya.
"Naroon na tayo. Pero hindi ibig sabihin pwede mo parin ito ikapanatag. Mas mawawala ang mga pangamba ko, mas maiisip kong kumportable ang lagay mo kung kusang loob kang sasama sa'kin."
Hindi na ako umimik. Sa halip na daanin namin ito sa matagalang diskusyon, nagawa ko narin ang gusto niyang mangyari. Inayos ko lahat ng mga gamit ko, nag-impake ako.
Sandali akong natulala habang abala ang sarili ko sa pagsalansan ng mga gamit ko. Paano nga ba ito? Saan nga ba patungo ang buhay ko, sa oras na sumama ako sa kanya? Ni hindi ko pa nga siya lubos na kilala. Anuman tungkol sa pagkatao niya, wala akong alam. Sadya nga kayang nasa kapalaran ko parin ang ganitong eksena? Parang magulo! Ang gulo-gulo.
"Sabrina, trust me. Alam kong naguguluhan ka parin sa biglang pagsulpot ko sa buhay mo. Isa rin sa mga rason kung bakit kita gustong isama, dahil ayokong isipin mong nilayo kita sa anak ko. Wala akong intensyon, maliban sa nauna kong sinabi."
Tumayo ako at lumapit sa kanya."Hindi mo na kailangan mag-explain ng sobra-sobra. Ang totoo, gusto kong tanggihan ang alok mo sa'kin pero everytime na tumatanggi ako palagi tayong bumabalik sa umpisa. Mas lalong tumatagal ang usapan natin, mas lalong magulo."
Hindi na siya muling nagsalita. Pareho kaming nagtagal sa eksena kung saan tutok ang mata sa isa't-isa. Makailan beses pa akong lumunok matapos sumagot sa kanya. Sinabi ko lang naman ang totoo. Alam ko, maraming mali pero malaki parin ang tiwala ko sa kanya.
*
Nagsimula narin kaming bumiyahe. Nanatili kaming tahimik. Nagpapakiramdaman. Sa mga oras na ito, walang laman ang isip ko kundi ang kapatid ko. Ayon sa sinabi sa'kin ni Darius, malubha na ito. Kunsabagay, ilang linggo narin ang lumipas mula nang dumalaw kami doon sa bahay namin sa Antipolo kasama si John.
"Iniisip mo ba ang kapatid mo?"
"Uhm, oo. Iniisip ko siya. Hindi parin ako makapaniwala sa mga sinabi mo sa'kin." Sagot ko sa kanya habang seryoso parin ang hitsura niya sa pag-drive.
"Matagal ko narin planong kausapin ka tungkol sa anak ko pero halos araw-araw mong kasama si John. Naisip kong hindi sapat kung hanggang tanaw lang ako. Mas lalong matagal bagay na masyado ko narin pinag-alala."
"Si John? Hindi mo siya kailangan isipin. Magkaibigan lang naman kami. Ang hindi ko lang mapaniwalaan, itong sitwasyon. Kung... kung paanong takbo ng buhay ko sa oras na mag-stay ako sa poder mo Darius."
Narinig ko siyang huminga ng malalim. Parang bigat na bigat siya sa mga salitang binibitiwan niya. Kung tutuusin, hindi naman ako gano'n kadaldal para ikwento sa iba ang tungkol sa buhay niya. Oo nga, mayaman. Pero mukhang mas marami pa siyang problema kaysa sa'kin. Kanina pa siya balisa. Parang marami siyang sinugod na gera. Mukha narin siyang pagod.
Nabanggit niya sa'kin na dadalawin namin si Steven. Kahit paano'y gumaan ang pakiramdam ko. Alam ko, hindi ordinaryong sakit ang leukemia pero umaasa parin ako e, gagaling siya! Bigla akong nakadama ng excitement. Sandaling nawala ang stress sa katawan ko.
*
"Ituring mo narin bahay mo ito. Kumpleto lahat ng kailangan mo dito, 'wag kang mahiya sa'kin. Sorry kung sa ganitong paraan ako makiusap sa'yo, naisip kong ikaw... ikaw ang maging baby sitter ng anak ko. Mas p-panatag ang loob ko at hindi narin iba sa'yo ang bata diba?"
"Ha? Oo, hindi na iba sa'kin ang anak mo pero paano? 'Yung trabaho ko sa opisina?"
"Alam ko, wala akong choice para magtiwala ulit sa ibang tao. Nakikita kong mas may potential ka para alagaan ang anak ko. Handa kong pantayan ang sinasahod mo from office. Bukod ang sustento para sa family mo. Hindi mo kailangan isipin ang buong gastos sa Ospital. Ako nang bahala sa lahat."
Naupo ako sa gilid ng kama. Kasalukuyan kaming nasa guest room. Mas personal ngayon ang pag-uusap namin kaysa kanina. Ayokong isipin niya, nasilaw ako sa pera niya. Pakiramdam ko tuloy nanliliit ako sa kanya. Lahat nga ba pwedeng paandarin ng pera? Siguro nga ang sagot ay 'oo' dahil kailangan ko rin iyon para sa kapatid ko.
Ayoko nang umimik. Hinayaan ko na siyang magsalita. Alam ko, kahit anong alibi magagawa niya parin bigyan ng paliwanag. Hindi pwedeng makalusot. Hindi pwedeng tumanggi. Bigla tuloy ako nanlamig sa mga iniisip ko.
"You can stay here in my house. Wala kang dapat ipag-alala tulad ng sinabi ko sa'yo kanina. Mas... mas nahihiya ako sa'yo Sabrina pero sinadya ko nang magtapat sa'yo. Kung ako lang din ang masusunod, 'wag mo sana akong tanggihan."
Tipid akong ngumiti at kaswal parin akong humarap kay Darius. "Sa ngayon, hindi ko masasabing tumatanggi ako. Kung tingihan kita, paulit-ulit mo lang din akong kukulitin. Hangga't hindi ako nakakaramdam ng maling trato mula sa'yo, handa akong magtagal sa poder mo. Ang importante sa'kin...respeto."
.
.
.
"You're right, makakaasa ka naman sa'kin tungkol sa respetong sinasabi mo. Hindi ko ugaling magpanggap. Hindi ko ugaling mambastos."
.
.
Natameme ako sa huling sinabi niya sa'kin. Lumunok ako sandali dahil pakiramdam ko, umurong na naman ang dila ko. Nagawa niyang lumapit sa kinatatayuan ko at hawakan ang dalawang palad ko. Nakaramdam ko ng kuryente sa katawan. Ako narin mismo ang umiwas dahil sa hindi ko matagalan ang tingin niya sa'kin.