Rekindle

310 23 41
                                    



NANG sumunod na linggo ay muli silang nagkita ni Error. Tinawagan siya nito tungkol sa paghahanda sa kasal. Sakay siya ng magarang sports car ni Error. Gusto niyang mag-usisa kung ano ang nangyari sa buhay nito. Bakit napakabilis yata ng pag-asenso ng lalaki?

"You and Nicka are about the same size," paliwanag ni Error. "Gusto kong ikaw ang magsusukat ng wedding gown na isusuot niya."

Gusto na yatang maiyak ni Regine. Pangarap niyang magsuot ng wedding gown isang araw ngunit ang kaharap na lalaki pa rin ang pipiliin niyang groom.

Subalit hindi siya dapat magpaapekto.

"Hindi mo pa rin nababanggit sa akin kung kailan ang petsa ng kasal ninyo ni Nicka," sumbat niya sa lalaki. "Kung gusto mo akong tumulong, dapat mas maging honest ka sa akin."

"Kapag nalaman mo, baka makarating din kay Nicka."

"Mapagkakatiwalaan mo naman ako, Error, dapat ay alam mo 'yan."

"Can I really?"

Nagkatitigan silang dalawa ni Error. Napaiwas ng tingin si Regine. Hindi pa rin niya kaya ang kapangyarihan ng mga mata ng lalaki.

"That's going to happen in over a couple of months from now," sagot ni Error.

"Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kahit kay Nicka ay isang sikreto ang araw ng kasal ninyo. How could that even be possible?"

"Mas magiging memorable ang lahat kung may kaunting element of mystery sa mga mangyayari. Additionally, Nicka is a person who loves a good surprise."

"Mukhang mahal na mahal mo si Nicka," nasambit na lamang ni Regine. Gustong mangilid ng luha sa kanyang mga mata.

"I can trust Nicka with my life," tugon ni Error.

Huminto ang kotse ni Error sa tapat ng isang wedding gown boutique sa isang panulukan sa Makati. Kilalang designer ang may-ari niyon.

Bumaba sila ni Error at pumasok sa malaking boutique.

Sinalubong sila ng effeminate na designer.

"Look who's here but one of the most handsome bachelors in the country!" bati ng malamyang designer kay Error. Nakipagbeso-beso dito si Error.

"And is she the lady to fit the gown for your lucky fiancée?"

Mukhang may alam na rin ang designer sa mga plano ni Error.

"'Yap, Mamita. This is Regine."

"Kumusta ka naman, Regine? You look astounding yourself. Kaunting ayos lang, kabog na sa 'yo ang maraming artista at modelo." Sinipat talaga siya ng designer mula ulo hanggang paa.

"Thank you," kiming sagot niya.

"Regine, this is Mamita Claudio, one of the top designers in the country," pakilala ni Error sa kanya.

"Kilala ko na siya," ani Regine. Kilala naman talaga ang designer na ito. Si Claudio Peregrino ay isang celebrity couturier. Suki nito ang mga artista, pulitiko at mga fashion geek. "Pero first time ko po kayong nakita nang personal."

Ngiti ang itinugon sa kanya ng designer.

Pinagsukat siya ng iba't ibang gowns sa mga sumunod na sandali. Tinatanong sila ni Error kung anong klaseng alteration ang nais gawin.

Always Be My FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon