Crossed

1.6K 51 118
                                    

SA isang retreat center sa Nasugbu, Batangas niya muling nakita ang lalaki pagkatapos ng mahigit na walong taon. Sumama siya sa kaupisinang si Cecil nang dumalaw ito sa mga magulang na doon nakatira sa probinsya. At dahil malapit lamang naman ang Caleruega ay ipinasyal na  siya ni Cecil bago sila lumuwas pabalik sa Manila.

Tiyak ni Regine na nakilala pa rin siya ng lalaki base sa reaksyon sa mukha nito. Katulad niya ay bakas ang pagkamangha sa mga hitsura nila.

            Pareho silang malaki ang ipinagbago, parehong positibo ang naging pagbabagong iyon. At hindi maiwasan ni Regine na mapansin at humanga sa mas tuminding appeal ng lalaki. 

            Subalit hindi naman niya magawang lumapit sa lalaki. Ganoon din ang lalaki sa kanyan. May mga kasama ito.

            Siya si Error Rebellon, pangalan pa lamang ay tila gusto nang gumawa ng kaguluhan sa mundo. Nang mga sandaling iyon ay nakasuot ng isang kulay pulang slim fit casual tuxedo suit ang lalaki.

            Nasa gitna sila ng isang maliit na tulay sa ibabaw ng isang man-made na lawa sa loob ng retreat center. Naka-abrisyete dito ang isang magandang babaeng nakakulay puting gown at may dala-dalang malaking bouquet ng mapupulang rosas.

"Bagay na bagay kayong dalawa!" komento ng isang lalaking katabi ng photographer.

Nag-thumbs up pa si Error sa lalaki. Natawa naman nang malakas ang babaeng kasama nito.

"Ituloy na 'yan sa simbahan, ha!" sabi naman ng isa.

Isang pre-nuptial pictorial marahil ang nagaganap. Kinukuhanan ang dalawa ng larawan ng dalawang photographers.

            Ikakasal na pala si Error Rebellon. 

            Minsan pa ay nakita niyang nakatingin sa kanya si Error. Nagbaba ng tingin. si Regine Pasimpleng hinila na niya palayo si Cecil.

            "Teka lang, Regine!"

            Halos ay makaladkad na pala niya si Cecil.

            "May hinahabol ba tayo o may tinatakbuhan?" untag nito sa kanya.

            Nakalayo na sila sa lugar na iyon kung saan masayang nagpi-pictorial si Error at ang mapapangasawa nito.

            "Parang gusto ko nang umuwi," aniya sa kaibigan matapos silang makapaglakad-lakad.

            "Hindi mo feel ang lugar?"

            "Medyo sumama lang ang pakiramdam ko," pagsisinungaling niya.

            "Puwede bang magsi-CR lang ako. Kanina pa ako naiihi, eh."

            Sinamahan niya sa pinakamalapit na restroom ang kaibigan. Naghintay na lamang siya sa labas. Magkatabi ang restroom na panlalaki at pambabae.

            "Nice to see you again, Regine."

            Nagulantang si Regine nang may magsalita sa kanyang likuran. Nanlaki ang mga mata niya nang lingunin ito at makilala ang lalaki.

            "Error!"

            Malagkit ang titig ni Error sa kanya. Hanggang sa mga oras na iyon, matindi pa rin ang epekto sa kanya ng lalaking ito.

            "You have changed a lot," anang lalaki. Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa.

            Gusto niyang sabihin na mas gumuwapo ang lalaki kumpara sa hitsura nito walong taon na ang nakararaan. Mas malaki na din ang pangangatawan nito. Namumukol ang mamasel na dibdib sa hapit na puting sando na suot ng lalaki.

            "But you are still the same beautiful Regine back in our college days."

            Namula siya sa papuring iyon ni Error.

            "Kumusta na?" si Error muli.

            "I-I am doing fine," kinakabahang sagot niya. "Ikaw?"

            "I've never been this better," sagot nito.

            "Congrats pala," pinatatag niya ang boses, bakit ba tila nanginginig siya?

            "Congrats? Saan?"

            "S-Saan pa ba? E, di sa nalalapit mong kasal. Malapit na ba?"

            Napangiti si Error, pero tila nang-uuyam na ang tingin nito sa kanya.

            Eksaktong lumabas na sa restroom si Cecil. Nagulat ito nang makitang kaharap at kausap niya si Error.

            "Cecil, si Error. Classmate ko siya noong college," asiwang ipinakilala niya ang lalaki. "Si Cecil, officemate ko."

            "Nice to meet you, Cecil," bati ni Error sa babae.

            "Same here," namamangha pa ring sabi ni Cecil, halatadong apektado ito sa malakas na dating ng lalaki.

            "Classmates kami ni Regine sa Bukidnon," inulit pa ni Error ang sinabi niya. "Classmates . . ."

            Napalunok si Regine. Batid niyang pinapasaringan siya ni Error.

            May dinukot ito sa pitaka. Isang maliit na papel iyon, iniabot sa kanya.

            "There's my number."

            Nakatingin sa kanya si Cecil at tila nagtataka kung bakit hindi niya matanggap-tanggap ang papel. Bantulot na kinuha niya iyon sa lalaki.

            "Let's keep in touch, classmate. Try to ring me. Gusto kong i-invite ka sa araw ng kasal ko if you won't mind," sabi ni Error. "Unfortunately, I need to go now. Baka hinahanap na nila ako. See you soon, classmate."

            Naiwan siya na parang natuklaw ng ahas.

            "Grabe, ang guwapo niya!" Si Cecil ay habol pa rin ng tanaw ang lalaki. "Magkakilala pala kayo, bakit mo siya pinakawalan?"

            Nagulantang siya sa sinabi ni Cecil.

            "Joke lang, friend. Grabe, hindi ako maka-move on sa kaguwapuhan niya."

            Kung alam lamang ni Cecil, siya man ay hindi rin maka-move on sa muli nilang pagkikita ni Error.


***Please feel free to comment and vote if you like the story. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!

Always Be My FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon