"PINSAN, sino ang kasama mo kanina sa library?"
Nagulat si Regine sa tanong na iyon ni Valerie. Pinsang-buo niya ang babae, magkasing-edad at magkasing-size din sila. Ulilang lubos na si Valerie at sampung taon na rin nila itong kasa-kasama sa bahay. Ang mga magulang niya ang nagpapaaral dito. Third year na sa kursong psychology si Valerie. Tunay na kapatid ang turing nilang magkakapatid sa babae.
Dati ay magka-share sila sa kuwarto ngunit nang mag-asawa ang panganay nilang kapatid na si Carine tatlong taon na ang nakalilipas ay napunta dito ang kuwarto ng ate niya.
Kakarating pa lamang ni Valerie galing sa school at hindi pa nakapagpapalit ng uniporme. Mukhang iniwan lamang nito ang gamit sa kuwarto saka dumiretso sa kuwarto ni Regine. Bisi-bisihan pa naman si Regine sa pagba-browse sa internet. Nakapuwesto siya sa computer table na katabi lamang ng kanyang kama.
"Si Therese?" maang niyang sagot kay Valerie na umupo sa gilid ng kama. Hindi niya nililingon ang pinsan.
"Parang hindi ko kakilala si Therese," may irap na bira sa kanya ng pinsan.
"Ah si Error?" Kunwari ay wala lang sa kanya ang sinabi.
"Error?"
"Oo, si Error at Therese lang naman ang kasama ko sa library kanina."
"Error?"
"Unli lang? Paulit-ulit?"
"Error . . ."
"Hala, hindi ako nag-error nung sinabi kong Error ang pangalan niya." May hinuha na si Regine kung bakit inuulit-ulit ni Valerie ang pangalan ng lalaki.
"Iisang Error lang ang kilala ko sa mundo, Regine."
"Sino ba ang naiisip mo?"
"Sino pa? E di ang boyfriend mo nung mga babies pa kayo," tudyo nito sa kanya.
"Hala ka, sira-ulo ka talaga, pinsan!" Natatawang sabi niya sabay bato sa nahagilap na unan.
Natawa din si Valerie.
"Siya na ba 'yon?"
"Duda ko."
"Duda? As in hindi mo pa sigurado?"
"Hindi pa kami masyado nakakapag-usap."
"Aw, pero mukhang close na kayo kanina ah?"
Namula si Regine. Ano kaya ang nakita nitong si Valerie?
"Magkahawak-kamay kaya kayong dalawa nung makita ko. Mukhang may something," nanunukso ang mga mata ni Valerie.
"Grabe ka, pinsan! Walang gano'n!"
"Deny pa, 'yung tinginan ninyo kanina, ang lagkit!"
Napatayo si Regine. Totoo ba ang sinabi ni Valerie. Napaka-obvious ba na naaapektuhan siya ng charm ng lalaki?
"Pinsan!" naiinis niyang bulalas kay Valerie.
"Ang guwapo niya, in fairness, pinsan. Hindi naman nakapagtataka. Supercute niya nung bata siya, di ba?"
Hindi makasagot si Regine.
"Affected much? Ang pula-pula na ng cheeks mo!"
"Pinsan, tigilan mo na ako!"
"Paano na si Xavier niyan?"
Hinila niya patayo si Valerie at itinulak palabas ng kanyang kuwarto. Tawa nang tawa ang kanyang pinsan sa reaksyon niya.
"Bawal na muna tayong mag-usap, pinsan," aniya kay Valerie bago isinara ang pinto.
Ramdam pa rin niya ang pag-iinit ng pisngi. Kinumpirma pa niya sa pagharap sa salamin kung gaano kapula ang kanyang pisngi. Tama nga yata si Valerie, libreng blush on ang nasa kanyang pisngi.
Bakit ganoon? Masyado yata siyang naapektuhan sa panunukso ng pinsan. Naalala niyang tinukso din siya nito nang todo noong unang beses siyang pormahan ni Xavier. Hindi naman siya ganito kaover-reactive.
Natatakot yata siya sa nararamdaman ngayon.
***Please feel free to comment and vote if you like the story. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!

BINABASA MO ANG
Always Be My First
Mystery / ThrillerWalong taon nang huli silang magkita. At nang magkrus muli ang kanilang landas ay ikakasal na si Error Rebellon. Si Error na sa pangalan pa lamang ay isa ng malaking pagkakamali. Si Error na ang pinagmulan ay hindi matatanggap ng kanyang angkan. Si...