Forbidden

309 22 21
                                    







LATE na sila nakarating sa bahay nina Therese nang gabing iyon. Nagdahilan na lamang sila na kinailangan pa ni Error na magpalit ng damit kaya kinailangan pa munang umuwi. Hindi sila nagpapahalata sa mga kasama nila bagamat may bahagyang iniinda sa katawan si Regine.

            Nagpakapuyat sila sa paghahanda ng mga gagamiting pangdekorasyon at madaling-araw na nang sila ay makatapos.

            Doon na sila natulog subalit sandali lamang. Nagsiuwian na sila noong maliwanag na.

            Inihatid siya ni Error ngunit hindi siya pumayag na sa tapat ng bahay nila siya ibaba. Sa malayong kanto pa siya nagpababa saka sumakay pa muli ng isang tricycle.

            Nauunawaan naman ni Error ang sitwasyon nila.

            At mukhang masaya naman ang lalaki ngayong opisyal na silang dalawa na.

            Naligo kaagad si Regine pagkarating sa bahay. Babalik din sila kaagad sa school para tapusin na ang pagdedekorasyon sa venue.

            Nag-usap na din sila ni Error na sa school na lamang sila magkikita.

            Siyempre ay palihim na nagtetext sila sa isa't isa.

            Kumusta ang babe ko? Message ni Error nang paalis na siya ng bahay.

            Napapangiti si Regine.

            Pabalik na. Ingat ka, reply niya.

            Love you, sabi uli sa text.

            Hindi na nagreply si Regine subalit sa loob-loob niya ay masaya siya. Aywan kung bakit para siyang nagkaroon ng lakas ng loob matapos ang namagitan sa kanila ni Error. Hindi niya alam ngunit may bahagi sa kanyang pagkatao na tila nabuo.

            Nang dumating siya sa school ay malaking bahagi na ng venue ang natatapos na dekorasyunan. As usual ay naroon na si Therese na nagmamando sa mga kaklase.

            Naroroon na rin si Error, nakaakyat sa isang makeshift na hagdanan at ikinakabit ang malaking puting kurtina. Nang makita siya nito ay kaagad siyang kinindatan. Iba ang awra ni Error kumpara sa mga nagdaang araw. Tila kayliwanag ng mukha nito.

            "Bes, hinahanap ka kanina pa ni Xavier," balita sa kanya ni Therese nang lapitan niya ito.

            "Ganoon ba? Bakit kaya?"

            "Malay, hindi naman ako ang girlfriend niya."

            "Girlfriend?"

            Tinaasan siya ng kilay ni Therese. "Hindi pa ba? Akala ko ba, kayong dalawa na?"

            "Ha? Bakit mo naman nasabi 'yan?" takang tanong niya sa kaibigan.

            "E di ba sabi mo nung nasa library tayo na okay na kayong dalawa? Magkayakap pa nga kayo."

            "Ano? Wait, Bes. Hindi siya kagaya ng iniisip mo. Walang gano'n," paglilinaw niya kay Therese. "So iniisip mo nitong mga nakaraang araw na kami na ni Xavier?"

            "Ano ba ang dapat kong isipin? Nung tanungin kita akala ko parehas tayo ng iniisip. Tapos hindi na humiwalay sa 'yo si Xavier mula noon. Hindi mo naman siguro ako masisisi."

            "Bes, kung kami ni Xavier, sinabi ko na sa 'yo. Pero wala talagang ganoon. Di ba sinabi ko naman sa 'yo na tinutulungan ko lang siya sa pagrereview."

            "Sorry na. Akala ko ay girlfriend's duty."

            "Grabe ka, Bes. Kaya ba para mo akong itinataboy kay Xavier nitong huli at parang ayaw mong sumabay sa akin? Nagseselos ka?"

            Napamaang si Therese. "Excuse me, Bes! Bakit naman ako magseselos? Wala naman akong gusto kay Xavier."

            Nagulat siya sa reaksyon ng kaibigan. "Wala akong sinabing ganyan. Ang ibig kong sabihin, nagseselos ka dahil mas may time ako kay Xavier kaysa sa 'yo nitong huli."

            "Ah . . ." nasabi na lamang ni Therese at tila napapahiya itong umiwas ng tingin.

            "Wait, may gusto ka ba kay Xavier?"

            "Ano ba'ng klaseng tanong 'yan, Regine?" Nag-blush si Therese. "Mamaya na nga lang tayong mag-usap. Marami pa tayong tatapusin."

            Naglakad papalayo si Therese.

            Napailing na lamang si Regine habang inihahatid ng tanaw ang kaibigan.

            "Baka gusto mo akong tulungan, Babe?"

            Bahagya siyang napakislot sa pagkagulat sa nagsalita malapit sa tenga niya.

            "Error!"

            Kunut-noo niyang hinarap ang nobyo. Nakangisi ito.

            "Error, hindi puwede ang ganito. Me usapan na tayo, di ba?"

            "Bawal kong lapitan kahit sandali lang ang girlfriend ko? Hindi ka naman brutal sa lagay na 'yan?" Sinimangutan siya ni Error. Nagpapa-cute na naman ang lalaki sa kanya.

            "Mahirap na, kailangan nating mag-ingat."

            "Nami-miss lang kita."

            Inirapan niya ang lalaki. Umiepekto ang paglalambing nito sa kanya. Kilig na kilig kaya siya.

            Nang magtamang muli ang kanilang mga paningin ay sinenyasan siya nito sa pamamagitan ng paggalaw ng labi. May tunog pa ang pagkiss nito sa hangin.

            Napailing na lamang si Regine. Nakangiting tinalikuran niya ang kasintahan at naglakad palayo dito. Masaya si Regine bagamat naiisip din niyang mahihirapan yata siyang itago ang relasyon kung ganito palagi si Error.


***Please feel free to comment and vote if you like the story. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!

Always Be My FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon