Jealous

325 25 21
                                    



NAGKASUNDO sila ni Error na magkita sa isang restaurant sa Makati. Nauna pa siyang dumating sa lalaki. Pumuwesto muna siya sa isang bakanteng mesa doon. Tumawag si Error at sinabi niya kung nasaan siya.

Mayamaya pa ay dumating na si Error. Hindi ito nag-iisa, kasama nito ang babaeng kasama noon sa pictorial. Nakaramdam na ng pagkaasiwa si Regine. Hindi binanggit ni Error na isasama nito ang fiancée.

"Regine, this is Nicka. And Nicka, this is Regine," pagpapakilala sa kanilang dalawa ni Error.

Atubili pa si Regine na tanggapin ang kamay ni Nicka na inabot sa kanya.

"So this is Regine you've been talking about for a long while," ani Nicka.

Namula na naman si Regine. Ikinukuwento pala siya ni Error sa kasintahan. Ano kaya ang mga sinasabi nito tungkol sa kanya?

"Don't you worry, wala akong sinabing hindi maganda tungkol sa 'yo, Regine," maagap na sabad ni Error.

"Ano naman ang dapat mong ikuwento tungkol sa akin?"

"Well, ikaw daw ang kauna-unahang crush niya. Mula pa pagkabata hanggang sa mag-college kayo," sabi ni Nicka.

Nagtama ang mga mata nila ni Error. Ganoon na ka-open ang lalaki sa kasintahan nito. Indikasyon ba iyon na totally ay malaya na ang lalaki sa dating nararamdaman nito para sa kanya. Mabuti pa si Error, nakamove-on na pero siya . . .

"Good thing, Regine na hindi ka nagkamali na magka-crush din dito kay Error," natatawang sabi ni Nicka.

Mukhang walang ideya si Nicka sa naging nakaraan nila ni Error. Hindi pala lahat ay naikuwento ni Error sa kasintahan nito. Kung alam lamang ni Nicka, higit pa sa crush ang pagtinging iniuukol niya sa lalaki.

"Error is a very good friend," aniya kay Nicka.

Tahimik silang kumain.

Paminsan-minsan ay nagtatama ang kanilang paningin ni Error.

Maasikaso si Error sa nobya. Naalala tuloy niya noong sila pa ni Error. Halos subuan na siya ng lalaki. Ngayon, si Nicka ang mapalad na babaeng pinagtutuunan ng pansin ni Error.

Nahihirapan tuloy siyang i-appreciate ang masarap na pagkain. Parang sumisikip ang kanyang dibdib.

"Regine, are you aware that this guy is a man of surprises?" bida ni Nicka nang makatapos silang kumain.

"Ganoon ba? Hindi pa rin pala siya nagbabago," ani Regine.

"Believe it or not, we are getting married and yet, hands off ako sa lahat ng preparation. Ni hindi ko pa alam kung ano ang susuutin ko, wala akong say sa motif o sa design ng venue. He wants to keep me clueless sa lahat-lahat. Gusto daw kasi niyang maging memorable ang araw na iyon para sa aming dalawa."

Namangha siya sa narinig mula kay Nicka. Gusto niyang mainggit sa kapalaran nito.

"Regine, I guess you can help me to make sure everything will be perfect for that great day. Kilala mo ako, iilan lang talaga ang kaibigan ko," seryosong sabi sa kanya ni Error.

Napanganga na naman si Regine. Mukhang gagawin pa siyang instrumento ni Error para mas maging masaya ang araw ng kasal nito. Paano ba niya sasabihin kay Error na unti-unti ay nadudurog ngayon ang puso niya?

"Maaasahan ba kita, Regine?" masuyong sabi ni Error.

Naghihintay ng sago tang dalawang kaharap niya.

"O-Of course," napilitang sagot niya. Uminom siya ng tubig upang paluwagin ang nagsisikip na dibdib.

"See, sinabi ko na sa 'yo, Babe. Regine will be very happy to help me."

Kamuntik nang maibuga ni Regine ang tubig na nasa bibig. Bahagya siyang inubo at pakiramdam niya ay pumasok sa ilong niya ang tubig.

Maagap naman siyang dinaluhan ni Error, inabutan siya ng tissue paper.

"Are you alright?" anito.

Napapahiyang tumango si Regine.

Bakit ba Babe din ang term of endearment ni Error para kay Nicka, wala na ba itong alam na ibang bokabularyo?

Natapos ang gabing iyon na nagpupuyos ang damdamin ni Regine. Umiiyak ang puso niya sa ka-sweetan nina Error at Nicka sa isa't isa.


***Please feel free to comment and vote if you like the story. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!

Always Be My FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon