Watcher

243 22 10
                                    



HINDI na sila bumalik pa sa University. Nagtext siya kay Therese na kinailangan niyang umuwi. Hindi naman siya nagawang ihatid ni Error sa tapat ng kanilang bahay; sa kabilang kanto siya ibinaba ng lalaki minsan pa.

Ang mabalasik na anyo ni Valerie ang sumalubong sa kanya nang makarating siya sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Nakatayo ito at nakaharang sa harap ng kuwarto niya. Subalit umusod naman ito at binigyan siya ng espasyo upang makapasok sa kuwarto. Kasunod niyang pumasok ang pinsan.

"Nakita ko kayong magkasama ni Error kanina sa school," anito.

Hindi siya kumibo.

"Pinsan, alam mong pinagbabawalan ka ni Papa na makipagkita pa kay Error, di ba?"

"Isusumbong mo ba ako?" tanong niya sa pinsan.

"Wala akong plano, pero nagpapaalala lang ako na mas mabuti kung susundin mo na lang si Papa."

"Hindi ko kayang sundin si Papa," aniya.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie. "Pinsan, ano bang sinasabi mo? Kapag nalaman ni Papa na sinusuway mo siya, naku, parehas tayong malilintikan."

"Hindi na ako puwedeng humiwalay kay Error."

"At bakit hindi?"

"Basta . . . Si Error lang ang gusto ko."

"Patay tayo diyan, pinsan!" Hindi makapaniwala si Valerie. "Para kang ginayuma ng lalaking 'yun a? O baka naman . . . may nangyari na sa inyo?"

Hindi ulit kumibo si Regine.

Doon na napabulalas si Valerie. "Oh my GOD! Huwag mong sabihing totoo ang sinabi ko?"

Hindi pa rin kumibo si Regine.

"Pinsan?"

Tumango na si Regine.

"Hala ka, pinsan! Ano itong ginawa mo? Ikaw ang huling taong naiisip kong gagawa ng ganoon dahil ni minsan ay ni hindi kita nakitang kumerengkeng kahit kanino. Walanghiyang Error na 'yan! Ano'ng ginawa niya sa 'yo!"

Halatang mas namumurublema si Valerie sa kanya.

"Mahal ko si Error, 'yun lang ang alam ko."

"Okay, mahal na kung mahal. Pero bakit naman ang bilis mong bumigay sa kanya!"

"Hindi ko alam, basta wala na naman akong magagawa ngayon kundi panindigan 'yung nagawa ko na."

"Paano kung mabuntis ka?"

"Bahala na. Baka sumama na lamang ako kay Error kung hindi rin lang siya matatanggap nina Papa."

"Grabe, pinsan. Mukhang buo na pala pati ang plano n'yo?"

"Pinsan, please lang. Huwag ka sanang magsusumbong kay Papa. Nahihirapan na rin naman ako e. Kung hindi niya pinakitaan ng pangit si Error, baka hindi nangyari ang bagay na ito sa amin. Masyadong naging magulo ang isip at puso ko dahil sa ginawa niya kay Error."

Napabuntung-hininga na lamang si Valerie. Alam ni Regine ay mapagkakatiwalaan niya ang pinsan niya.


***Please feel free to comment and vote if you like the story. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!

Always Be My FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon