Chapter | Eight

7.6K 117 8
                                    

Hindi na ako tumanggi para makipag-date kay John. Patuloy lang siya sa pangungulit sa'kin. Sana nga e, hindi ko na lang binigay sa kanya ang number ko. Panay tawag niya sa'kin at text. Ayoko naman deadmahin baka isipin niya sa'kin ang arte ko.

Pero anong magagawa ko? Wala talaga akong ibang maramdaman sa kanya. Hindi ako nagkaroon ng interes at walang ibang feelings kundi kaibigan lang talaga. Paano ko naman ito maipagtatapat sa kanya? Paano ko aaminin?

Patuloy lang siya sa pagtatapat sa'kin. Pero hindi ko gaano binibigyan ng atensyon. Tama na siguro kung panay pagtango na lang gawin ko bilang sagot sa kanya. Pakiramdam ko tuloy, hindi ako panatag. Hanggang ngayon naaalala ko parin ang tungkol sa kwarto niya, maging ang paghalik niya sa'kin. 'Yun ang first kiss ko.

"Sabrina, saan mo gustong magpunta? Marami akong alam na pwedeng pasyalan. Atleast, makapasyal din si Isabel." Masayang sambit ni John.

"Kahit saan, okay lang sa'kin." Tipid kong sagot.

"Okay, kumusta naman ang pamilya mo? Kung gusto mo naman doon na lang tayo pumunta?"

Nilingon ko siya pero saglit lang. Walang emosyon. Sa ngayon, ayokong pag-usapan ang pamilya ko. Nahihiya na nga ako e, hindi rin ako makapagbigay ng pera. Palaging nabibitin ang padala ko, bagay na mas lalong nakakahiya kay mama.

Bumuntong hininga ako at tinuon sa labas ng bintana ang buong atensyon ko. Kahit paano, nakakawala ng problema. Ayoko naman buksan ang ganitong usapin kay John. Mas okay kung hindi ko na ikwento.

"May problema ba? Sorry, gusto ko sanang makilala ko rin ang pamilya mo Sabrina. Gusto kong hingin ang permiso nila kung pwede akong umakyat ng ligaw sa'yo."

Napangiti ako. "John, ano ka ba? Hindi naman ako teen ager na kailangan ko pang ipagpaalam sa pamilya ko. Hindi ko kasi alam kung paano sa'yo--"

Naputol ang sasabihin ko kay John nang biglang mag-vibrate ang phone ko. Mabilis ko iyon kinuha sa bulsa ng bag at sinagot. Bigla akong kinabahan nang marinig ko ang boses ni mama sa kabilang linya.

Naiiyak siya bagay na mas lalo akong nag-alala. Pakiramdam ko, may problema. Ilang beses ko rin siyang tinanong pero mas gusto niyang mag-usap kami ng personal. Ilang minuto ang lumipas bago maputol ang pag-uusap naming dalawa.

Sandali kong pinagmasdan ang phone at nanatili akong nakayuko. Iniisip ko kung anong ibig sabihin ni mama sa'kin at gusto niyang mag-kita kami. Kinuha ko ang wallet ko sa bag, walang laman iyon kundi one thousand five hundred at ilang barya. Napapikit ako at sumandal sa upuan ng kotse.

"Sabrina bakit? Sino ang kausap mo?" Concern na tanong ni John sa'kin.

Muli akong namulat. "Wala naman, gusto ni mama pumunta ako ngayon sa Antipolo. Pakiramdam ko, may gusto siyang sabihin sa'kin."

"Okay, puntahan natin." Natinag ako kasabay na pinaharurot ni John ang kotse.

"John, ano bang--?"

"Kailangan ka ngayon ng mama mo, puntahan natin siya. Okay lang naman sa'kin kung bumiyahe tayo kahit saan pa 'yan."

Hindi na ako umimik sa huli niyang sinabi. Ayoko narin tumanggi kay John dahil paulit-ulit lang siyang mangungulit sa'kin. Sandali ko siyang pinagmasdan. Seryoso siya at diretso ang tingin sa kalsada. Kung iisipin, mas okay ang hitsura niya kapag ganito ang awra niya.

*

Ilang oras ang lumipas, narating namin ang Antipolo. Pasado alas-siyete at medyo madilim narin sa daan. After four years na lumuwas ako ng Manila, walang pinagbago at probinsyang-probinsya parin ang lugar. Sandaling nai-park ni John ang kotse sa gawing gilid ng bahay namin. Mabilis akong bumaba habang karga ko rin si Isabel.

Love Takes Time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon