"Jen? Anong--?"
Sambit ko sa babaeng bumungad sa pinto. Nabigla ako sa reaksyon ko. Mabilis akong tumayo at ganoon din ang lalaking kasama ko sa kwarto. Halos mapatakip naman si Jen sa kanyang bibig at impit na napangiti. Agad siyang pumasok at isinara din ang pinto.
"Anong ginagawa niyo ni kuya? Hindi ako makapaniwala! Tingnan niyo nga mga saplot ninyo?" Natatawang sabi ni Jen sa amin. Napaawang ang labi ko at mabilis na umiling. Hindi totoo kung ano man naglalaro sa isipan niya.
"Bakit hindi ka muna kumatok, Jenny? Ano naman masama sa bihis namin? May saplot parin kaming dalawa." Mariin at may kahulugan ang pagkakasabi ng lalaki na nasa likuran ko.
Sumandal naman sa gilid ng malaking dresser si Jen at napahagikgik ito. Nagawa niyang sumenyas para alamin kung totoo ba ang sinasabi ng tinatawag niyang 'kuya'. Pero mabilis akong umiling at tumanggi sa kanya.
"Bakit kuya? Hindi ninyo magawang i-locked ang door knob? So, you mean istorbo ako? Nagising ako sa ingay ninyong dalawa. Bigla kong naalala, dito natulog si Sabrina kagabi."
"Ano? M-mag kapatid kayo Jen? Ano bang pangalan ng siraulo mong kuya?" Sinadya kong sumingit sa usapan nila.
"I'm John." Arogante nitong sagot sa'kin.
Hindi ko siya pinansin, sa halip naupo ako sa gilid ng kama. Napasuklay ako ng mariin dahil sa sobrang inis. Gustong-gusto ko narin umuwi, hanggang ngayon wala akong saplot kundi ang kumot na nakabalot sa'kin. Makaraan ang ilang minuto, nagpasyang magpaalam si Jen.
Sinundan ko na lamang siya ng tingin. Impit na impit parin siyang napahagikgik habang palabas ng kwarto. Nagawa niya pang sakyan ang trip ng 'kuya' niya. Sa halip na ihatid ako pauwi, heto narito parin ako sa bahay nila.
Mas lalo ko ngayon naramdaman ang hang-over. Masakit sa ulo ang alak at medyo gutom narin ako. Hindi parin ako nagsasalita kahit panay ang pagiging mahangin ni John. Ewan ba? Nakakairita siya sa paningin ko. Iniisip ko ngayon kung nasaan ang damit ko, hanggang ngayon hindi niya parin ibinibigay.
Ngayon ko lang din nalaman na magkapatid silang dalawa ni Jen. Wala naman siyang nababanggit na meron siyang 'kuya'. Noon lang yata nang hiramin nito ang kotse na ginamit namin patungo sa bar. Ngayon, unti-unti ko narin naiintindihan. Kaya naman pala pamilyar sa'kin ang dalang kotse ni Jen.
Si John at 'yung lalaking nagdala sa'min ni Isabel sa Ospital ay iisa.
Nag angat ako ng mukha nang lumapit si John sa harapan ko. Naging seryoso narin ang awra niya kasabay no'n ang pagbigay niya sa'kin ng damit. Pajama set iyon at kulay pink. Napabuntong-hininga ako at nagpasalamat narin sa kanya.
"Palagay ko, kailangan mo narin maligo para naman mawala ang epekto ng alak sa'yo."
Umismid ako. "Maligo? Tapos, narito ka rin sa kwarto?"
"Okay, I'm sorry. Kahit maloko ako, hindi naman ako tulad ng iniisip mo. Malaki parin ang respeto ko sa mga babae, lalo na sa'yo Sabrina."
Hindi na ako umimik sa huling sinabi niya. Bahagyang napaawang ang labi ko at nakadama ng pagkailang. Biglang pumasok sa isip ko 'yung gabing hinatid niya kami sa Ospital. Kung paano nabalot ng buong pag-aalala ang reasyon ng mukha niya? Napailing ako.
Madali akong tumayo para magtungo sa C.R naisip kong tama rin siya at kailangan ko narin maligo. Umiwas na ako sa kanya ng tuluyan, ayoko naman bigyan ng meaning ang sinabi niya. Oo na lang ako at baka nga, may respeto siya 'kuno' sa mga babae.
*
Nagtungo ako sa kitchen at nadatnan ko si John. Abala siyang ihanda ang tanghalian at naupo ako sa harap ng mesa. Hindi ko parin siya magawang tingnan pero may pagkakataon parin na palihim akong napapasulyap sa kanya. Mas lalong nakikita ko ngayon ang pagkakahawig nilang dalawa ni Jen.
"Hindi mo parin ba ako matandaan?" Seryoso niyang tanong sa'kin.
"Oo, natatandaan kita. Ikaw 'yung lalaking naghatid sa'ming dalawa ng anak ko sa Ospital diba?"
"Uhm, oo. Pero hindi parin ako kumbinsidong anak mo nga 'yung bata."
"Ano bang ibig mong sabihin?" Lumunok ako pagkaraan kong itanong iyon sa kanya.
"Nabanggit sa'kin lahat ni Jen, wala kang boyfriend. Mas lalo siguro kung... kung asawa pa kaya? Well, naiintindihan kita. Gano'n naman talaga ang mga babae minsan, kailangan nilang magsinungaling lalo kung tungkol sa status nila."
Naupo narin siya sa harap ng mesa at nagsimulang kumain. Napahagod ako sa lalamunan pagkaraan ko inumin ang orange juice. Pakiramdam ko, sinadya niyang mag imbestiga at alamin lahat kay Jen ang tunay kong status. Wala talaga akong boyfriend o kahit suitors. Wala rin akong choice kundi aminin sa kanya ang totoo.
"John, totoo. H-hindi ko anak ang batang kasama ko. Pero please... kailangan ko narin umuwi. Gustong-gusto ko na siyang makita. Nasanay na ako sa kanya. Napamahal."
Natuon ang tingin niya sa'kin. "Ihahatid kita, pagkaraan natin kumain. Wala naman akong balak ikulong ka dito sa bahay. Kung ayos lang sa'yo, pwede ko bang malaman ang pangalan ng bata? Saan mo siya nakuha? I... I mean paano siya napunta sa iyo?"
Huminga ako ng malalim bago ko sinimulan magkwento. Buong-buo at detalyado kong ipinaliwanag sa kanya kung paano at saan ko nakuha si Isabel. Naging seryoso ang pag-uusap namin habang tuloy kami sa pagkain ng lunch. Hindi rin nag bibigay ng kahit anong opinyon si John, sa halip nakikinig lang din siya sa'kin.
Alam ko naman, hindi ko rin ito maaring ilihim. Hindi lang naman siya ang pwedeng makaalam na hindi ko talaga anak ang bata. Pero gusto kong tulungan niya ako para mahanap ang pamilya ni Isabel. Nag-aalala rin ako para sa mga magulang nito.
"Isabel Asuncion ang pangalan ng bata." Sagot ko sa kanya.
Tumango lang siya sa'kin bilang tugon at mabilis niya akong hinawakan sa kaliwang palad. Napalunok ako at matagal nagtama ang paningin naming dalawa.
"Sabrina, ayoko nang patagalin ang tunay kong intensyon sa'yo. Gusto kitang ligawan. Gusto kitang maging girlfriend, alamin ang lahat-lahat sa'yo."
Hindi ko kayang tagalan ang mga titig niya sa'kin. Umiwas na ako at tumayo mula sa upuan ko. Biglang kumabog ang puso ko sa sinabi niya pero wala akong maramdaman na kahit anong interes sa kanya.
Hindi tulad no'ng una kong maramdaman kay Darius.
Nalungkot ako bigla sa mga sinabi niya. Hindi ko nga alam kung may chances ulit para magkita kaming dalawa. Mula kasi no'ng una ko siyang makita, hindi ko alam sa sarili ko at parang minahal ko siya agad? Kailangan ko nga bang maniwala sa love at first sight?
Ano na bang nangyayari sa'kin? Pakiramdam ko ngayon, nanlalamig ako sa mga iniisip ko. At, bakit napasok na naman si Darius dito sa usapan? Muli akong napatingin kay John. Kitang kita ko ngayon sa kanya, umaasa siya sa magiging sagot ko.
Minabuti kong magpanggap. Ngumiti narin ako sa kanya at sinikap kong maging panatag ang loob ko. Kahit ang totoo, kabado ako at may alinlangan. Hindi ko alam kung pagbibigyan ko siya. Kung anong isasagot ko sa mga tanong ni John sa'kin.
"Sabrina, pagbigyan mo ako sa gusto ko. Alam ko, naguguluhan ka pero hindi kita sasaktan sa oras na maging 'tayo', mamahalin kita. Aalagaan. Lahat ng pwedeng--"
"Hindi ko alam John, I'm sorry. Mas mabuti sigurong kilalanin natin ang isa't-isa. Maging magkaibigan muna tayo. Hindi ba't gano'n naman dapat?"
Hindi ko na siya narinig na magsalita ulit. Alam ko naman, alam niya rin ang ibig kong sabihin. Ang totoo'y hindi ko siya gusto. Kahit maliit na pagtingin, wala. Ayoko naman umasa siya sa'kin. Sa mga susunod kong mga sagot sa kanya.
----> itutuloy....