Chapter | Thirty-nine

3.6K 70 6
                                    

Hindi mo pwedeng sabihin sa sarili mo na perpekto parin ang kinalalagyan mo. Dahil ultimong buhay pag-ibig mo, pwede ring mawalan ng kulay.

Pakiramdam ko ngayon, hirap akong ihakbang ang mga paa ko. Kahit sinong makasalubong ko, 'di ko pinapansin. Nanlalamig parin ako, parang namamanhid ang buong laman ko sa nakita ko. Pero bakit? Totoo nga ba ang lahat? O' baka naman panaginip lang at kung magising ako, mapapalitan ng ngiti at kaligayahan ang nasa puso ko.

Hinayaan ko nalang kung saan ako dalhin ng mga paa ko, kasabay ng mga luha ko patuloy lang iyon sa pag-agos. Hirap ang kalooban ko para tanggapin ng gano'n lang ang lahat. Isipin ko man ng paulit-ulit, gawin ko man sigurong pabalik ang lahat ng lumipas na panahon sa buhay ko, wala parin iyong maidudulot na tulong para magamot ang lungkot na mayroon ako.

Marahan akong pumikit, pero patuloy ko parin nasasaksihan ang lahat. 'Di parin ako makapaniwala tungkol kay Vera, kahit kay Darius.

Huminga ako ng malalim at unti-unti kong minulat ang mga mata ko.

Sa ngayon, masasabi kong kumalma narin ako pero masakit parin. Sobra.

*

Pasado alas-dos ng hapon, nang matapos ang lahat ng ginagawa kong choco muffins para sana kay Darius. Hindi lang ito ang first time kong dalhan siya ng merienda. Gusto ko lang din sanang surpresahin siya. Hindi ko na iyon magagawa sa oras na umalis siya patungo sa Montreal.

Sinadya kong sarapan ang gawa kong muffins, atleast hindi niya masabing masama ang lasa tulad sa nauna kong ginawa noon. Pero mukhang mas napasama ang pagpunta ko kanina sa opisina niya. Nalaglag ang panga ko sa eksenang nakita ko. Sino ba namang matutuwa kung makita mo ang asawa mo na may kasamang iba? Ang masaklap pa, kitang-kita mong kahalikan niya ang babaeng obsess sa kanya.

Natulala ako. Walang ibang lumabas sa bibig ko na kahit anong salita bagay na sinabayan ko ito ng walk-out. Umiwas na lang ako. Pakiramdam ko, umurong ang dila ko habang gulat na gulat rin ang reaksyon nilang dalawa. Maraming pumasok sa isipan ko no'ng mga sandaling 'yon. Isa na doon ang mga masasayang alaala na mayroon kaming mag-asawa.

"Hon, please...let me explain. Hindi totoo ang mga nakita mo sa'min ni Vera." Nangunot-noo ako nang sabihin niya iyon sa'kin. Ano ako tanga? Hindi totoo? Nakakagago lang kung isiping hindi totoo ang mga nasaksihan ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko at nagawa ko siyang sampalin. Gusto ko siyang murahin ng paulit-ulit.

"Hindi totoo?! Bakit? Anong palagay mo sa'kin, bulag?!" Sigaw ko sa kanya. "Sana nga gano'n kadaling paniwalain ang sarili ko sa mga nakita ko Darius. Nagtiwala ako sa'yo. Tinanggap ko ang lahat, pero bakit? Hindi ko alam kung matagal mo narin itong ginagawa sa'kin. Mabuti na nga lang, ako narin mismo ang nakakita. Mas...kuntento na ako sa ngayon."

"Don't...go!" Mabilis niyang pinigilan ang kanan kong braso ngunit nagpumiglas ako sa kanya. Nagawa kong ipalo sa kanya ang box na naglalaman ng gawa kong muffins. Nagkalat iyon sa sahig ng hallway. Wala narin akong pakialam kahit pagtinginan kami ng ilang staffs mula sa opisina nila. Naalala ko si Isabel, kasama ko rin siya nang puntahan ko si Darius pero minabuti ko na lang iwanan ang bata sa kanya.

Kahit anong pakiusap niya sa'kin, 'di ko na lang din pinansin. Masakit, hirap na hirap ang puso ko para tanggapin ang paliwanag niya. Mas mabuti narin hindi kami kasal, madali akong makakalayas ngayon sa poder niya. Kung sana nga e, dati ko pa ginawa. Tama nga siguro si Mrs. Ingrid. Panahon naring pumili ako para sa tunay kong kalalagyan.

.

*

.

Narito ako ngayon sa Antipolo, pasado alas-siyete ng gabi nang makarating ako dito. Sinadya ko narin bitbitin lahat ng damit ko. Sa ngayon, mas kailangan ko si Mama. Alam ko, masusundan ako ni Darius pero ayokong sumama sa kanya. Mas gusto kong maging panatag muna ang isip ko. Kung bakit nga ba, saka lang natatauhan ang isang tao sa oras na magising sa katotohanan?

"Sabrina, sigurado kana ba? Paano kung hanapin ka ni Darius? Paano 'yung dinadala mo ngayon?" Tanong sa'kin ni Mama habang hinahagod ako sa likuran. Hindi ko alam ang sagot, napahagulgol na lang din ako sa harapan ng mesa. Patuloy niya akong binibigyan ng lakas ng loob. Namiss ko ang mga ganitong moment naming dalawa.

Iniisip ko rin ang anak namin, alam ko may paraan upang magkaayos kami pero hindi pa ako handang harapin siya. Kung bakit, ngayon pa ito nangyari? Mas lalong nadagdagan ang sama ng loob ko sa kanya. Hindi mo parin pwedeng sabihin na kahit anong bait ng tao sa iyo, magbabago parin siya. Hanggang sa unti-unti mong maiisip ang mga nangyaring hindi maganda bagay na masasabi mong... 'tama na'

"Anak, alam ko mahirap sa'yo ang nakita mo pero bakit hindi mo hayaan magkaayos ulit kayo? Bigyan mo ng pagkakataon si Darius magpaliwanag at nang sa gano'n maintindihan mo rin ang lahat. Tatay parin siya ng batang dinadala mo."

"Pero--"

"Parte sa buhay ng mag-asawa ang mag-away at magtalo. Pero hindi lahat pwedeng idaan sa ganito, hindi mo kailangan magtago na lang iha, paulit-ulit lang magbabalik sa isip mo ang mga tanong na gumugulo sa'yo. Sa oras na puntahan ka dito ni Darius, kausapin mo siya. Ayusin ninyong dalawa ang gusot na mayroon kayo."

Natauhan ako sa mga sinabi sa'kin ni Mama. May point din siya, pero masisisi niya ba ako? Kailangan ko nga bang magpatawad? Patuloy lang siya sa pag advice sa'kin habang tahimik lang din ako sa pakikinig. Marami parin akong napulot na aral mula sa kanya.

.

*KINABUKASAN*

.

Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman kong may bata sa tabi ko. Paulit-ulit pa akong kumurap dahil hindi ako makapaniwala. Si Isabel ang nasa tabi ko, tulog ito ngayon. Tipid akong ngumiti, lumambot ang puso ko para sa bata. Sandali ko siyang pinagmasdan, nagbalik ang lahat sa'kin kung paano kami pinagtagpo sa una.

"Hon, pwede ba tayong mag-usap? Please, pagbigyan mo ako." Nanlamig ako nang marinig ko ang boses niya. Kahit hindi ko siya tingnan, nakikita ko ang bawat kilos niya.

Nilapag ni Darius sa kanlungan ko ang isang bouquet ng white roses. May kasamang teddy bear at isang basket ng prutas. 'Di ko 'yon binigyan pansin, 'di ko rin hinawakan.

"Alam kong mali ako Sabrina, patawarin mo ako. Gusto ko magkaayos na tayo. Bumalik ka na sa'kin, sa'ming dalawa ni Isabel. Kalimutan na natin ang nangyari. Hindi ko kayang mawala ka sa'kin. Magsimula tayo ulit. Ibalik mo na rin ang tiwala mo sa'kin."

"Paano si Vera?" Diretso kong tanong sa kanya. "Mauulit lang ito Darius, gustuhin ko man magtiwala ulit sa'yo hindi ko magagawa iyon ng gano'n kadali"

Hinawakan niya ako sa kamay at pinisil iyon. "Forget about her, hindi narin siya gagawa ng gulo. Nag-usap narin kami...lahat ng mga nakita mo sa office, kalimutan mo narin."

"Darius, please...tama na. Masyado akong nasaktan, hindi mo rin ako masisisi kung bakit ko nagawang layasan ka. Gusto ko lang maging panatag."

"Mahal mo pa ba ako, Sabrina?" Seryoso niyang tanong sa akin.

Sa pagkakataon na 'yon, muling nag-init ang mga mata ko. Mas lalong masakit sa'kin kung hindi namin ito aayusin. Wala akong maisagot sa kanya pero kung ako lang, gusto ko rin maging maayos kami. Mahal ko parin siya at hindi naman iyon nagbago. Kahit anong sama ng loob ko, mas minabuti ko na lang kalimutan iyon.

Nanatili akong nakayuko habang pinapahid ang mga luha ko. Doon ko lang naramdaman na muli akong yakapin ni Darius. Wala na akong nagawa, napahikbi na lamang ako at mahigpit ko rin siyang kinulong sa mga yakap ko. Para saan pa nga ba't patagalin pa namin ito?

Hindi naman ako gano'n kamanhid para hindi sagutin ang tanong niya sa'kin. Mas masaya parin sa pakiramdam kung nauuwi sa maayos na usapan ang lahat sa amin. Magagawa ko parin siyang patawarin at sikapin na muling ibalik ang tiwala ko para sa kanya.

Love Takes Time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon