ILANG ulit siyang tinatangkang tawagan ni Error mula nang gabing iyon ngunit tinitikis ni Regine na huwag sagutin ang lalaki. Kahit messages nito ay hindi niya nire-reply-an.
Gayunpaman ay hindi pa rin niya magawang tuluyang magalit sa lalaki. Mas naiinis siya sa sitwasyon nilang dalawa. Kung walang komplikasyon na makipagbalikan siya kay Error ay bakit ba siya tatanggi sa lalaki.
Napapaisip din si Regine. Ano bang klaseng pagmamahal meron si Error para kay Nicka? O dahil ba sa kanya kaya biglang mawawasak ang love story ng dalawa?
Sorry, Nicka, sabi ni Regine sa hangin. Hindi niya sinasadyang guluhin ang magandang kuwento nito at ni Error.
Kakalabas lamang nila sa trabaho. Medyo pagod siya at inaantok pa dahil nahihirapan siyang matulog nitong mga nakaraang gabi. Hihikab-hikab tuloy siyang naghihintay ng bus na sasakyan pauwi sa condo.
Nagulat pa siya nang may tumabi sa kanyang lalaki at inaabutan siya ng helmet.
"Error!"
"Suot mo na 'yan. May pupuntahan tayo," utos ng lalaki.
"H-Hindi ako sasama sa 'yo," tanggi niya.
"Gusto mo bang buhatin pa kita?"
"Error, please . . ."
Hindi siya pinansin ng lalaki. Isinuot nito ang helmet sa ulo niya. Pagkatapos ay hinawakan siya nito sa isang kamay at hinila palayo sa waiting shed na kinatatayuan nila.
Ayaw niyang mag-eskandalo kaya sumunod na lamang siya.
Pagdating sa naka-park na motorsiklo nito ay nakatitig sa kanyang nagsuot ng sariling helmet si Error. Ini-start nito ang makina ng motorsiklo.
"Sakay na," pautos muli ang tinig ng lalaki.
"Error, hindi ako sasama sa 'yo."
"Regine, sumakay ka na. Hindi ako papayag na hindi ka sasama sa akin."
"S-Saan ba tayo pupunta?"
"You will know, later . Sakay!"
Napalunok si Regine. Parang galit si Error at para naman siyang batang nasindak na sumunod. Umangkas nga siya gaya ng nais nito.
Binaybay nila ang kahabaan ng EDSA at mayamaya pa ay pumasok sila sa Ortigas Area. Sa basement ng isang mataas na building sila humantong.
Magkahawak-kamay silang pumasok sa elevator. Sa ikadalawampu't isang palapag sila dumiretso. Nasa isang magarang condominium sila.
Pumasok sila sa isang malaking unit. Elegante at mamahalin ang mga gamit na nasa living room area ng silid na iyon. Mabango din ang amoy sa loob ng unit.
"Ano'ng ginagawa natin dito, Error?" kinakabahang tanong niya sa lalaki.
"This is my place. This is where I live," sagot ni Error.
"Okay, pero bakit kailangan mo akong dalhin pa dito?"
Marahang lumapit sa kanya si Error. Alerto siya sa maaaring gawin ng lalaki.
"Now, you can tell me here kung talagang hindi mo na ako mahal, Babe."
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig.
BINABASA MO ANG
Always Be My First
Mystery / ThrillerWalong taon nang huli silang magkita. At nang magkrus muli ang kanilang landas ay ikakasal na si Error Rebellon. Si Error na sa pangalan pa lamang ay isa ng malaking pagkakamali. Si Error na ang pinagmulan ay hindi matatanggap ng kanyang angkan. Si...