Chapter | Twenty-six

5.3K 94 5
                                    

HALOS isa't kalahating oras ang ginawang paghihintay ni Darius. Nanatili siyang tahimik sa gilid ng kama habang matiyagang inaabangan ang pagmulat ni Sabrina. Marahan siyang pumikit at nakadama ng malaking guilt sa sarili. Awang-awa parin siya sa hitsura nito.

Paulit-ulit ang ginagawa niyang paghaplos sa buhok ng dalaga. Naroon na iniiwanan niya rin iyon ng halik na punong-puno ng pagmamahal. Maka-ilang beses narin siyang napalunok. Tila nawawalan ng pag-asa na maging maayos na sila. Paano nga bang masuyo niya pa ito kung iniiwasan narin siya? Pakiramdam niya wala ng pagmamahal si Sabrina para sa kanya.

Napailing siya sa malalim na iniisip. Ayaw niya. Hindi niya gustong mawala at masira ang relasyon na mayroon silang dalawa. Patuloy parin siyang magmamahal para dito at 'yon ang dapat. Marahan niyang hinawakan ang kamay ni Sabrina at dinampi iyon sa kanyang pisngi. "Please, wake up. Gusto kong bumalik ang lahat sa dati." Bulong ni Darius sa sarili. Muli niyang naramdaman ang pangingilid ng luha sa kanyang mata.

Agad siyang napatinag nang marinig ang pag bukas ng pinto ng kwarto. Alam niyang si Nanay Sonia iyon. Lumapit ito sa kinaroroonan ni Darius at hinawakan sa balikat. Palihim na nagpunas ng luha ang lalaki at bahagyang ngumiti sa harap ng matanda.

"Iho, narito na 'yung doktora." Kasunod ni Nanay Sonia ang doktor na kinontak ni Darius para masuri si Sabrina.

Tumayo si Darius at nakipagkamay dito. "Good afternoon doc." Bati niya. Ngumiti naman ang doktora at lumapit narin sa nakahiga at walang malay na si Sabrina.

Inobserbahan nito ang kalagayan ng dalaga at sinimulang gamutin. Naroon namang nanatili sa kabilang gilid si Darius at tahimik na pinagmamasdan si Sabrina. Hindi niya maiwasan maging balisa. Napahagod siya sa kanyang ulo at nagpalakad-lakad. Tila napansin naman iyon ng doktora at napangiti ito sa mga kilos niya.

"Mr. Asuncion, 'wag kayong magpanic. She's okay. Besides, she's obviously pregnant." Napahinto si Darius at mabilis na lumapit sa doktora. May kung anong excitement sa kanyang mukha. Hindi niya iyon maipaliwanag at nagawa pang hawakan ang kamay ng kausap.

"A-are you sure? Paano? I mean... hindi ba delikado sa kanya magbuntis? Like maselan. Ano po? Please...explain niyo sa'kin lahat. Excited akong malaman."

Napailing ang doktora at nagsimulang magsalita. "Usually, maselan magbuntis ang iba kapag first baby. Emotional sila masyado, madaling sumama ang loob at normal sa kanila maging moody. Intindihin at lawakan mo ang pasensya Mr. Asuncion. Maging mabait ka sa asawa mo." Natatawang paliwanag sa kanya.

Napahagikgik narin si Darius at parang gustong maluha sa nalaman. "Kung...sana pwedeng malaman kung malusog ba ang baby? Uhm...para sa pasyente po? Hindi ba siya mahihirapan?" Usisa niya at parang inosenteng bata sa mga sarili niyang tanong.

Napahinga ng malalim ang doktora. Binigyan siya ng reseta. "Mr. Asuncion, kung malusog ang nanay, malusog din po ang anak. Heto, ibili mo siya ng gamot at vitamins. Para makasiguro tayo heto rin ang pregnancy test. Kung positive, puntahan niyo ako sa clinic basta kayang bumiyahe ng pasyente. Kailangan kumpleto siya sa monthly check up niya."

Matapos magpaliwanag ng doktora, umalis narin ito. Madaling naupo si Darius sa upuan at tahimik na pinagmamasdan ang papel. Findings ng check-up ni Sabrina. Paulit-ulit niyang pinikit ang mga mata dahilan sa hindi maniwalang expectations na magiging tatay siya ulit. Natuwa siya. Palihim ang bawat ngiti na pinapawalan niya sa labi.

Nagawa niyang tumayo at maglakad-lakad. Sandaling tinupi ang papel at inipit iyon sa libro. Gustong-gusto na niyang ibalita kay Sabrina ang lahat ng kanyang nalaman. Hindi na ito magkaka-lakas ng loob na iwanan siya dahil sa magiging anak nila. Mas lalo nilang mamahalin ang isa't-isa tulad ng isang masayang mag-asawa.

Love Takes Time [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon