Goodbyes

239 22 10
                                    



KINAKATOK siya ng kanyang Mama. Malalakas ang pagtuktok nito. Naikandado pala niya ang pinto at nakatulog siya nang hapong iyon.

Wala namang pasok dahil araw ng Sabado. Medyo puyat pa siya noong mga nakaraang gabi dahil may mga exam sila sa nagdaang linggo.

Tumatawag din ang kanyang Mama. Mabilis siyang bumangon at pupungas-pungas na binuksan ang pinto.

"Ma, bakit ba?"

"'Yung Papa mo, nasa baba, kausapin mo nga," nanginginig ang tinig ng ina.

"Anyare kay Papa?" takang-tanong niya sa ina.

"Puntahan mo na, bilisan mo!"

Kunut-noo siyang tumalima. Medyo inaantok pa talaga siya at hindi niya alam kung nasa tamang huwisyo na siya sa mga sandaling iyon.

Nakita niya ang ama na nakaupo sa salas.

Namumula ang kutis ng ama, mukhang nakainom ito. Ngunit ang mas ipinagtaka ni Regine, parang umiiyak ang kanyang papa?

"Pa? Ano'ng nangyayari?"

Nag-angat ng mukha ang kanyang ama. May luha nga sa mga mata nito.

"Hindi ko sinasadya, Regine!" sabi ng kanyang Papa.

"Hindi sinasadya? Ang alin?"

"Hindi ko sinasadya. Gusto ko lamang namang takutin si Error para layuan ka niya. Ayoko kay Error para sa 'yo. Alam mong pinagbabawalan kita na lumapit sa kanya. Pero matigas ang ulo mo. Kaya pinuntahan ko si Error para layuan ka na niya. Wala akong ibang intensyon na makapanakit ng ibang tao."

Parang natauhan na si Regine. Tila umiikot ang paligid niya sa sa kumpesyon ng ama.

"Ano'ng ginawa mo kay Error!"

"Hindi ko sinasadya, Regine. Patawarin mo ako."

"Pa, ano'ng ginawa mo kay Error!"

Hindi sumagot ang ama, bagkus ay humagulgol ito ng iyak.

Nagpa-panic na bumalik sa kanyang silid si Regine. Hinanap niya ang kanyang celfone. Idinayal niya ang numero ni Error. Nag-ring ang phone nito at kaagad na may sumagot sa kabilang linya.

"Babe . . ."

"Error, ano'ng nangyari sa 'yo? Ano'ng ginawa sa 'yo ni Papa?"

Narinig niyang umiiyak si Error.

"Error! Error, please ano'ng nangyayari sa 'yo!"

Umiiyak pa rin si Error.

"Babe, si Lola, wala na si Lola . . ."


***Please feel free to comment and vote if you like the story. Do not plagiarise. Thanks and happy reading. God bless!

Always Be My FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon