MANGIYAK-NGIYAK siya habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin. Dama pa niya ang init ng halik ni Error. Gusto niyang hugasan ang labi, magmumog sana ngunit nanatili lamang na nakabukas ang gripo.
Mali ang ginawa ni Error na paghalik sa kanya subalit matindi ang epekto noon sa puso niya. Sabagay ay hindi na siya makikipagkita pang muli kay Error, hahayaan na lamang niyang nakapagkit sa labi at sa kanyang bibig ang tamis ng nakaw na halik nito.
"Umiiyak ka ba?" usisa ni Valerie nang mapansing namumugto ang mga mata niya paglabas niya sa banyo.
"Hindi, medyo napuwing lang ako," kaila niya.
"Dalawang mata, sabay na napuwing?"
Hindi na siya sumagot pa. Dumiretso na siya sa kuwarto at naupo sa kama.
Kinabukasan ay isang text message ang natanggap niya: Remember the kids at San Isidro Cathedral? The boy chased after the girl and kissed her several times while they were together in the church.
Hindi pa pala tapos si Error. Hindi niya alam kung ano ang pinaplano ng lalaki. Parang hindi na niya kilala ang dating kasintahan.
Nagreply si Regine: Move on. Tigilan mo na ako, Error.
Sumagot si Error: Iyon ba talaga ang gusto mo?
Sumagot si Regine: Please. Isang pagkakamali na muli pa tayong nagkita.
Sumagot si Error: So this is goodbye?
Sumagot si Regine: Goodbye, Error.
Tumulo na naman ang luha sa mga mata ni Regine. Iyon na yata ang pinakamasakit na pakikipagpalitan niya ng text messages.
Gaano kaya niya katagal na iindahin ang sakit nito? Sa totoo lamang, matapos silang magkahiwalay ni Error, isinarado na ni Regine ang puso para sa kahit sinong nagkakainteres sa kanya. Isang lalaki lamang yata talaga ang kayang mahalin ng kanyang puso. At ngayong huli na upang bawiin ang lalaki, hindi niya alam kung titingin pa siyang muli para sa isang bagong pag-ibig.
Hindi na nagreply pa si Error.
Lumipas ang mga araw, hindi na nga siya ginulo ng lalaki.
***Please feel free to comment and vote if you like the story. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!
BINABASA MO ANG
Always Be My First
Mystery / ThrillerWalong taon nang huli silang magkita. At nang magkrus muli ang kanilang landas ay ikakasal na si Error Rebellon. Si Error na sa pangalan pa lamang ay isa ng malaking pagkakamali. Si Error na ang pinagmulan ay hindi matatanggap ng kanyang angkan. Si...