Chapter 4-Revealed-

56 3 0
                                    

Chapter 4 -Revealed-

Azaie POV

Hays. Umaga na naman.

Bumaba na ako para kumain at mag handa. Mga 20 minutes lang ay tapos na ako kaya umalis na ako at nilock ang bahay.

Parang gusto ko mag bike since maaga naman ako.

Bike o mamamasahe?

Sige bike nalang!

Agad kong kinuha yung bike at sumakay.

Mga 15-20 minutes lang naman kapag ibibike ko papunta sa school.

Papalabas na sana ako ng subdivision ng may makasalubong ako.

Not now please.

"Hay nako sira na araw ko."-Parinig ni Azy

Nag bibike din pala siya? Edi ba anak mayaman siya? May kotse sila!

"Eh ano pa kaya yung akin?"-Sabi ko

Binilisan ko ng onti ang pag bibike. Kaso wala eh. Pinanganak siyang epal eh.

Hays.

"Bakit ba inis na inis ka sakin Azaie?"-Tanong niya out of the blue

Aba aba? Sinong di mainis? Pangalan palang niya kaasar asar na.

"Dahil sa pangalan ko na 'Kyle?'"-Nakangising tanong niya

Mas binilisan ko nalang ang pag bibike at iniwan siya. Ng makarating din ako sa school ay agad kong ipinark yung bike ko tyaka nilock.

Mas nadadagdagan ang badtrip ko sa kanya!

Dali dali akong umakyat papunta sa room at binalibag ang gamit ko sa upuan.

"Aba nene. Anong meron?"-Tanong ni Crystal

Bumuntong hininga ako.

"Si Kyl--Azy kasi. Sarap ibaon sa lupa!"-Sabi ko na gigil na gigil

Tumawa naman si Crystal.

"Wag na kasing bitter sa pangalan na 'Kyle' bes! Limot limot na aba! 2018 na oh!"-Sabi ni Crystal

Iniwas ko nalang ang tingin ko.

"Tapos na yun Crystal. Wag mo na ulit sasabihin pa."-Seryosong sabi ko

Itinaas naman ni Crystal ang dalawa niyang kamay na para bang nasuko.

Dumating na si Sir kasama si Azy. Tapos nag uusap sila. I don't care.

"Good morning everyone. Before I introduce some topics in Pre Cal, I'd like you to meet your two new classmate."-Sabi ni Sir

Kumunot naman ang noo ko. Sino na naman sila? Baka cancer din yan katulad nitong nasa tabi ko?

May pumunta sa harapan. Dalawang lalaki. Familiar yung isa pero yung matabang maitim na lalaki ay hindi.

"Introduce yourselves."-Sabi ni Sir

Umabante naman yung may familiar na mukha na lalaki.

"Hello! I'm Jiero Suazon. 17 years old. Currently found my better half."-Sabi nung Jiero habang nakatingin kay Crystal na nag susulat

Malas mo naman toto.

Umabante na din yung maitim na mataba. Okay di ako judgemental. Yun talaga nag dedescribe sa kanya eh.

"Jon Sel. 17."-Sabi ni Jon Sel

Okay. Di talaga ako judge mental pero mukhang masama ugali nitong nahuli.

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon