Chapter 67-The Truth Untold PT 1-

23 2 1
                                    

Kyle Azy POV

Maaga akong nagising para pumasok sa hospital. Mabilis akong nag shower at isinuot ang puti kong polo at itim na slacks. Isinuot ko rin ang itim leather shoes.

Nang bumaba ako ay si Big Boss lang ang naabutan ko sa sala. Nasasabi kong nag kakape siya dahil may nakapatong na tasa ng kape sa tapat na table niya.

"Good morning, Lolo." Nakangiti kong bati kay Lolo

Tumango naman siya sa akin at minuwestra ang tapat niyang sofa.

"Wala na bang topak ang apo ko ngayon?" Pabirong tanong ni Lolo

Napaiwas naman ako sa kanya ng tingin kaya tumawa siya.

"Mukhang bumabalik ang Kyle ba kilala ko eight years ago ah? Dahil ba nakita mo na ulit ang babaeng mahal mo?" Natatawang sabi ni Lolo

"Lolo…" nag babantang tinig ko

Napailing iling naman siya sa aking tumitig.

"Hindi ko lang po talaga nagustuhan ang sinabi ni Jiero. Aminado naman talaga akong may kasalanan ako sa kanya, totoong mag kakabit ang bituka namin tapos bigla ko siyang iniwan." Saad ko "Mahirap sa kalooban kong iwan sila, pero kailangan." Saad ko at tumingin sa malayo

"Magiging ayos rin ang lahat, apo ko. Paskong pasko naman ang lungkot natin!" Sinubukan ni Big Boss na pasayahin ang tono niya "Umuwi ka ng maaga ha? Dahil nasira ang dinner kagabi ay uulitin natin yun. Sana wag ka nang toyoin ulit." Natatawang sabi ni Big Boss

Sinimangutan ko naman siya.

"Hindi ako sure kung makakarating ako, Big Boss. Alam niyo naman ang schedule sa hospital, minsan maluwag at minsan hindi. Sunod sunod pa ang operasyon. Bukod doon, kung may bakanteng oras naman ako ay aaralin ko ang mga negosyo natin." Saad ko

"Apo baka nalilimutan mo kung ilang taon ka na?" Tanong ni Lolo

Kunot noo ko naman itong tinignan.

"Ano namang kinalaman noon sa sinabi ko, Lo?" Tanong ko

Napatawa naman siya kaya mas lalo akong naguluhan.

Anong connect?

"Wala ka bang balak mag asawa? Puro hospital at negosyo ang inaatupag mo." Nangangaral na tono ni Lolo

Mas lalo akong napasimangot kay Lolo.

"Twenty-five lang ako, Big Boss. Tyaka hindi ako nag mamadali." Saad ko

Paano naman ako mag aasawa eh hindi ko nga maayos ang sarili ko? Wala pa rin sa huwisyo ang puso at isip ko!

"Gusto ko na ng apo, Kyle. Paano kung hindi ko na siya maabutan?" Saad ni Big Boss

Sa mukha ng Lolo ko ay para bang nag mamakaawa ito. Akala mo nanghihingi lang na mag pakasal ako sa Wedding Booth.

"Huwag naman po kayo mag salita ng ganyan. Kaya nga po kayo nag undergo ng treatment eh. Tyaka may apo na kayo kay Azaie, hindi pa ba sapat yun?" Inis kong sabi

Napakunot naman ang noo ni Big Boss.

"Are you talking about Azmarie?" Tanong ni Big Boss

Tumango ako bilang tugon. Napatingin naman ako sa relo ko. Hudyat na ng pag alis ko.

"Bye, Lo. Maaga pa ako sa ospital. Bibilinan ko si Lolo Andy para mapainom kayo ng gamot." Saad ko

"Dinamay mo pa ang kapatid ko. Sige na. Iintayin kita mamaya." Saad ni Big Boss

"I didn't promise anything, Big Boss." Saad ko at lumakad na paalis

Kaagad akong nag tungo sa main door ng may marinig ako.

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon