Chapter | Thirteen

6.9K 141 9
                                    

"Sir, sorry po sa paghihintay." Paumanhing sabi ng isa sa mga crew ng boutique na pinuntahan nila Darius at Sabrina sa Makati. Kasunod no'n ang paglabas mula sa fitting-room ng dalaga. Suot nito ang red casual dress with sleeves above the knee at silver wedge na tama lang ang taas sa kanya.

Ang kaninang inip sa mukha ni Darius ay napalitan ng matamis na ngiti. Hanga siya sa hitsura ni Sabrina. Hindi 'yon ordinaryong ganda. Kung gagamitan man ng makapal na make-up ay do'n lang makikita. Humagod ang tingin niya sa kabuuan ng dalaga. Matangkad rin ito at kita sa suot ang korte ng katawan. Light make-up ang ginamit sa kanya at sinadyang maging wavy ang dulo ng buhok na siya rin bumagay dito.

"Darius," Pino at mahinhin ang boses ni Sabrina. Lumakad ito palapit kay Darius. "Ayos na ba? Siguro naman okay na ito sa'yo? Pang-walong palit ko na ito ha?" Biro ng dalaga.

Nanatiling tikom ang bibig ni Darius. Hindi niya maitatanggi na ma-inlove talaga ang kaibigang si John kay Sabrina. Ang kaninang ngiti ay nabahiran ng pag-aalangan. Hati ang kanyang reaksyon dahil sa naiisip. Malapit niyang kaibigan si John at ayaw niyang 'maki-talo' dito. Handa naman siyang magparaya. Hindi na iyon iba sa kanya.

Nais lang ni Darius makasama si Sabrina sa ganitong pagkakataon. Matagal niya rin ito pinag-isipan. Marahil tama ang dalaga sa mga advices nito sa kanya. Isang simpleng date. Simpleng imbitasyon. Hindi naman ito sapilitan. Nagpaunlak naman si Sabrina at hindi siya do'n nahirapan. Isa lang din ang nasa kanyang isip. Limitasyon.

Hindi maiwasan pagtinginan sila ng bawat makasalubong. Lumabas ang sweetness ni Sabrina. Nagawa nitong humilig malapit sa balikat ni Darius dahil sanay ito sa gano'n. Pakiramdam ni Darius, kumportable ang dalaga at hinayaan niya ito. Ano naman kung pagtinginan sila? Mas okay nga kung gano'n, mapagkamalan silang mag-nobyo.

Kitang-kita ang appeal ni Darius sa suot na ternong tuxedo at leather shoes, samahan pa iyon ng dark blue neck-tie. Bumagay rin ang malinis niyang gupit. Mas lalaking-lalaki siya tingnan sa mga formal attire. Ito rin ang gusto niya kapag may importanteng event. Sanay na sanay. Confident sa kanyang sarili. Pleasing personality. hindi mapag-iisipan single dad sa hitsura.

+++

Nasa gitna sila ng biyahe at walang umiimik sa pagitan nila. Nagpapakiramdaman sa isa't-isa. Palihim ang pagsulyap ni Sabrina kay Darius. Seryoso lang ito sa pag-drive habang binabagtas ang kahabaan ng Edsa.

Napa-isip ang dalaga at kung ano man ang dahilan ni Darius dahil nakipag-date ito sa kanya, 'yun din ang gusto niyang malaman. Pwede rin palang maging fairy-tale ang buhay ng isang tao kahit walang love-life? Mas naisin niya pang ganito, makilala muna ang isa't-isa. E, paano naman kung hanggang friends lang talaga sila? 'Hello, Sabrina... 'wag kang assumera.'

Parang kumirot ang puso niya sa iniisip. Kanina halos mangisay siya sa kilig, ngayon parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Ano nga kaya kung friendly gestures lang ito ni Darius? Kung wala naman talagang feelings sa likod ng pakikipag-date sa kanya?

No. Mabilis na tutol sa kanyang isip. Mariin siyang napapikit at mabilis na kumabog ang puso niya para sa ganoong pakiramdam. Kung sabagay, ano bang pwedeng asahan ni Sabrina? Single nga si Darius pero daddy? Sigurado na asawa parin nito ang nasa puso kahit matagal na itong nahimlay. 'Yun ang tumatak sa utak niya, hindi pwedeng ipilit ang lahat.

"Iinisip mo ba kung saan tayo ngayon pupunta?" Seryosong sabi ni Darius. Nilingon naman agad ni Sabrina ang kausap. Nagtama ang paningin nila pero agad umiwas ang dalaga.

"Oo, kanina ko pa nga iniisip. Hindi mo kasi ako kinakausap at ayoko naman manguna baka hindi mo ako sagutin." May tampo sa boses ng dalaga.

Natawa si Darius. "Bakit naiisip mong hindi kita sasagutin kung magtanong ka? Diba? Sinabi ko na sa'yo? 'Wag kang maiilang sa'kin? Hindi naman ako magagalit... walang rason para magalit ako sa'yo Sabrina." Nagawa niyang hawakan ang kamay ng dalaga.

Love Takes Time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon