Chapter | Thirty-two

4.3K 81 7
                                    

Matagal nabalot ng katahimikan ang sumunod na napag-usapan namin ni Mrs. Ingrid. Alam ko, sagad ang tanim niyang sama ng loob sa'kin. Masakit. Maraming konklusyon ang sunod-sunod na tanong sa isip ko.

Nanatili akong walang imik sa harapan niya. Gusto kong tantiyahin ang sarili ko sa pwede kong magawa at masabi. Insultuhin man ako at masiraan ng loob sa mga sinabi niya...

Mas nangingibabaw sa'kin ang lumaban.

Muling depensahan ang pagkatao ko sa halip na maging kawawa sa paningin niya.

Malaking palaisipan para sa'kin ang naging pag-uusap ni Darius at Mrs. Ingrid. Paano nila iyon nasimulan? Paanong naging matibay ang loob niya para ipagtapat ang sitwasyon namin? Kailangan ko pa bang alamin? May rason pa nga ba kung sakaling buksan ko ang usapin na tulad nito kay Darius?

Isa lang naman ang pinaka-punto na gusto kong mangyari... maging matatag parin ako sa oras na harapin ko ang maraming pag-subok.

*

"Sa ngayon, iniisip mo ba kung paano sinabi sa akin ni Darius? Alam kong sa una pa lamang, may namumuong lihim sa inyong dalawa. Well, I knew him... hindi siya marunong magtago ng sikreto."

Lumakad si Mrs. Ingrid palapit sa akin habang patuloy siya sa pagsasalita. Nagawa kong ihakbang paatras ang mga paa ko, ayokong gumawa siya ng hindi kanais-nais na pwedeng ikapahamak naming mag-ina. Pinilit kong magtaas ng noo bago tuluyan akong mainsulto.

"Hindi ko na siguro kailangan isipin kung paano nga ito ipinagtapat ni Darius. Alam ko, hindi talaga siya malihim bagay na gustong-gusto ko sa pagkatao niya. K-kung ano man ang dahilan ng pinunta niyo dito, wala akong pakialam. Hindi niyo narin kailangan manghimasok."

Natigil ako sa pag-atras nang masabi ko ang mga salitang iyon sa kanya. Mas lalo akong nakadama ng tensyon, alam kong darating sa punto na masasampal niya ako pero handa ako. Nakahanda akong ipalo sa mukha niya ang vase na nasa tabing mesa.

Ayokong mauwi kami sa pag-aaway. Takot parin ako ngunit para sa anak ko, handa ko siyang sabunutan sa oras na kantiin niya ako. Hindi ko ugaling umiwas, hindi ko ugaling mag-mukmok sa mga panahon na iniinsulto ako ng taong kaharap ko.

Bahagyang sumilay ang tipid na ngiti kay Mrs. Ingrid. Matagal siyang nakahanap ng chance para muling magsalita. Kitang-kita ko ang mainit niyang mata habang tutok sa umbok ng tiyan ko. Tila may naglalaro sa isip niya at hindi nga ako nagkamali.

Tumalikod siya sa'kin at muling namaypay. Agad ko naman nilapitan si Isabel na nasa gilid ng sofa. Nakadama ako ng awa dahil parang maiiyak narin ito.

"Don't cry baby..." Bulong ko sa kanya at mabilis siyang yumakap sa'kin.

Ayokong masaksihan nito ang kasalukuyang nagaganap sa pagitan namin ni Mrs. Ingrid. Hindi ako aware sa kanya at mabilis niya akong hinawakan sa braso ng sobrang diin. Masakit. Napa-mura ako sa isip ko at pilit kong gustong kumawala.

"At, bakit hindi ko pwedeng pakialaman ang tungkol sa inyo? Ikaw pa ba mag-aastang asawa niya? Ikaw pa ba aaksyon na sobrang linis? Kung sabagay, makapal narin ang mukha mo at sigurado akong hindi ka papatulan ni Darius kung hindi ka nagpakita ng motibo!" Giit niya habang nanatili ang mariin niyang paghawak sa'kin.

"Hindi ako nagpakita ng motibo sa kanya. Ano pa bang problema? Kung... magmahal ulit si Darius? Hindi ba't matagal narin wala si Thea? Matagal nang wala ang anak niyo Mrs. Ingrid."

Agad akong tumayo habang nakipag-tagisan ako ng tingin sa kanya. Pero mali ang ginawa kong harapin siya dahil mabilis na dumapo ang kanan niyang palad sa pisngi ko. Napapikit ako at ramdam kong namanhid ang pisngi ko.

Love Takes Time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon