Chapter | Nineteen

6.1K 110 10
                                    

Five days na kami dito sa Tagaytay. Akala ko pa naman two or three days lang kami. Kasama ko rin ngayon si Isabel at Darlene. Nandito kami sa kwarto niya. Busy sa pag-paint. Nakakatuwa, sobrang talented niya.

"Ate, okay na ba 'yung paintings ko?" Masayang sabi ni Darlene. Nilingon ko siya mula sa pagkakaupo ko sa side ng kama.

"Oo, maayos. Lahat naman ng gawa mo maganda." Sagot ko sa kanya. Ngumiti siya sa'kin at muling nag-paint.

Parang kailan lang, nakita ko sa mall si Isabel. Inalagaan, hindi ko itinuring na ibang tao. Paano nga kaya kung walang 'Isabel' no'ng panahon na 'yon? Wala rin sigurong 'Darius' na dumating sa buhay ko. Mamahalin ako at uuawain ako sa lahat ng oras.

Naalala ko pangalawang araw palang namin dito. Inaya niya akong pumasyal. Sumama naman ako, gusto ko rin sulitin e, minsan lang ako maka-punta sa Tagaytay kaya hindi ako tumanggi sa alok niya.

"Ready?"

"Oo, ready na." Sagot ko sa kanya. Sandaling napako ang paningin ko sa kanya.

"Bakit? Pangit ba 'yung suot ko? Hindi ba okay? Tanong niya sa'kin.

"Ha? A-ano-? ayos lang. Walang problema sa suot mo."

Nabigla ako nang lumapit siya sa'kin. "Akala ko naman, hindi okay. Magpapalit na sana ako."

Pag-iling na lamang sinagot ko sa kanya. Naisip ko nahalata niya sigurong natulala ako. Palagi naman kasi gano'n. Sa tuwing nakikita ko siyang maayos manamit, hindi ko mapigil ang sarili ko. Walang hindi pwedeng humanga sa kanya.

+++

Pasado alas-kwatro nang makarating kami sa pupuntahan namin. Sobrang ganda, kitang-kita ang buong features ng Taal, lake. Hindi lang ito ang unang beses kong makarating sa ganitong lugar ngunit, para akong inosenteng bata.

Sobrang katuwaan ang nasa puso ko. Excited ako sa mga ganitong klaseng tanawin. Bukod kasi sa nakakapasyal, nakaka-relax din. Sandali akong nawala sa kasalukuyang takbo ng mundo. Isip ko kaming dalawa lang ni Darius. Walang ibang kasama.

"Sabrina, gusto ko sanang itanong sa'yo kung... kung kailan mo ako sasagutin sa panliligaw ko sa'yo? I-I'm sorry, msyado ba akong mabilis?"

Nag-umpisa akong kabahan. "A-ano--? hindi... hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa'yo."

"Just say 'yes'." Lumingon siya sa'kin at ganon din ako sa kanya. Sandaling nagtama ang mata namin, palihim akong napangiti kasabay ng pag-akbay niya sa'kin.

"Darius, matagal ko na 'yan napag-isipan. Siguro nga panahon narin para malaman mong... sinasagot na kita."

Napangiti siya at mabilis akong niyakap. "Salama, sobrang saya ko ngayon. Pangako... hinding-hindi kita sasaktan. Mamahalin kita Sabrina." Bulong niya sa'kin.

Tumagal ng ilang minuto ang eksena. Hindi na ako nag-alangan at mabilis ko rin siyang niyakap. Kung masaya siya, gano'n din ako. Hindi rin ako gagawa ng kahit anong dahilan para masaktan siya. Mamahalin ko rin siya tulad ng pagmamahal niya sa'kin.

Sa ngayon, alam kong marami kaming pagdaraanan. Pareho lang kaming nag-uumpisa at may takot parin sa salitang 'masaktan.' Ayoko, at parang hindi ko 'yon kakayanin. Kahit ang salitang 'iwanan' hindi ko kayang matanggap.

Hindi rin naman ako gano'n ka-manhid. Madali akong mahulog sa isang tao once na magparamdam sa'kin ng pagpapahalaga. Kahit sa simpleng paraan, maramdaman ko lang may importansya ako... inlove na agad ako.

"Alam mo, ang dami kong inipon na lakas ng loob para sabihin 'yon sa'yo. Ayokong isipin mo, minamadali kita Sabrina. Gusto ko rin naman, umabot rin tayo sa ganito. Araw-araw, humahanap ako ng pagkakataon para ipagtapat sa'yo lahat."

Love Takes Time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon