Chapter 35-Celebration pt 1-

18 4 0
                                    

Azaie POV

Buong araw kaming nag trabaho. 4pm na at isang oras nalang ay uuwi na kami.

Nag plano kami kanina na mauuna akong umuwi at mag papanggap akong nag LLBM.

"Ang sakit ng tyan ko." Pag iinarte ko pa habang nakahawak sa tyan ko

Natatakot nga ako kasi baka mamaya malaman ni Kyle na nag kukunwari ako. Mag dodoctor siya eh.

Agad na lumapit sa akin si Kyle.

"What happen?" Tanong nito

Sinenyasan ko ito na lumapit sa akin tapos bumulong ako.

"Nag tatae yata ako." Bulong ko

Agad itong lumayo sa akin at umarteng nandidiri.

Hay nako! Kung hindi mo lang birthday!

"Iuuwi na kita. Halika na." Sabi sakin ni Kyle at hinila ako patayo

*PRUUUUUT*

Parang natauhan ako sa tunog na narinig ko! Loko ka Jiero!

Gumawa siya ng sound ng utot! Kadiri!

"Azy kaya na niya yata umuwi. Madami ka pang aasikasuhin." Sabi ni Team Leader

Kasabwat din namin siya. Mabuti nga at pumayag eh.

Muling tumingin sa akin si Kyle kaya tumango na ako.

"Okay lang ako. Mag papahinga nalang ako sa bahay." Sabi ko

Tumango na naman ito. Nag paalam na ako sa kanilang lahat.

Pag dating ko ng bahay ay agad kong inilabas ang mga gamit sa bodega na pinamili namin kagabi. Kaylangan kong maasikaso ang lahat sa loob ng isang oras.

Iniakyat ko ang lahat sa second floor dahil doon kami mag cecelebrate. Kaagad na akong nag palobo ng lobo at inilagay lang sa lapag ang lahat. Di ko kasi alam kung paano ito ilalagay baka kasi pumutok pag dinikit ko. Sinabit ko na din yung banner.

Nang natapos ang decoration ay nag tawag na ako ng mag dedeliever ng pagkain mula sa resto nila Jiero. Habang nag iintay, nag bake ako ng cup cakes.

MARUNONG AKO!

Magaling kasi si Mama mag bake.

Dumating na ang mga pagkain at saktong natapos na din ako sa mga cup cakes. Inayos ko na ang lahat sa mini table. Nang mag text si Crystal na malapit na sila ay inilabas ko na ang cake. Pinatay ko ang ilaw sa baba at sa second floor.

Narinig ko nang bumukas ang pinto sa baba.

"Bakit sarado lahat ng ilaw?" Tanong ni Jiero

Best actor!

"Baka di na talaga kaya Zaie kaya nag kulong na sa kwarto. Tara tignan natin!" Sabi ni Crystal

Binuksan na nila ang ilaw sa baba. Madilim padin dito sa second floor. Nang masigurado kong nasa second floor na sila ay binuksan ko na ang mga ilaw.

"Happy Birthday!" Sigaw naming tatlo

Gulat na gulat ang itsura ni Kyle tapos iginala ang mata niya sa buong paligid.

"Joke lang yung natatae ako HAHAHA!" Natatawang sabi ko

Nagulat ako kasi lumapit ito sa akin at inakap ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko!

"Thank you." Sincere na sabi ni Kyle

Napangiti ako dito.

"Ano ka ba! Dapat masaya ang birthday mo!" Sabi ko

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon