Untimely

270 19 12
                                    



LUNES pa lamang ay namalas na niya ang pagtatangka ni Xavier na makalapit sa kanya. Subalit tila nagbabago ito ng isip kapag nasa harapan na niya.

May ideya na si Regine kung ano ang posibleng pakay ni Xavier dahil sa nabanggit ng papa nito.

Miyerkules nang sa wakas ay natiyempuhan siya ni Xavier sa display area ng library habang nagbubuklat-buklat siya doon ng libro. Si Therese ay iniwanan niya sa reading area.

"Regine," nahihiyang sabi nito sa kanya.

Nakatingin siya sa lalaki, naghihintay sa sasabihin nito.

"Birthday ni Mama bukas. Gusto ka niyang makita."

"Alam na ba nila na –"

"Alam na nila. Pero sana kahit bilang kaibigan, baka puwede mo naman akong pagbigyan?"

Hindi kaagad siya nakasagot, nakatitig pa rin siya sa mukha ni Xavier. Naroroon pa rin ang kalungkutan sa anyo nito.

"S-sige," kapagkuwa'y sagot niya.

Nagliwanag ang mukha ni Xavier at tila hindi nito napigilan ang sarili na sinunggaban siya at mahigpit na niyakap.

"Maraming salamat, Regine. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayong araw na ito."

Hindi siya binibitawan ni Xavier. Bahagya niyang niyakap na din ang lalaki.

Sa ganoong tagpo ay nakita niya ang pagsulpot sa unahan ni Error. May dala-dalang aklat ang lalaki.

Saglit na nagtama ang kanilang mga paningin. Halatadong nagulat si Error sa nakitang eksena. Nagdilim ang reaksyon nito.

Saka din sumulpot si Therese sa kabilang side sa unahan at kaharapan ngayon ni Error. Sinundan nito ang direksyon ng paningin ng lalaki at nakitang marahan siyang kumakawala sa pagkakayakap ni Xavier.

Hindi pinansin ni Error si Therese. Nilagpasan nito ang babae na mabibigat ang mga hakbang. Nang lumingon si Xavier sa gawi nina Therese ay nakaalis na ang lalaking karibal.

"Regine, nagtext ako sa 'yo. Pinapauwi na ako ni Mama," ani Therese na patay-malisya sa nakita.

"S-Sorry. Naiwan ko ang phone ko sa bag. Na-empty na ako, eh," sinalubong niya ang kaibigan.

"So, ano? Mauuna na ba ako?"

"Hindi, uuwi na rin ako," aniya. Hindi siya mapakali. Nababahala siya dahil sa eksenang nakita ni Error at sa naging reaksyon ng mukha nito. Ngayon lamang niya nakita ang matalim na tinging iyon ng lalaki.

"Regine." Narinig nilang pahabol ni Xavier.

Magkasabay pa silang lumingon ni Therese.

"Bukas?"

Marahang tumango si Regine.

Magkasabay na silang naglakad ni Therese palabas sa display section.

"Okay na kayo?" untag sa kanya ni Therese.

Mapaklang ngumiti si Regine.

"Mabuti naman kung ganoon," sabi ng matalik niyang kaibigan. 


***Please feel free to comment and vote if you like the story. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!

Always Be My FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon