"BINABASTED mo ako?" Tila nahulasan ang kasiyahang nasa mukha ni Xavier nang hapong iyon. Ilang sandali lamang ang nakakalipas ay masaya nitong ipinagmalaki sa kanya ang bagung-bagong motorsiklo nito. Regalo daw iyon ng ama at si Regine ang nais nitong unang babae na makasasakay doon. Hindi na daw problema ang paghahatid nito sa pag-uwi niya.
Mukhang alam na rin ni Xavier ang sitwasyon sa pagitan nila ni Error. Hindi niya tiyak kung sino ang nagkuwento dito. Naiisip niyang maaaring kinausap din ito ng papa niya.
"Pasensya na, Xavier. Mas gusto ko na rin kasing mag-focus na lang sa pag-aaral."
"Nakakasagabal ba ako? Dati naman, okay lang di ba?"
"Basta ayoko na kasi muna na ganito. Mas okay na lang na wala akong ibang iniisip."
"Hindi naman kita pine-pressure, di ba? Willing naman ako maghintay."
"Xavier, pakiusap naman. Gusto ko lang ng space. Medyo magulo kasi ang isip ko nitong huli. Gusto ko munang magpahinga."
Parang maiiyak si Xavier.
"Huwag naman ganyan, Regine."
"Xavier, please . . ."
"Dahil ba kay Error? Siya ba ang gusto mo? Kung hindi ba tutol ang Papa mo sa kanya, sasagutin mo na ba siya?"
Maang siyang napatingin sa mukha ni Xavier. May inis na bumangon sa kanyang dibdib.
"Xavier, please. Napakabait mong tao sa akin. Sana kung anuman ang maging desisyon ko ay irespeto mo." Pinili pa rin niya na magpakahinahon.
"Regine, ang sakit naman nito. Ikaw ang inspirasyon ko kung bakit ako nagpapakabuti sa pag-aaral. Ikaw lang ang palagi kong iniisip sa tuwing magdedesisyon ako. Hindi ko alam kung kaya ko ito." Nanginginig ang boses ng binata.
"Xavier naman, hindi din naman madali sa akin ang nangyayari ngayon. Pero gusto ko lang naman munang magpahinga sa dami ng iniisip ko." Si Regine naman ang tila maiiyak. Ang bastedin ang napakabait na manliligaw na itinuring na rin niyang malapit na kaibigan ay mahirap din pala.
"Magpahinga? Pero hanggang kailan? O may pag-asa pa ba ako kung sakaling matapos ang pahingang gusto mo?"
Walang kasagutan sa tanong na iyon si Regine.
"Xavier, I'm sorry. Hindi ko alam. Siguro ay panahon lamang ang makapagsasabi," aniyang hindi na napigilan ang pagtulo ng luha.
Mabibilis ang mga hakbang na lumayo siya sa manliligaw. Maging si Xavier ay hindi napigilan ang pagtulo ng luha.
***Please feel free to comment and vote if you like the story. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!
BINABASA MO ANG
Always Be My First
Mystery / ThrillerWalong taon nang huli silang magkita. At nang magkrus muli ang kanilang landas ay ikakasal na si Error Rebellon. Si Error na sa pangalan pa lamang ay isa ng malaking pagkakamali. Si Error na ang pinagmulan ay hindi matatanggap ng kanyang angkan. Si...