Hypnotic

393 25 30
                                    



SA UNANG linggo ng klase ay wala namang kakaibang nangyari, siputin-dili pa rin sila ng kanilang mga professor, may mga inaasikaso pa daw ang mga ito. Nang sumunod na linggo ay unti-unting nagiging regular na ang klase nila. Nag-introduce na ng kani-kanilang leksyon ang mga guro.

Sabi ni Regine, back to reality na ulit sila. Isang semester na ulit silang kakayod para naman matuto at mas mas maging handa para sa susunod na mga semester.

Mas madalas ay kasa-kasama nila ni Therese si Xavier. Nawawala lamang ito para makipagkuwentuhan sa mga barkada subalit maya-maya ay bumabalik na rin kaagad. Hindi din ito lumiban sa paghahatid sa kanya pauwi.

Si Error? Tingin ni Regine, hindi naman ito sumasama sa grupo nina Xavier. Sabi nga nito ay mas gusto nito ang mas kakaunting tao sa paligid. Minsang kumakain sila sa kantina ng school ay natanaw niyang mag-isang kumakain sa isang mesa ang lalaki. Nagkatitigan pa nga sila at matipid na ngumiti ito sa kanya.

Nang hapong iyon ay nagpaalam ang kanilang propesor na may emergency meeting daw ito sa departamento kaya binigyan na lamang sila ng mga topiko para mag-advance reading. May isa pa silang klase na susunod kaya hindi pa sila makauuwi.

Bagamat dinismiss na ay pinili ng iba kabilang na sina Regine at Therese na manatili na lamang muna sa classroom. Nagpaalam naman sa kanya si Xavier na makikipaglaro ng basketball sa mga barkada. Mahigit dalawang oras pa rin kasi ang ipaghihintay nila para sa susunod na klase.

Si Error naman ay isa sa mga naunang lumabas ng silid.

Nakaramdam ng panunubig si Regine. Nagpapasama siya kay Therese na minsan pa ay tutok na naman sa pagbabasa ng bagong bili nitong pocketbook.

"Grabe ka, bes. Kailangan ba talagang kasama ako?"

"O sige na nga, ako na lang mag-isa," pasya ni Regine.

Lumabas na siya ng silid at binaybay ang pinaka-dulo ng gusali kung saan naroroon ang restroom para sa mga kababaihan.

Nanlumo si Regine nang makitang naka-lock ang CR. Mukhang may problema na kaagad ito gayong kabubukas pa lamang ng pasukan. Nasa second floor pa naman sila ng gusali. Pinili ni Regine na maglakad pababa sa unang palapag. Alam niyang sa panlalaki ang restroom na naroroon pero sa katabing gusali ay mayroong CR na kanina ay nakita niyang nakabukas.

Hindi naman nabigo si Regine. Nairaos niya ang tawag ng kalikasan at maya-maya pa ay naglalakad na siyang muli pabalik sa kabilang building.

"Regine!"

Narinig niya ang pangalan niyang tinatawag ng isang lalaki.

Si Error iyon, nakaupo sa isang sementong bench na nasa gilid ng building, may kandong na sketch pad ang lalaki. Tumayo si Error at inilapag sa bench ang pad at mabilis na humakbang palapit sa kanya.

"Nagdo-drawing ka ba?" aniya sa lalaki, wala siyang maisip na sabihin.

"Kapag inspirado lang," anito, minsan pa ay nakita ni Regine ang matamis na ngiti ng lalaki.

"Wow, ang galing naman. Kaya lang, kumportable ka ba diyan?" Inginuso niya ang bench na pinanggalingan nito.

"Sakto lang," sabi ni Error. "Busy ka ba?"

"Busy? Wala naman tayong klase eh. Nagpapatay lamang kami ng oras ni Therese sa taas."

Napangiti si Error. At bago pa nakaimik si Regine ay mabilis na binalikan ni Error ang bag at ang sketch pad na nasa bench at muli siyang binalikan.

"Tara!"

Nagulat si Regine nang hawakan siya ni Error sa kamay at pahila siya nitong inakay sa paglalakad. Malalaki ang hakbang ni Error.

"T-teka lang, saan tayo pupunta?" takang tanong niya sa lalaki. Mahigpit ang hawak nito sa kamay niya. At kahit malaki si Regine, sapat ang lakas ni Error para mapasunod siya ng paghakbang dito.

"Matagal pa naman ang next class natin, sandali lamang tayo."

"Saan nga tayo pupunta?"

"Just trust me," anang binata.

Tahimik na napasunod na lamang si Regine. Napapatingin siya sa magkahawak nilang kamay ay naiisip niyang nasa ilalim yata siya ng kapangyarihan ni Error.

Narating nila ang parking area ng school. Naroroon ang motorsiklo ni Error. Binitawan na siya ng binata.

Sumakay si Error sa motorsiklo pero hindi ito nagsuot ng helmet bagamat may dala ito. Hindi naman hinuhuli sa kanila ang mga motoristang walang suot na helmet.

Iniabot sa kanya ni Error ang helmet. "Ikaw na ang maghelmet."

"Saan ba tayo pupunta?" kinakabahang tanong niya sa lalaki. Tama ba na sumama siya dito?

Bumaba si Error sa motorsiklo at tumayo sa harapan ni Regine.

Gusto yatang manghina ni Regine sa pagtititigan nilang iyon ni Error. Naramdaman niya ang paghaplos ng palad nito sa dalawang kamay niyang may hawak sa helmet. Mas nakapanghihina yata iyon.

Kinuha ni Error ang helmet at isinuot kay Regine. Naiisip niya, suot niya ang helmet na palaging ginagamit ng lalaki. Mas lumakas ang kabog ng puso niya.

Ni hindi na siya nakatutol pa.

Sumakay na muli si Error sa motorsiklo.

"Halika na."

Napasunod na lamang si Regine. Hindi naman bago sa kanya ang umangkas sa motorsiklo.

"Kumapit ka sa akin," utos ni Error sa kanya.

Napakapit siya sa balikat ni Error.Subalit sa kabang nararamdaman ay bumaba ang pagkakahawak niya at napayakap sa lalaki.

Saka pa lamang pinaandar ni Error ang makina ng motorsiklo.

Maya-maya pa ay palabas na sila ng main gate ng unibersidad at bumabaybay na sa kahabaan ng kalsada. 


***Please feel free to comment and vote if you like the story. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!

Always Be My FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon