Chapter 30-Part time-

18 3 0
                                    

Azaie POV

Nasa kotse ako ngayon nila Kyle dahil pinasundo daw ako. Nandoon na silang tatlo kanina pa kaya hiyang hiya ako kasi naman sinundo pa ako.

Pag dating ng sasakyan sa kompanya ay agad akong tumakbo papasok. Sabi nila nasa 5th floor daw sila. Ang daming taong nag eelevator at palaging over loaded! No choice kung hindi ang akyatin ito mula 1st floor hanggang 5th floor. Pag dating ko sa 5th floor ay agad akong tumakbo papunta sa pinaka dulong room kung saan nandoon daw sila Kyle.

Pag katok ko ay pumasok na ako.

"Sorry po late ako." Sabi ko agad kay Big boss

Tumango kang ito. Dahan dahan naman akong pumunta sa tabi ni Crystal.

"Ayan. Late night talks pa with Kyster." Pang aasar sakin ni Crystal

Sinamaan ko lang ito ng tingin.

"Ngayong kumpleto na kayong apat gusto kong libutin niyo ang buong area. Be familiar with all of departement. Alam na ni Kyle yun kaya naman siya ang magiging guide niyo." Sabi ni Big Boss

Tumango naman kami. Mayamaya ay umalis na ito. Nakahinga naman ako ng maluwag.

Grabe di pala siya katulad ni Chairman Andy. Di ko siya pwedeng birubiruin.

"Ano ha? Kung hindi ka pa ipapasundo di ka pa magigising." Sabi ni Kyle na inayos nag gamit niya

Sinimangutan ko lang ito.

"Tara na pala. After ng tour ay bibigay na satin yung eencode natin." Sabi ni Kyle

Una kaming nakarating sa finance department.

"Obviously, they are assigned to manage the money of the company." Sabi ni Kyle

Tumango naman kami. Saglit lang ay nakadating na kami sa isang department. Sobrang nag mamadali ang mga kilos ng mga tao dito. Aligaga silang lahat sa pag pasa pasa ng mga papel.

"They are the Research and Development department. Puro mali kasi ang mga draft nila kaya ganyan sila kaaligaga. Big boss is really strict when it comes to research." Sabi ni Kyle

Di ako pwede dyan. Baka mas lalo silang mag kagulo sa mga ipapasa kong ideas. HAHAHAHA!

Sunod kaming nag punta sa Production Department.

"May station sa loob nyan. Di naman siguro tayo pupunta sa loob dahil di tayo expert sa pag buo ng products." Sabi ni Kyle

Sunakay kami ng elevator papuntasa third floor. Ang over loaded talaga! To the point na dumidikit ang braso ni Kyle sa braso ko! Pag bukas palang ng elevator ay agad akong lumabas.

"Purchasing, Markenting and Human Resource Management is in this area. Sabi ni Big Boss wag na daw ikutin ito dahil kung busy ang nasa taas, mas busy naman sila." Sabi ni Kyle

"Saang department tayo?" Tanong ni Crystal

Ngumisi ito sa amin.

"Research and Development department." Sabi ni Kyle

Oh gash!

"Uy makakatulong yan sa Practical Research natin sa susunod na sem!" Sabi ni Jiero

Hays! Sige okay na din! Experience din naman.

"Before we go there, mag lunch muna tayo." Sabi ni Kyle

Bumaba na kami kung nasaan ang canteen.

"Yung mga apo ni Big Boss oh."

"Nandito pala ang dalawang young master."

"Nandito siguro sila para maging intern."

Ilan lang yan sa mga bulungang naririnig ko.

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon