Chapter 16-Lunch Box-

33 1 0
                                    

Chapter 16-Lunch Box-

Kyle Azy POV

Pag uwi ko ay nasa sala sila Mom and Dad. Mukhang may pinatatalunan sila dahil rinig ko ang ingay mula front door.

"Hindi kasi pwede yang naiisip mo Redenta! Baka nakakalimutan mong masakit padin ang ginawa mong desisyon?!" Inis na sabi ni Dad

Mas pinili kong tumambay muna kung saan di nila ako nakikita.

"Ken for petes sake! Nanay ako! Alam ko kung anong mas makakabuti sa kanya! Tyaka ginawa ko lang yon dahil nasa tradisyon natin yon!" Sigaw ni Mom kay Dad

Welcome to my Mom and Dad! Ang gandang pasalubong from abroad!

Nag lakad na ako patungong hagdan. Mukhang doon lang nila ako napansin.

"Kyle? Kanina ka pa ba nandyan?" Tanong ni Mom

"Yes Mom. I can hear you argue kahit nasa front door palang ako." Ngumiti ako ng mapait "Sarap naman ng pasalubong niyo sakin. Imported." Sabi ko at tuluyan nang umakyat

"Bumalik ka dito Kyle Azy!" Sigaw ni Dad

Pumasok agad ako sa kwarto at nilock ito.

Akala ko pa naman they are here to cheer me up. Mali na naman ang iniisip ko. Buti pa yung ibang magulang ramdam ko yung pag aalala saakin. Di katulad ng magulang ko.

Nag pasya nalang akong mag shower bago bumalik ulit sa kama. When I finish my things ay agad kong binuksan ang laptop ko.

1 message from Minion\{-O-}/

Napangiti ako.

"Hey. Pakopya bukas bwhahaha!"

Pinag sisisihan ko na binuksan ko yung message.

"Ang lakas mo naman. Pag katapos mo ako iblock?"

Pindont. Then sent! Naseen niya agad at nag react pa ng angry.

"Okay fine. Wag mo ako kakausapin ah!"

Laughtrip talaga kapag napipikon siya. HAHAHA!

"Ha? Sino ka?"

Di na niya sineen.

Nag bukas muna ako ng ibang tab para mag aral kaso pagkatapos ng lahat ay di niya padin siniseen! Psh!

"Hoy!"

Kapag yan di mo pa sineen!

"May kachat ako! Bukas ka na!"

Yung kalansay na naman ang kachat niya. Kainis!

Dahil sa inis ko gumawa ako ng group chat naming apat tapos nag video call. Agad namang sinagot nung dalawa.

"Yun oh. May pa-gc si captain." Sabi ni Jiero habang nakain

Nanaman! Patay gutom talaga itong pinsan ko!

"Captain ka dyan!" Sabi ni Crystal at nag roll eyes "Wait may kulang. Asan si Azaie?" Sabi ni Crystal

Ayan na! Sige lang Crystal. I-ring mo lang ng i-ring hanggang sagutin niya! BWHAHA!

Halos maiyak ako sa kakatawa ng sagutin ni Azaie she is so mad HAHAHA!

"Anak naman talaga ng tupa eh no? Sisipain ko kayong tatlo eh!" Galit na sagot ni Azaie

Nag tawanan naman kami.

"Hoy ikaw Kyle! Alam mo namang kausap ko si Kyster tumawag pa kayo!" Inis na sabi ni Azaie

Unpredictable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon