Chapter | Forty-three

4K 70 5
                                    

HINDI na ako kumibo. Nanatili akong tulala habang paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang kalagayan ng asawa ko. Isang linggo narin ang nakalipas. Narito ako sa waiting area, matiyaga parin akong naghihintay sa magiging resulta. Ito lang magagawa ko sa ngayon, maghintay...

"Kumain kana."

"Hindi ka dapat magpagutom."

"Bigyan mo naman ng pahinga ang sarili mo."

Kahit anong concern ni John para sa'kin, hirap ang sarili kong gawin ang lahat ng iyon. Honestly, ilang araw na akong walang sapat na tulog kahit sapat na pagkain, hindi iyon magampanan ng sarili ko. Sino ba namang hindi mahihirapan? 'Yung maisip mong sa darating na mga araw at panahon, pwedeng mawalay ang mahalagang tao sa buhay mo.

"Hindi matutuwa si Darius kapag malaman niyang nagpapabaya ka."

"Hindi naman ako nagpapabaya."

"Bakit ayaw mo kumain?"

"Wala akong gana."

"Matulog? Magpahinga? Tell me, iuuwi kita. Mas kumportable sa bahay."

"Ayoko."

"Pero hindi mo kailangan pahirapan ang sarili mo."

"Wala akong pakialam."

"Sab..."

"John, please...stop."

"No, hindi ko kayang panuorin kang ganyan. Walang maidudulot sa iyong--"

"I said, stop!" Sigaw ko sa kanya. "Please... tama na! Hindi mo alam ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko rin naman kayang lumagay sa sitwasyon na tulad nito pero ayokong sumuko! Hirap na ako, pagod na pagod na..."

Tuluyan ng kumawala ang paghikbi ko hanggang sa muling gumaan ang pakiramdam ko. Ilang linggo pa ba? Buwan? Taon? handa ako. Nakahanda akong tanggapin ang lahat pero ang sinasabing katotohanan, doon ako bumibigay. Doon ako pinanghihinaan.

*

Narito ako mahabang sofa, inip na inip na akong panuorin na lamang si Darius habang walang malay na natutulog sa hospital-bed. Gustong-gusto ko na siyang makausap. Miss na miss ko na ang lahat-lahat sa kanya.

Hindi ako kuntento, palaging si John ang kausap ko. Oo, kahit may pagkakataon na napapangiti niya ako iba parin kung si Darius ang gagawa no'n sa'kin. Mas panatag ako at hindi ko iisiping...kailan ako muling mabubuhay ng normal, tulad na lang sa ngayon.

Nabigla ako sa pagsulpot ng dalawang pulis sa loob ng kwarto. Hindi ko naiwasan kumunot ang noo ko pero alam kong may kailangan sila sa akin. Hindi naman ako nagkamali dahil bukod sa kinausap nila ako tungkol sa lagay ni Darius, meron din silang iniwan na personal na gamit. Makaraan nilang makipag-usap, nagpasya narin silang magpaalam.

'Di ko maiwasan maiyak habang isa-isang pinagmamasdan ang mga gamit ni Darius mula sa transparent-plastic. Mga ID's, wrist watch, necklace at maliit na kulay pulang box. Mayroon sing-sing sa loob, matagal ko rin iyong pinagmasdan. Ito nga kaya ang sinasabi niyang magpo-propose ulit siya sa'kin?

*

Hindi pa man nakakalipas ang halos isang oras na pananatili ko sa kwarto, isang nurse ang nakaagaw sa akin ng atensyon. Meron siyang hawak na basin at malinis na bimpo. Hindi na ako nakatiis, sinadya kong kunin sa nurse ang puting bimpo na hawak niya. Gusto ko, ako mismo ang gagawa ng tungkulin niya. Nagparaya naman ito at nagpasyang umalis.

"Hon, punasan na kita...ayokong may ibang humahawak sa katawan mo." Dahan-dahan kong idinampi sa mukha ni Darius ang basang bimpo kahit sa katawan niya. "Hanggang kailan kaba ganyan? Ayaw mo na umuwi? Hindi kaba naaawa sa'kin, ilang araw na akong umiiyak. Palagi rin kitang binabantayan, sana...sikapin mo namang maka-recover agad. Nahihirapan na ako e. 'Di naman gano'n katibay ang dibdib ko."

Love Takes Time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon