Chapter 18-Shared Moments-

22 3 0
                                    

Kyle Azy POV

"Mom! Please stop! Di niyo kami pwedeng ipakasal ni Azaie! May mahal siyang iba! Di niyo pwedeng putulin ang kaligayahan niya dahil lang sa fix marriage na yan!" Galit na sabi ko

Hindi pwede mangyari ang iniisip nila!

"Anak, ipapa--"

"No Dad. Hindi niyo kami pwedeng ipakasal!" Sigaw ko

Wirdo namang napatingin si Mom and Dad sa akin. What?!

"Son, we want to say 'ipapasok' namin sila Antoinette sa company natin sa ibang bansa." Natatawang sabi ni Mom

What the hell.

Lamunin na sana ako ng lupa!

"HAHAHA son, ikaw ha? Baka naman gusto mong ikasal kay Azaie?" Pang aasar sakin ni Dad

Nag iwas nalang ako ng tingin. Kitang kita kung paanong nag pipigil ng tawa si Azaie!

Binulong ko sa hangin ang salitang 'lagot ka sakin mamaya.' Kaso tinawanan lang ako!!

"Pag iisipan muna namin Redenta. Maayos naman ang kompanya na pinag tatrabahuhan namin doon." Sabi ni Tita Antoinette at ngumiti

Tumango sila Mom and Dad.

"So she's your daughter. Azaie right?" Sabi ni Mom at tumingin kay Azaie. Nginitian naman siya ni Azaie.

"You are so beautiful!" Sabi ni Mom kay Azaie

Umakto naman ako na parang nasusuka. Inis tuloy na tumingin sakin si Azaie.

"Syempre mana sa akin yan." Sabi ni Tita Antoinette

Bigla namang bumaba si Tito Klark.

"Azaie! Samahan mo ako bumili sa labas." Utos ni Tito Klark

Ha?

"Opo Papa!" Lumingon ito kay Tita Antoinette "Mama, samahan ko lang si Papa ah. Alam mo na manlilibre yan ng fishball at kwek-kwek!" Sabi ni Azaie at tumawa

Ang babaw talaga nitong babaeng ito!

"Ikaw Kyle? Sasama ka?" Tanong ni Tito Klark

Tumango ako. Kaysa naman maiwan ako dito sa mga ito. Baka maipit pa ako.

"Yes, pa." Sabi ko at ngumiti

Nag unahan naman kami ni Azaie na pumunta sa pinto.

"Di ka naman nakain ng kwek kwek ah! Mayaman ka diba?" Asar sakin ni Azaie

Tuluyan na kaming naka labas ng bahay.

"Hayaan mo na siya anak. Para makakain din siya ng street foods." Sabi ni Tito Klark

"Hay nako. Buti pa si Papa Klark pinapayagan ako. Di tulad ng iba dyan!" Sabi ko

Natawa naman si Tito Klark.

"Papa inaaway ako oh." Sumbong ni Azaie kay Tito

Natawa talaga ako don. Para siyang bata na inaagawan ng pagkain.

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon