Chapter 6-Treatment-

48 5 0
                                    

Chapter 6 -Treatment-

Azaie POV

Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Ano huh? Ilabas mo yang yabang mo!"-Sigaw ni Jon sakin

I hate to admit it pero wala akong magawa.

Muli akong sumulyap sa baba para tignan kung andoon pa si Kyster.

Oo. Nandon pa nga siya. Nakatitig padin ng walang emosyon.

Tinulak ako ni Jon at medyo malakas yun. Sa sobrang lakas ay napa pikit ako.

Mga ilang sigundo ay wala akong naramdamang sahig. Napamulat ang mata ko at nakitang...

Salo salo ako ni Kyster.

"Sino ka? Bakit ka nangingialam dito? Gusto mo madamay?!"-Galit na sabi ni Jon

Naiilang ako. Ramdam na ramdam ko ang pag hinga niya sa likod ko. Grabe. Parang nagiging yelo na ako dito.

"Hindi kasi tama yun. Babae siya. Wala ka bang nanay?"-Sabi ni Kyster

Nag umpisa nang dumami ang mga tao sa paligid. Lahat ng nasa baba ay naka tingin dito sa taas. Naka silip naman sa bintana ang mga classmates ko.

"Wow! Bakit ano ka ba dito? Boss ka?"-Maangas na sabi ni Jon

Nako majinbuu! Crush ko yan! Baka ibaon na talaga kita ng tuluyan.

"Anong kaguluhan ito?"

Napalingon naman kaming tatlo sa nag salita.

"Mr. SSC President, binubully ang classmate mo. You should do something."-Sabi ni Kyster

Ngumisi naman si Azy. What does that mean?

"Mr. SGT. at arms, di mo na kaylangang ibida pa yun dahil alam ko yan and I have ways on solving it."-Nakangising sabi ni Azy

Mayabang? Erase. Erase!

"Mr. SSC President, nireport ko lang ang nakikita ko. I'll go ahead."-Sabi ni Kyster at umalis na

"IKAW! PUMUNTA KA SA OFFICE!"-Bulyaw ni Azy

Nagulat ako doon grabe!

Ang gulo! Ano ba nangyayari?!

"Pero Kyle--"

"No buts! Go.to.the.deans.office!"-Sigaw ni Azy

Agad namang bumaba si Jon at pumunta sa deans office.

"At ikaw?!"-Galit na tanong ni Azy sakin

Kumunot naman noo ko.

Aba? Ang alam ko lang nag pahangin ako dito sa labas. Biglang dumating majinbuu at sinira ang moment ko!

Nagulat ako ng hilahin ako ni Azy pababa.

"T-teka saan tayo pupunta?"-Tanong ko

Hindi siya nag salita.

Teka asan si old self?! Sigawan mo si Azy! Hawak kamay mo oh!

Kaso badtrip! Di ko siya masigawan!

Mga ilang minuto lang ay nasa deans office na kami.

Ipapaoffice niya din ako?!

"H-hoy. Wala akong kasalanan!"-Sabi ko

"Sinabi ko bang meron? Mag bibigay ka ng statement!"-Sabi ni Azy

Hinila niya ako papasok ng office at tumambad sakin ang mukha ng lolo--este si Dean.

"Klarkzion? Ikaw na naman?"-Sabi ni Dean

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon