Chapter 56-Your Precious Eyes-

23 4 0
                                    

Azaie POV

Nag lalakad ako papasok sa school ng umugong ang mga bulungan ng mga estudyante.

"Nakita niyo ba yung eksena sa parking?"

"Break na nga si Azaie at Kyster! Bakit kaya?"

"Baka narealize ni Kyster na di sila bagay ni Azaie kasi mababang uri lang ang pamilya nila."

"Andoon din si Kyle ah."

"Nag kataon lang siguro yun kasi nag papark din siya ng bike."

Lintek na mga bulungan yan.

"Azaie.."

Isa ka pa!

"Ano ba?! Hindi mo ba ako titigilan?!" Inis kong tanong kay Kyle

Pinantayan ako nito sa pag lalakad.

"Nag almusal ka na? Tara, gutom na ako." Pag aaya niya

Hindi makapaniwala ko naman itong nilingon.

"Suazon?!" Inis kong sabi

Ngumiti naman ito.

"Klarkzion?! HAHAHA tama na nga ito. Nagugutom na ako." Saad niya at hinili ang kamay ko

Peste!

"Tigilan mo nga ako!" Inis kong sabi habang nag pupumiglas sa kamay niya

Hindi ako pinansin nito hanggang sa makapunta kami sa cafeteria.

"Anong gusto mo? Libre ko na." Saad ni Kyle

Sinamaan ko ito ng tingin dahil kanina pa ito ngiting ngiti.

"Okay kung anong sakin yun nalang din ang sayo." Nakangiting sabi niya tyaka omorder

Matapos niyang omorder ay dumiretso kami sa table.

"Kain na. Mag uumpisa na ang klase." Saad ni Kyle at ngumiti pa

Tss. As if namang may magagawa ako diba?

"Girls, tignan niyo oh. Mag kasama na naman sila."

"Akala ko ba mag kaaway sila?"

"Dati na silang mag kaaway. High school palang. Tapos nag bati. Tapos nag away ulit. Tapos ayan bati na ulit sila."

"Ang gulo naman!"

Inis kong tinignan yung mga nag bubulungan kaya napaiwas sila ng tingin sa akin. Ibinalik ko kay Kyle ang tingin ko.

"Kita mo na? Tigilan mo na nga ako Azy!" Inis kong sabi sa kanya

Tumawa lang ito na parang baliw.

"Hindi naman yan ang Azaie na kilala ko. Hindi yun basta basta nag papaapekto." Saad niya tapos kumain na siya

I rolled my eyes.

"People supposed to change." Maikiling tugon ko

Tinignan niya naman ako ng diretso sa mata. Napako rin ang mata ko sa kanya. Parang hinihigop ang mata ko para tumitig sa kanya!

"Oo nga naman. Hays. But some changes makes me sad." Malungkot niyang sabi "Katulad no'ng dalawa na yon! Jiero and Crystal are always together kaya ang ending mag isa ako. Iniwan kasi kami ng isa naming bestfriend eh." Dagdag niya pa

Napaiwas ako ng tingin dahil ramdam na ramdam ko ang lungkot niya.

"Ang dami mong sinasabi. Kumain ka dyan, mas mukha ka pang may sakit kay Big Boss." Saad ko at kumain nalang

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon