Nang siya ay lumingon, ang nakangiting mukha ni Nicka ang sumalubong sa kanya. Hindi rin nakabihis pangkasal si Nicka.
"A-Ano 'to?" tanong niya sa babae.
Hindi siya sinagot ni Nicka, bagkus ay iginiya siya nito patungo sa aisle at inihatid hanggang nasa harapan na siya ni Error.
Bago umalis si Nicka ay may kinuha ito sa isang upuan at iniabot sa kanya, isang glossy magazine iyon.
"Tingnan mo ang pictures namin ni Error. Print model ako at isa si Error sa mga bachelors na nafeature sa fashion magazine na 'yan. You should be proud of him."
Binuklat niya ang magazine, mga picture ng iba't ibang modelong naka-pangkasal ang mga naroroon.
Napanganga siya sa reyalisasyon.
"Hindi ko type si Error. I am already engaged with his cousin Enrik. Kinuntsaba lang niya ako to get you. Hindi ko type ang mga lalaking nakakatakot ang mga surpresa sa buhay," natatawang sabi ni Nicka. "I'm really sorry for being part of this."
Iniwan na sila ni Nicka.
Parang gusto na naman niyang mainis kay Error.
"Ikaw ang may kagagawan kung bakit lumuwas sa Manila sina Papa?"
"Ang hirap mo kasing hanapin. Bumalik ako sa Bukidnon pero hindi kita makita. Ikinuwento ko sa kanila ang mga nangyari sa atin. Ang sabi ni Papa, kailangan daw na pakasalan kita."
Nahagip ng kanyang paningin ang kinaroroonan ng kanyang Mama at Papa. Nasa tabi ng mga ito ang kanyang Ate Maxene at si Delvin. Nakapuwesto na rin ang mga ito sa mga upuang naroroon. Kumaway ang mga ito sa kanya.
"Kailan pa kayo naging close ni Papa?" Hindi siya makapaniwala sa narinig.
"Last week lang, doon ako nag-stay sa bahay n'yo sa Bukidnon. Doon nila ako pinatulog sa kuwarto mo. At bilin ni Papa, bigyan daw natin siya ng maraming apo. Pero paano ko gagawin 'yun kung tinataguan mo ako?"
"Sinabi talaga 'yun ni Papa?"
"Tanong mo pa sa kanya," kinindatan siya ni Error.
Inirapan niya si Error. "Malaki ang atraso mo sa akin. Tama si Nicka, nakakatakot ang surpresa mo. Ang sakit-sakit kaya nung ginawa mo."
Lumuhod si Error sa harapan niya. Naghiyawan ang mga tao.
"Sorry na. Wala naman talaga ito sa plano. Ang gusto ko lang naman, habulin mo ako. Gusto ko, ipaglaban mo ako. Pero parang palagi ako ang naghahabol sa 'yo. Tapos pinagtaguan mo pa ako."
"Ayoko lang kasing makasira sa relasyon n'yo ni Nicka. Akala ko, huli na para habulin pa kita."
"Ibig sabihin ba niyan, tanggap mo na ang susunod na magiging kapalaran mo bilang asawa ko?"
Natigilan si Regine. Tama pa bang mainis siya kay Error sa surpresa nito? E para nga siya ngayong nasa isang fairy tale. Siya ang prinsesa at si Error ang prinsipe.
"Error, pakasalan mo ang pinsan ko! Me investment ka na, me junior ka na diyan sa tiyan ni pinsan!"
Nagulat silang lahat sa malakas na sigaw ni Valerie.
Namula siya sa kataklesahan ng pinsan, talagang inianunsyo sa karamihan ang pagbubuntis niya.
Napatayo si Error. "Totoo ba 'yun, Babe?"
Atubili siyang tumango. Hindi siya makatingin nang diretso kay Error.
"Pa! Me apo ka na, o!" sigaw ni Error sa direksyon ng papa niya.
Nag-thumbs up naman bilang approval ang matandang lalaki.
"Dalawa na pala kaming Rebellon ngayon na makikiusap sa 'yo, Regine," masuyong sabi ni Error. "Will you be my wife and mother of my kids, my beloved babe? Bawal tumanggi."
Muli niyang inirapan ang lalaki. "Wala naman akong choice."
"Walang choice?"
"Mga bata pa lang tayo, ikaw na ang gusto ko, Error. Hanggang ngayon, kung hindi rin lang ikaw, wala na akong iba pang pipiliin."
Nagningning ang mga mata ni Error. Niyakap siya nito nang mahigpit.
"I love you so much, Regine!"
"I love you too, Error!"
"O tama na 'yan! Baka puwede na tayong magpalit ng mga damit. You don't wish to be wedded in that ordinary attire. Sayang naman ang ginastos sa wedding costumes!" sigaw ng baklang wedding coordinator.
May humila sa kanyang dalawang babae. Dinala siya sa isang tent sa isang banda at doon ay tinulungan siyang makapagpalit ng damit. Suot niya ang napili niyang muslim wedding dress at ang kapares nitong sapatos.
Mabilisan ang kilos ng lahat. Tila may hinahabol. Ngunit tila organisado naman ang lahat.
Maya-maya pa ay pumailanlang na sa ere ang Pachelbel Canon.
Ang magandang bride ay naglalakad sa aisle kasama ang kanyang mga magulang. Sa harap ng altar, naghihintay ang nag-iisang Error na kailanman ay correct sa puso ni Regine.
THE END
***If you made it this far to finish my story, my heart goes to you. Thank you so much.
***Please do not forget to vote if you enjoy the story. Feel free to comment. Follow me and I will follow you back. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!
Dedicated to @mlovej4 and @willor4angels who stayed in the journey til the end of this story.
BINABASA MO ANG
Always Be My First
Mystery / ThrillerWalong taon nang huli silang magkita. At nang magkrus muli ang kanilang landas ay ikakasal na si Error Rebellon. Si Error na sa pangalan pa lamang ay isa ng malaking pagkakamali. Si Error na ang pinagmulan ay hindi matatanggap ng kanyang angkan. Si...