TAGUMPAY ang klase nila na maisaayos ang venue nang araw na iyon. Nagsimula na rin ang pagse-set-up ng iba't ibang colleges sa mga designated area nila. Kinabukasan ay ginanap ang opening program para sa foundation anniversary ng University.
Maingay ang bawat sulok ng eskuwelahan. Pumarada pa ang mga opisyal, faculty at mga estudyante ng eskuwelahan sa poblacion kasama ang isang banda ng ati-atihan. Masaya ang mga estudyante lalupa't wala silang klase sa tatlong magkakasunod na araw.
May mga pakontest para sa pagkanta at pagsasayaw.
Watak-watak ang klase nina Regine. Sa maghapon na iyon ay si Therese ang kasa-kasama niya at tila bumalik naman ito sa dating pakikitungo sa kanya. Natutuwa si Regine na mas masigla ngayon at mas maaliwalas na ang awra ng matalik na kaibigan. Ang totoo ay nanibago siya sa tila malamig na pakikitungo nito sa mga nakaraang araw. Ang mahalaga ay ayos na ulit sila.
Kinagabihan ay dalawang text messages ang na-receive ni Regine.
Kumusta ang babe ko? ang sabi ng una.
Regine, tomorrow na ang laban ko. Panoorin mo naman ako bilang suporta, sabi ng ikalawa.
Galing ang mga iyon sa dalawang lalaki na malapit sa kanya. Siyempre, mas mahalaga kay Regine si Error. Hindi siya masyadong nagkaroon ng interaksyon sa dalawang lalaki noong araw na iyon bagamat madalas mag-text ang kanyang nobyo. Si Xavier naman ay hindi yata pumasok dahil hindi niya talaga ito nakita sa school.
Kinabukasan, naroroon na sa auditorium ang buong section nina Regine upang ipakita ang suporta kay Xavier. Nang ipakilala ito ay sa kanya pa nga ito tumingin at kumaway pa.
Kinakabahan din si Regine para kay Xavier. Walong eskuwelahan kasi ang maglalaban-laban sa quiz bee. Malaking karangalan para kay Xavier at sa school kung magiging maganda ang resulta ng laban na ito.
Hinati sa tatlong rounds ang kumpetisyon – easy, difficult at clincher round. Ang easy round ay mag-eeliminate ng tatlong kalahok na may pinakamababang puntos.
Nagsimula na ang quiz bee. Tahimik na tahimik ang mga nasa audience. Ang lahat ay nakikinig sa quizmaster. Tumama ang lahat ng kalahok sa unang tanong pa lamang. Nagsigawan pa ang audience nang sabihing tama ang sagot ni Xavier. Maraming fans ang lalaki dahil nga kilala ito bilang reigning Mr. University.
Natapos ang labinlimang tanong sa easy round. Kumulekta ng 12 points si Xavier at ka-tie ng dalawang contestants sa ikatlong puwesto. Tinanggal ang tatlong may pinakamababang puntos, pasok pa rin si Xavier sa susunod na round.
Sumunod ang difficult round.
Umangat pa ang puwesto ni Xavier matapos ang sampung tanong, nasa ikalawang puwesto na siya. Muling nagtanggal ng dalawang kontestant at naiwan ang tatlo para sa final round.
Limang tanong na lamang ang paglalabanan ng tatlo. Lamang ng dalawang puntos ang nangunguna kay Xavier. May pag-asa pa itong makaungos dahil three points ang bawat tamang sagot sa round na ito. Sa naunang dalawang tanong ay parehong mali ang sagot ni Xavier kaya lumaki pa ang lamang ng kalaban sa limang puntos.
Matapos ang sumunod na huling tatlong tanong ay nakakuha ng 29 at 27 points ang dalawang katunggali ni Xavier. Si Xavier ay kumulekta ng 30 points matapos sagutin ng tama ang huling dalawang tanong.
Nanalo si Xavier. Hindi magkamayaw sa tuwa ang mga audience na pawang mga estudyante ng University. Napatalon pa nga ang klase nina Regine. Masayang-masaya sila sa tagumpay na ito ng sikat na kaklase.
Nagkakagulo sa loob ng auditorium nang maramdaman ni Regine na may humawak sa kanyang kamay. Hinihila siya nito palayo sa karamihang patuloy pa rin sa pagdiriwang.
Alam ni Regine na si Error iyon.
Nasa labas na ng auditorium nang kausapin siya ng lalaki.
"Tara!"
"Saan?"
Kinindatan na naman siya ng lalaki.
"Wait, magte-text lang ako kay Therese."
"Sasabihin mo sa kanyang ako ang kasama mo?"
Hindi kaagad nakakibo si Regine.
"Saan ba tayo pupunta?" Kahit paano ay kinakabahan si Regine na muling sumama kay Error. Malay ba niya kung ano na naman ang naiisip nito.
Mahal niya si Error pero hindi siya papayag na ulitin nila ang ginawa nitong nakaraang araw. Hindi man siya nagsisisi subalit alam niya na kapusukan pa rin iyon.
Tila nahimigan ni Error ang iniisip niya. "Pupunta tayo kay Lola. Nagluto siya ulit, sabi ko doon tayo kakain."
"Sigurado ka?" paniniyak niya.
"Siyempre naman, bakit? May iba ka pa bang nais puntahan?" Nanunudyo ang ngiting sumilay sa mga labi ni Error.
Nakurot niya ng pino sa may tiyan si Error. Napangiwi ang lalaki. Subalit natawa din ito. Nakasimangot pa rin si Regine.
Maya-maya pa ay nakaangkas na siya sa motorsiklo ni Error.
***Please feel free to comment and vote if you like the story. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!
BINABASA MO ANG
Always Be My First
Mystery / ThrillerWalong taon nang huli silang magkita. At nang magkrus muli ang kanilang landas ay ikakasal na si Error Rebellon. Si Error na sa pangalan pa lamang ay isa ng malaking pagkakamali. Si Error na ang pinagmulan ay hindi matatanggap ng kanyang angkan. Si...